CHAPTER 37

10.9K 239 20
                                    




DERICK:



Mabilis kumalat ang balita about sa nangyare sa mismong harapan ng gate ng school namin. Di ko pala namalayan na marami pala nakakita sa amin. Di ko naman talaga napansin silang lahat. Isa lang kasi ang nasa isipan ko nung panahon na yun, si Gerald. 

Masakit pa din, pero pilit kong hindi iniisip ang nangyari. In denial siguro ako ganun na nga ata. Hindi ako pumasok sa school kinabukasan nang mangyari yun, kalat na kasi sa eskwelahan ang maling rumor na may nakakahawang sakit ako. Ang masakit pa dun, galing pa mismo sa bibig ni Gerald yun. Pero kahit anong pilit ko para magalit sa kanya dahil sa kumakalat na chismis, hindi ko pa din kaya. Mahal ko yung tao e, kahit saktan pa niya ako ng paulit ulit ok lang, sh*t ito na ba ako ngayon? Martir? 

Sinuntok ko yung pader malapit sa kama ko.

“Riko?” may tumatawag sakin sa labas ng kwarto.

Hindi ko na pinansin, kahapon pa kasi ako nagkukulong sa kwarto. Weak na kung weak pero iniyakan ko talaga ang walang hiyang lalaking yun badtrip! Mabigat pa din ang dinaramdam ko pero kahit papano naibsan yun nang iniyak ko na. Totoo nga sabi nila nakakagaan talaga ng saloobin pag minsan e nilalabas mo ang weakness mo. 

“Riko...” tawag sakin ni manang.

“Bakit ho?” tipid kong tanong.

“Hindi ka ba manananghalian? Nagaalala na ako sayo,” bakas sa boses ni manang ang pagaalala. Parang lola ko na rin kasi siya e. 

Ayaw ko sumagot, ayaw ko kumain, wala akong gana e. Pero narinig ko ulit magsalita si manang.

“Alam mo iho, kung ano man yang nararamdaman mo hindi solusyun ang pagkulong mo sa kwarto at magpagutom, nagaalala ako sayo. Kahit di mo ko kadugo parang apo na rin kita kaya sige na lumabas ka na diyan, pagusapan natin yan, baka sakali gumaan yang dinadala mo kahit papano.”

Ayaw ko naman talaga papagalalahanin si manang, matanda na kasi yun. Napagbuntong hininga nalang ako at tumayo papuntang pintuan para buksan ito.

Nang nabuksan ko yun kitang kita ko ang pagkagalak ni manang na pinakinggan ko siya.

“Ano po ba ang ulam?” tinanong ko nalang yun nang matuwa naman siya.

Nakita ko ngang mas sumaya siya nang sinabi ko yun.

“Pinagluto kita ng paborito mo, halika na,” at naglakad pababa ng hagdan si manang.


Nasa hapag kainan kami kumakain nang biglang sumagi sa isip ko si Gerald. Parang tumalon ang puso ko sa tuwa at lungkot. Pinagmasdan ko yung suot kong sing sing na regalo sakin ni Gerald. Lalong dumoble ang sakit sa puso ko nang maalala ko siya. Sh*t ayaw ko na umiyak. Pinigilan ko to pero talagang ang lakas ng pagpiga sa puso ko sa oras na mga iyon. Kinagat ko yung labi ko para di ako maiyak pero bakas sa muka ko ang kalungkutan.

“Iho, ok lang iyan, iiyak mo lang, andito lang ako para makinig sayo,” parang nanay at lola ko na talaga siya. Kaya sa sinabi niyang yun bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan. Sh*t talaga, I’m a mess. Ang sakit pa din, hindi pa rin talaga nawawala. Parang pwede nang literal na binasag ang puso ko.

“Manang bakit ganun?” humihikbi na ako.

Naramdaman kong lumapit sa akin si manang at niyakap niya ako kaya umiyak na ako habang niyayakap niya ako.

“hala sige iiyak mo lang iyan, andito lang ako, hay nako tong batang to talaga basta talaga sa pagibig sobra kung magmahal,” hinagod niya likod ko para patahanin ako.

“hindi ko naman sinabi na tungkol sa pagibig ang problema ko ah,” humihikbi pa ako na parang bata.

“Aysus magsinungaling pa tong bata nato oo, alam mo iho kilalang kilala kita, sa simulat simula palang ako na nagalaga sa inyong magkakapatid nung mga maliliit pa kayo, pero ikaw talaga ang pinaka mahina pagdating sa pagibig.”

Medyo tumahan na ako pero basa pa din ang mga pisngi ko sa pagiyak kabadtrip.

“Pano mo naman nasabi yun manang,”

“Naalala ko pa nung highschool ka nagkulong ka din sa kwarto ng ilang araw ng iniwan ka ng girlfriend mo pero alam mo ba mukang mas matindi ang pagmamahal mo sa isang to para iyakan mo siya,” napatulala ako sa sinabi ni manang, “ni minsan di ka umiyak nung highschool ka pero umalis ka ng states para makalimot, ngayon mukang iba si Gerald, mahal na mahal mo talaga ata siya.”

Natameme ako sa kanya, nung ipinagtapat ko kasi kena papa at kuya ko ang samin ni Gerald sinigurado ko wala doon ang kasambahay namin o si manang so pano niya nalaman?

Binigyan ko siya ng makahulugang titig na nagtataka.

“Ay nako huwag ka na magtaka obvious naman talaga iho, naalala mo pa ba nung hinanap ka dito ni Gerald nung isang gabi? Di siya umalis nun para hintayin ka lang,” patuloy niya and bawat pinapaalala niya yun sing lakas ng sledgehammer ang pumupokpok sa puso ko sa sakit. Lumungkot uli yung muka ko pero pinagpatuloy lang ni manang ang sinasabi niya.

“Nakita ko sa muka mo ang pagaalala sa kanya nang di siya makakauwi kasi ginabi na siya masyado,” ngumiti siya sa akin, “kaya alam kong noon pa lang mahal mo na talaga siya.”

Yumuko ako nang humiwalay ako sa pagkakayakap kay manang.

“Ang sakit talaga manang, sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong sakit sa buhay ko,” naiiyak ulit ako.

“Alam mo Riko, kaakibat ng pagmamahal ang masaktan. Sa ganong paraan masasabi mo na minahal mo nga siya ng totoo, kung hindi man kayo ok ngayon malay mo hindi pa ngayon ang tamang panahon para sa inyo.”

“Anong ibig mong sabihin manang?” 

“Nasabi ko na ba sayo ang estorya ng yumao kong asawa?”

Umiling nalang ako.

Napangiti sa akin si manang habang inaalala niya ang kanyang masasayang karanasan na bakas sa muka niya.

“Nung kabataan ko may nakilala akong napakabait at matikas na lalaki sa probinsya namin. Ang pamilya namin e di naman talaga ganoon ka karangya, magsasaka ang tatay ko at mananahi ang nanay ko. Pero medyo nakakaangat sa buhay ang pamilya ng asawa ko. Sa una tutol ang manugang ko sa relasyon namin kaya pinaghiwalay kami. Nabalitaan ko nalang na ikinasal na pala siya sa isang dalaga na pinaboran ng magulang niya.”

“E muka namang sad ending ang story niyo manang e,” napakunot ako ng noo.

Napatawa naman siya na medyo ikinagaan ng loob ko. Di ko pa kasi naririnig ang kwento ni manang. Parang bonding moment na rin namin. 

“Siguro nga sad ending yun iho,”

Lalo ako sumimangot sa kanya, kala ko pa naman e iniinspire ako ni manang sa kwento ng buhay niya. Mukang gusto pa ata dagdagan pagkaemo ko ngayon e, kainis. 

“Manang naman e, kala ko pa naman e maganda kalalabasan ng kwento,”

“Sino ba nagsabi hindi maganda kinalabasan ng kwento ng buhay ko?” pangsaway sakin ni manang, “di mo pa kasi ako pinatapos, o siya, ayun nga ikinasal siya at ako naman e nanatiling dalaga. Maraming nagtangkang manligaw pero sadyang mahal ko talaga si Renato kaya wala akong sinagot ni isa man sa kanila. Nagpatuloy ang buhay, di naman ako nakatapos ng pagaaral kaya tinulungan ko na ang nanay ko sa pagiging mananahi. Lumipas ang ilang panahon nagkita uli kami ni Renato.”


Di ko napansin na sobrang subsob na ako sa pakikinig sa kwento ni manang, iba kasi naman talaga kapag matanda ang magkwento e lol.

“O tapos?” excited tuloy ako.

“Ayun nga, nasabi niyang biyudo na pala siya, namatay ang asawa niya sa panganganak ng ikatlong supling nila. Pinagtapat niya siya sakin na ako naman talaga ang mahal niya kahit na pinilit siya ipakasal sa panahong iyon. Kahit di niya mahal yung babae naging mabuti siyang ama at asawa pa din. Kaya nga siya lang ang minahal ko nun e kasi napakabait naman niya talaga. Sa katapusan ikinasal pa din kami at di naman na makatutol ang mga magulang niya kasi matatanda na kami, kahit papano nagtagpo pa din ang landas namin sa tagal ng panahon na lumipas.”

Napatitig lang ako kay manang, ang deep naman kasi ng story niya.

“wow naman true love,” bulalas ko.

Napangiti sakin si manang, “siguro nga ganun, kaya Riko lagi mo tandaan, ang tunay na pagmamahal ay di kailanman madaling burahin ng panahon. Siguro hindi mo pa panahon ngayon, bata ka pa mahahanap mo din ang tunay na pagibig mo, naiintindihan mo ba iho?”

Tumango nalang ako. Medyo kahit papano hindi na ako masyado nadepres pa. Hinintay ko nalang umuwi sina kuya at papa galing sa trabaho nila. Buong maghapon nanood nalang ako ng mga palabas sa TV. Inoff ko celphone ko para walang mambulabog sa akin. Gusto kong magmove on na, kahit anong pilit kong ayusin ang sa amin ni Gerald, hindi naman na kasi mababalik yun. I tried calling and texting him, hindi niya ako sinasagot. Tinangka ko pa ngang pumunta sa bahay nila pero di na ako tumuloy pa nang nakita kong magkasama sila ni James one time.

Hindi na rin ako pumapasok sa skul kasi nga sira na pangalan ko ko dun besides masakit lang sakin makita si Gerald ulit. Siguro panahon na nga para pagbigyan ko sina papa.



------------------ 


“Sigurado ka ba Riko?” pagtatakang tanong ni papa.

“Yes pa I’m sure, gusto ko na bumalik ng states and kung ok lang sana this weekend,” 

“Ang bilis naman ata, akala ko gusto mo pa magstay ng ilang months tapos pupunta ka ng states?” gulat pa din sila sa biglaang desisyon ko.

Wala naman na rin kasi reason for me to stay here. Iniwan na ako ng nagiisang mahal ko, masakit lang sakin na manatili dito habang nareremember ko siya sa bawat lugar na pinuntahan namin, sa bahay na ito kung saan madalas siya magsleep over, yung sala namin kung saan kami nanonood ng tv, sa mga mall kung saan kami gumagala, masakit talaga maalala, gusto ko makalimot.

“OK kung yan ang desisyon mo,” pumayag si papa matapos niyang pagisipan ang pabigla bigla kong desisyon, “teka pano si Gerald?”

Napatigil ako dun at bumalik nanaman lahat ng iniinda kong sakit kapag naaalala ko lang siya.

“Mas pinili namin maging magkaibigan nalang pa, ok na yun,” malungkot kong sabi kahit na kasinungalingan lahat yun. 

Napatitig si papa sa akin and mukang alam niya kung anong pahiwatig ng pinapakita kong expression sa muka. Di na siya nagtanong pa, I guess he understood it kaya hinayaan na niya ako.



------------------- 


Flight DL 640 bound for Nagoya, Japan with continuing service to Detroit is now boarding passengers seated at Zone 2.

Narinig ko yung tawag ng flight attendant sa gate namin sa NAIA 1. Habang pumipila ako para iabot ang boarding pass ko, unti unti ko narerealize, ito na talaga. Ito na ang oras na masasabi ko na wala na talaga kami ni Gerald. Bumigat ang dibdib ko at naramdaman ko nanaman yung kirot sa puso ko na nakasanayan ko na for the past weeks. 

Matagal tagal din akong naging in denial. Pero sa bawat hakbang ko papaloob ng eroplano unting unti lumilinaw ang realidad. 


Wala na kami ni Gerald and di ko alam kung magkikita pa kami ulit.


May isang luha na pumatak sa kamay ko. 


Paalam Gerald. 


Mahal na mahal kita.



To be continued...

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon