CHAPTER 34

13.4K 304 25
                                    





LIAM:



It’s been weeks since our sem break and I’ve been busy doing stuff with our homework and projects na walang awa naman na pinagpatong patong ng mga professors namin. 

Kung hindi lang dahil kay Derick matagal na ako nagdrop out sa school na ito. Would you believe that this f*ckin school is way more strict than where I used to go to. Pfft what a bunch of nerds. 

Nakita ko sina Derick sa usual tambayan namin sa may soccer field. Kasama niya si Gerald and Evan and from the looks of it they’re having fun. Buti pa sila tapos na ang kanilang finals while I’m here stuck with all this crap of papers. 

“Oi Liam kanina ka pa namin hinhintay ang tagal mo naman,” Gerald greeted me as I approached them.

“Busy lang, cramming na nga ako e,” I sighed.

Evan just smiled at me like he always does. He’s a pretty nice guy actually and I can’t help to appreciate that on him. He never step out of his boundaries and I can see that he is trying though. 

I just hope he’s ok now. 

“Tara lunch na tayo,” Derick suggested and everyone agreed.

We went to the canteen to our usual spot. I can still hear them bickering over some stuff, trivial things actually and ito naman si Evan ang tahi-tahimik. He’s always like that, it’s like he’s too shy to speak up when I’m around. I sighed, I guess it’ll take some time.


“Guys mamaya may game kami, it’s not an official match but still we’re still competing with another school even though it’s a friendly match, manood kayo ah,” I invited them and i looked at Derick. It would mean a lot to me if he’ll come.

“Oo ba, syempre pupunta kami,” Derick said enthusiastically.

My heart swelled on that. I’m happy he’s coming to watch me play. I’ll make sure to do my best on this match. 

“Oo naman tol di namin papalampasin yun,” Gerald seconded it.

I looked at Evan and sure enough he was staring down on his drink not even glancing at me but I can see pass through those hair of his that he’s glancing at me on his sides once in a while. 

“Evan pupunta ka diba?” I asked him.

“Oo naman syempre,” he said still not looking at me. I didn’t force him to do so anyway. It’ll just be awkward.

“Ok cool, thanks guys,” 

Time flies so fast when you’re busy. Di ko man lang namalayan 4:30 na ng hapon and our friendly match with the school named Le Gianfranco is going to start soon.

I head up to the gym and started to change my clothes. Binigyan muna kami ng coach namin ng speech para may motivation kami. Then we went out into the court where hundreds of students were piling up to watch the match. 

I scanned the crowd in the hopes of seeing Derick and nakita ko nga siya nasa may likuran ng bleachers with Gerald and Evan. I waved at them and Derick saw me first then he waved back. I smiled at him.

“Tara na Liam warm up muna tayo,” Erick called as he went into the court and do some jump shots since the match hasn’t started yet. 

I just nodded and followed him along with our teammates. 

“Go go Le Gianfranco!” I heard some of the chants sa kabilang banda ng bleachers. I didn’t mind them.

“Go Liam!” that one shout caught my attention as our school chanted our team’s name. 

Si Derick pala, he wasn’t just cheering for the team, he’s cheering for me. My heart did a back flip on that one. He sure does makes me happy kahit simple gestures lang.

Priiiiit

A whistle was blown then a loud buzz sound, a sign that the game is about to start.


The game started already and we were on our 2nd quarter, medyo lamang kami ng 4 points which is good but not enough. I know this rival school of ours is hard to beat, if we let our guards down pwedeng matalo kami in a blink of an eye. So I remained focused habang paminsan minsan e tiningnan ko kung saan nakaupo sina Derick. He was unusually hyper today, I’ve known him for a very long time and I know di siya palakibo and in fact he tends to blend in with the background kaso he still gets noticed lol.

Erick passed me that ball and i dribbled it on the other side of the court when something caught my eye on the bleachers. 

My eyes were wide in shock.

Did Derick just fall down? Sh*t!

I dropped the ball and I heard my teammates calling for me while our coach was seriously furious at what I did. Iniwan ko yung court while a whistling sound indicated they had a time out pero di na ako pumunta pa sa kateam ko. I don’t care what they’ll think, I don’t care if I get kicked off the team, I don’t care about the game. 

What’s more important to me is Derick and I know he is not ok.

Di ko mapigilang magalala and boy my heart sure feels like it’s being crushed into pieces when I saw Derick still not moving while Gerald was holding him up. Halatang nagaalala din si Gerald while Evan was beside him. Some of the people didn’t notice it yet but when their eyes were on me who stepped out of the court para puntahan si Derick, they immediately saw the problem. 


Derick is unconscious.






--------- 


DERICK:


Todo suporta talaga ako sa bestfriend ko. Proud na proud pa nga ako na tintilian siya ng mga katabi naming babae. Ikaw ba naman makakita ng mag-isang fil-am na naglalaro sa school team namin. Stand out talaga ang physical looks ni Liam sa team niya. Kum baga para siyang MVP pero hindi, gets niyo? Ah basta ganun ang dating ni Liam ngayon.


“Go Liam!” sigaw ko habang chinachant naman ng mga kaklase ko yung team name namin. 

Syempre todo suporta ako kay Liam and mukang narinig naman niya yun, aba ang lakas ng pagdinig ng ungas na yun ah lol. Ngumiti naman siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Di ata niya nakita ang pagthumbs up ko kasi lumingon na siya sa court, which is fine. 


Lamang sila ng 4 points and alam kong mahirap na kalaban yung Le Gianfranco kaya medyo uneasy ako pero syempre todo suporta pa din ako. Alam ko naman na matinding pageensayo ang pinagdaanan ang team nila Liam para maging handa sa game na ito.

Bawat galaw niya sa court sinusundan ko talaga at sinasabayan ng sigaw.

“Kung makasigaw naman ito parang walang bukas,” bungad ni Evan, pero nakita ko sa kanya na gustong gusto din niya isigaw ang pangalan ni Liam pero halatang pinipigilan niya. Hay nako halata ka pre LOL.

“Tol baka mamaos ka niyan,” saway sa akin ni Gerald, di ko na pinansin syempre dapat ipakita ang suporta. School spirit ika nga. 


Pinasa ng kateam ni Liam yung bola papunta sa kanya. Nagdribble siya at naglakad sa court mukang tinitingnan kung kanino ipapasa yung bola at minsan lumilingon sa lugar namin. 

Tatayo sana ako para magthumbs up sa kanya nang biglang naramdaman kong biglang may sobrang sakit na dumaloy sa buong katawan ko. Nagsimula yung sakit sa spine then halos linamon na ang buong kalamnan ko na para bang sinusunog ako ng buhay. Sa sobrang sakit na naramdaman ko ay biglang automatic nagshut down yung katawan ko at di ko namalayan dumilim na pala ang paningin ko at wala na ako nakita o maramdaman na.




---------------- 




Naramdaman kong parang ang bigat bigat ng mga mata ko at hinang hina yung katawan ko. Di ko pa rin maimulat yung mga mata ko pero ramdam ko gising na ako. Hinang hina talaga ako at parang tole tolenadang mabibigat na hollowblocks ang nakadagan sa katawan ko. 

May naramdaman ako sa lalamunan ko. Nang narealize ko may parang nakapasok na tube dito nagsimula na ako magpanic at maduwal. May narinig ako sa monitor na para bang bumibilis yung heart rate ko at maingay yung machine. 

May narinig ako kahit nakapikit pa din ako.

“Doc! Doc! Tumawag kayo ng doctor gising na ata siya,” natatarantang boses, pero d ko pa mafamiiiarize kung kanino galing.

“Teka Ton huminahon ka, gising na ata siya sa awa ng Diyos,” boses n papa yun ah. Ah si kuya pala ang narinig ko. Anong nangyayare bakit ang dilim. Gusto ko imulat mga mata ko pero ang bigat talaga pero naduduwal talaga ako sa matigas na tube na nakasaksak sa lalamunan ko.

Biglang may naramdaman ako na humawak sa muka ko na nakagloves at dahan dahan kinuha yung tubo. Nakahinga na ako ng maayos at di na ako naduwal pero yung katawan ko di ko pa din maigalaw. 

“Riko?” boses ni papa.

“Riko gising ka na ba?” parang napapaiyak na boses ni kuya.

Kaya buong pwersa ko minulat ang mga mata ko. Nasilaw ako sa liwanag ng kwarto. Maya maya e medyo lumiwanag na ang paningin ko at nilingon ko kung nasaan nakatayo sina papa at kuya malapit sa higaan ko habang hinahaplos ni papa yung ulo ko.

Nakita ko sa mata niya ang sobrang pagaalala na ngayon ko lang napansin. 

“Doc ok na ba siya?” biglang tanong ni papa sa isang lalaki na nakasuot ng puting coat sa other side ng kama ko. 

“Sa ngayon nakakahinga na siya on his own, which means naging stable na yung kalagayan niya. Stable na din yung vitals niya pero we’re still waiting for the blood works since lahat ginawa na namin makita kung ano yung cause ng pagkacomatose niya,”

Ha? Comatose? Ako? Naalala ko nasa bleachers ako kanina e tapos biglang nawalan ng malay. Naalala ko din yung sobrang sakit na naramdaman ko sa katawan kaya siguro nagshut down yung body ko.

Narinig ko ulit pinagpatuloy ang sinasabi ng doctor. 

“We’ve done almost every test sa kanya, PET scan, CT scan, MRI sa utak, katawan pati EKG ganun din walang abnormal na nakita namin sa kanya. Yung additional blood works nalang ang hinihintay namin para makita on what’s wrong with your son Mr. Villafuente,”

“Gawin niyo doc ang makakaya niyo, money is not an issue here, pagalingin niyo lang siya,” nagaalala pero matigas na sabi ng papa ko.

“Sir, ginagawa na po namin ang lahat pero we need to assess your son first kung ano nangyare bago siya mahimatay nang sa ganun we will know where to start,”

Medyo nagigising na ako ng tuluyan kahit di ako nagsasalita at pinapakinggan ko lang sila. Nakita kong may mga IV tubings na nakatusok sa mga kamay ko at nilapitan naman ako nung doctor. Inexamine niya mga mata ko gamit ang isang pen light na dahilan naman para masilaw ulit ako. Ginawa niya rin yun sa kabilang mata ko bago kinausap ako.

“Derick,” he paused, “Derick di ba pangalan mo?”

Tanong niya pero di ko pa din maigalaw ang katawan ko at di ko pa kaya makapagsalita. Nasan kaya sina Gerald at Liam, wala din si Evan e. Nagalala na ako sa kanila, bakit wala sila dito? Totoo bang nacomatose ako? Malabo naman yun, kung nahimatay pwede pa. joker din tong doctor na to e.

“Derick,” medyo nilakasan na ng doctor ang boses niya, “say something,”

Pinilit ko magsalita, nagalaw ko na kaunti yung mga daliri ko kaya binuhos ko ang lahat ng effort para makapagsalita.

“Oo..” parang ang gaspang ng boses ko at halatang hinang hina.

“Good you can speak up, ano nangyare bago ka mahimatay?” he asked.

Inisip ko ulit yung game at nung biglang umatake yung sakit na gumapang sa katawan ko.

“Uhmm sumakit yung buong katawan ko,” mahina ko pa ding sabi.

“Sakit? Describe mo nga sakin kung gaano kasakit at saan?”

“Parang sa una nakukuryente na nasusunog na sakit na galing minsan sa likuran ko o kamay tapos gumagapang sa buong katawan ko,” triny ko pa din sabihin kahit pabulong na boses ko.

“Nakaramdam ka ba ng minsan na parang tinutusok ng karayom?”

Tumango nalang ako kasi di ko na kaya magsalita pa.

“hmm ok,” Nakita kong tumayo siya ng derecho at may sinulat sa chart at binigay sa katabi na nurse. 

Nakita ko sa gilid ko ang bakas ng pagaalala nina papa at Kuya Tonton, halatang ngayon lang nila nalaman ang tungkol sa sakit na nararamdaman ko.

“Doc ano ibig sabihin nung sinabi niya? Ano ang sakit niya?” pagaalalang sabi ni papa.

“We will know when the additional blood test comes, sa ngayon mas mainam papagpahingahin niyo muna si Derick, kagigising lang niya matapos macomatose ng dalawang lingo,”

Nagulat ako sa sinabi ng doctor, dalawang lingo? Nagbibiro ata to e. Hindi maaring 2 weeks na akong walang malay. Ano ba talaga nangyare sakin? Natakot na ako sa kung ano man tong nararamdaman ko. Narinig ko nanaman magsimula magingay yung monitor. 

“Tol? Doc ok lang ba siya?” tarantang sigaw ni Kuya.

“Mukang nabigla lang siya sa nangyayari, reresetahan ko siya ng pampakalma, for now papahingahin niyo lang muna siya,” dagdag ng doctor.

Nakita kong may sinulat ulit to sa chart at nakita kong lumabas yung nurse at maya maya e may tinurok na medisina sa IV ko na nagpakalma sa akin at nagpaantok sa akin. 

Unti nanamang nilamon ng kadiliman ang paningin ko.





---------------------- 



It’s been two days after nagising ako and medyo nanunumbalik na yung lakas ng katawan ko. Naka IV pa din ako pero at least ngayon nakakain na ako at nakakapagsalita ng maayos. 

Nalulungkot ako kasi di ko pa din nakikita si Gerald. Si Liam palang yung bumisita sa akin after magkamalay ako at minsan sumama si Evan sa kanya. Tinatanong ko kay Liam kung nasaan si Gerald pero nagkibit balikat lang to. Halatang may hindi sinasabi sa akin. 

Tinext ko na at tinawagan wala pa din di talaga ako sinasagot ni Gerald na lalong ikinalungkot ko. Nakita yun sa akin ni Liam kaya medyo lumungkot din ang muka niya. Syempre ayoko naman magalala sila sa akin kaya pilit na ngiti ang binigay ko kahit sa loob ko e pinupunit na yung puso ko sa ginagawa ni Gerald. Kala ko pa naman siya ang una kong masisilayan, alam niyo yung feeling na sobrang disappointed ka pero umaasa pa din?

Alam ko na din ang sakit ko pero minabuti kong di muna sabihin kena Liam at Evan at lalong lalo na kay Gerald kahit di pa kami nagkikita. Napapayag ko sina papa at kuya na sekretuhin lang muna namin ang tungkol sa karamdaman ko kahit labag sa kalooban nila. Alalang alala na rin si mama sa states kaya panay tawag sa cellphone ko nung nagising na ako.


2 days ago 


Nagising ulit ako after turukan ng pampatulog at pampakalma, medyo nakakagalaw na rin ako at may konting lakas na rin. 

“Oh ok ka lang ba Riko?” bungad ni kuya na nakaupo sa isang sofa sa kwarto ko.

“Nasaan si papa?” mahina kong sambit.

“Babalik din siya agad kinausap lang yung nurse sa labas kung kelan makukuha yung resulta ng blood works mo”

Di na ako umimik.

“Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Kumain ka kahit konti lang nang lumakas ka pa at madischarge ka na,” pagaalala niya.

Di pa rin ako umimik, nagiipon pa kasi ng lakas, para kasing ang bigat bigat ng katawan ko e.

Bigla naman bumukas yung pintuan ng room ko at pumasok si papa. Nakita niyang gising na ako at natuwa naman siya pero andyan pa din ang pagaalala.

“Papunta na yung doctor dito, nakuha na nila yung results ng blood tests ni Riko at kakausapin tayo.”

“Ok” sagot ni kuya.

Maya maya e kumatok na yung doctor at pumasok.

Nakatingin lang sa kanya sina papa at kuya, naghihintay sa sasabihin ng doctor. 

“Di na ako magpapaliguy ligoy pa, nang sinabi ni Derick yung symptoms niya naisipan kong dagdagan ang blood tests niya pati spinal tap na din to confirm my suspicion,” tumahimik muna siya habang pinagmasdan yung chart na hawak hawak niya, “ mataas ang immunoglobulins niya and looks like may auto immune disorder siya. It’s not definite pwede kayo magpa second opinion pero his symptoms and labs shows may Guillain Barre syndrome siya.”

Ha? Ano daw? Pwede simpleng trangkaso nalang bakit sosyal naman ng sakit ko langya? Mamatay ba ako?

“Ano ibig mong sabihin?” tanong ni papa.

“May Guillain Barre syndrome ang anak niyo Mr. Villafuente, isang uri ng auto immune disease na inaatake ng sariling antibodies ng katawan niya ang kanyang nerves kaya nakakaramdaman siya ng sakit na parang nakukuryente siya, it starts from tingling sensation hanggang sa lumala ito at minsan it will cause generalized muscle weakness. I will be blunt sa inyo, this case is a rare disease and hindi equipped ang mga hospitals dito sa Pilipinas ang mag manage ng ganung sakit. I see here sa profile data na he’s an American? Tama ba?”

“Oo” sagot ni kuya.

“Then I guess mas makakabuting sa states siya magpagamot. They can provide you a better management of his case and if papatagalin niyo pa, pwedeng ikaresulta ito ng pag respiratory arrest ni Derick which will lead to death,” tumahimik muna siya at tiningnan ako, “ he is lucky enough to wake up from being comatose for 2 weeks hindi natin masasabi kung maswerte pa din siya if the next attack happens.”

Nakita ko parang gumuho ang mundo nila papa nang marinig yun sa doctor. 

May kumalabog sa labas ng pintuan na nagbasag ng katahimikan at napalingon ako sa lugar na yun pero wala naman akong nakita. 

Hindi naman pinansin ng doctor yun at mukang tapos na siya maghatid ng masamang balita.

“I guess yun lang masasabi ko Mr. Villafuente, for now he will be under observation at kapag medyo lumakas na siya he can be discharged pero pagisipan niyo mabuti ang suggestion ko. All we can do here is manage his symptoms not totally treat him kung treatable man ngayon siya. See a second opinion sa states.”

Umalis na yung doctor sa room at napaupo naman si kuya sa sofa. 


Ilang minuto din lumipas nang magsalita na si papa.

“Babalik ka sa states,”


And then reality came crushing me down hard to my senses. Hindi ko makakasama si Gerald!

“AYAW KO!”



To be continued...

---------------------------------------------------------- 

A/N: So What do you guys think of Riko's health problem? Magkakatotoo na ba ang ikinatatakot niyang mawala si Gerald? Bakit kaya wala si Gerald sa pagbisita kay Riko? 

I'd appreciate a vote or share your thoughts on this chapter mwah!

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon