CHAPTER 5

26.2K 379 15
                                    

I was watching the ceiling of my room with loads of things coming into mind. Para akong tulala nakatitig sa kisame. After a week of classes in my new school, it’s a mixture of feelings na naramdaman ko, excited, bored, minsan inis sa mga terror teacher but none the less it’s fun. I gain friends as well, isa na dun si Gerald na parang masyadong naging mas makulit pa nung nakilala ko na siya. Masayahing tao at palabiro taliwas sa una kong impression na mayabang at presko.


“Sir Riko, pinapababa na po kayo ng papa mo,” tinatawag ako ni manang sa labas ng kwarto ko.

“Opo bababa na po,” tinatamad akong bumangon sa kama ko pero bumaba pa din ako papunta sa dining room. It’s Friday and wala kami klase this weekened for some reason. Sa class schedule may subjects kami sa Saturday pero inannounce ng Faculty na may change of scheds daw so baka wala na kami class every Saturday, good for us right? 


“Oh riko maupo ka na at sumabay ka na sakin kumain,” anyaya ni papa.

“Si kuya nasaan?” pagtataka ko at wala pa din kapatid ko.

“Nasa hotel may inaasikasong importanteng bagay baka mamaya pa yun makakauwi,”

“Ah ok,”

Tahimik kaming kumain ng dinner namin, wala din naman akong makwento sa Dad ko.

“Kamusta first week of class mo?” biglang tinanong ni papa.

I really don’t know kung ano dapat sasagutin ko, lutang pa din kasi utak ko. Nothing really major happened this week. 

“Ok lang,”

“Yun lang?” paguusisa niya.

“Yes pa,”

“If you’re having trouble adjusting sabihin mo sakin, para we can do something about habang maaga pa,”

“No everything is fine, I’m ok really,”

“Sigurado ka ba?”

“Opo,”

“Ok as you say so,” at pinagpatuloy niya yung pagkain ng dinner niya.


Beep Buzz...


May text message sakin, kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Nakita yun ng dad ko.

“Riko kumakain tayo, saka na yang text text mo diyan,”


“Yes pa,” pero tiningnan ko muna kung sino nagtext, ui si Gerald pala.


Hiningi niya kasi number ko this past few days, para na rin daw kung sakali gusto niya mangopya ng assignment e madali lang makontak ako, loko nun ah. 

Binilisan ko nalang pagkain ko at umakyat ako pabalik sa room ko, di na nagusisa pa Dad ko at hinayaan nalang ako.

Binuksan ko ulit yung text message ni Gerald.

Gerald: ui musta? Gising ka pa ba?

Natural gising pa ako, ang aga pa ng oras di pa nga malalim ang gabi and I just had dinner with my Dad. Nagtype ako sa screen to reply.

Derick: Oo bakit ano kailangan mo?

Gerald: Nagtext lang may kailangan agad, di pwedeng namiss lang kita?


Ang adik talaga nitong si Gerald, unti unti ko nang nakasanayang ang ganito niyang pangungulit sakin. Kum baga ganito lang siya makipagkulitan sa mga kaibigan niya, yun sinasabi ko sa sarili ko. 

Derick: Ewan ko sayo! Kung wala kang magawa sa iba ka nalang mangtrip.

Gerald: Eto naman o di mabiro, lagi ka kasi seryoso tol kaya sarap mo lambingin este asarin. 

Derick: Loko ka,

Gerald: Hahaha (pacute na emoticon)


Hindi ko na nireplyan alam ko kasi mangungulit lang yung mokong na yun. Inopen ko yung desktop computer ko sa harap ng bed ko. Nagopen ako ng FB ko check ng news feed at messages. Walang message si Liam after so many days na nasabi siya na papunta siya ng pinas. Baka nagbago ang isip niya. Siguro nga. Chineck ko account niya wala namang new activity in fact last update niya was three weeks ago, halatang di mahilig mag facebook yung mokong. Pero bakit kaya lagi online yun nung nagoonline ako, weird. Pero ngayun di na siya online. San na kaya siya, hope ok lang yung tao, syempre nagaalala ako kaibigan ko din naman yung tao. Pilit ko nirarationalize sa isip ko. 

Di ko namalayan ang dami na palang text message sa phone ko, lahat kay Gerald. 

Gerald: Ui andyan ka pa ba?
Gerald: Nax mukang busy ah, nanchichiks ka nanaman tol haha
Gerald: Sige ganyanan dahil lang sa babae babaliwalain mo na pagkakaibigan natin.


Ang drama ni mokong ahaha ako din natawa sa mga pinagtetext niya, loko talaga. Kung makapagdrama sagad. Ano kaya nakain nito. Nireplyan ko siya, sinakyan ko mga kalokohan niya.

Derick: Ah pasensya pare kausap ko kasi sa phone yung girl na nagbigay ng number sakin sa school.

Natawa ako sa pinaggagawa namin, pero di ko alam bakit sinasakyan ko mga kalokohan niya, dati rati madali ako mainis sa kakulitan ng mokong na yun pero ngayun tinopak ata ako at gusto pagtripan siya. 

Gerald: Sabi ko na nga ba, ganyan ka naman e, di mo man lang ako binalatuhan ng mga chiks mo.

Derick: aba ako pa ngayun ang sinisi bakit di ka ba makahanap ng sarili mong chiks sa itsura mong yan.

Gerald: Bakit ano ba itsura ko ah?

Derick: Di hamak naman mas pogi ka kesa sakin, ikaw dapat mangbalato diyan hahaha

Gerald: Madami nga hindi ko naman gusto, yung gusto ko naman may ibang gusto.

Derick: Wow pare ang lalim niyan ah, may pinaghuhugutan ka ba? 


Tawa ako ng tawa habang jinojoke time ko si Gerald. Kakatuwa siya asarin, para silang magkatulad ni Liam, kaso si Liam medyo seryoso kaya mas nakakatuwang pagtripan. Sh*t bakit ba puro Liam ang nasa isip ko, kainis. Nah, nagaalala lang ako sa tao. Hindi na kasi nagparamdam baka sinalvage na yun o di kaya dinukot ng AbuSayaff para iparansom, kano kasi. Kung ano ano nalang pumapasok sa isip ko hays. 

Gerald: Oo tol may pinaghuhugutan, matindi tinamaan kasi ako. 

Derick: Nax naman inlab si parekoy, haha binasted ka ba? At ganun ka kung makaemote dyan?

Gerald: Hindi naman sa binasted, alam ko lang walang pagasa.

Derick: Wow tama ba basa ko, Si Mr poging tisoy Gerald Cinco sumusuko agad sa isang babae. Tol kulang lang yan sa diskarte gusto mo tulungan kita?

Gerald: Huwag na, 


Ui seryoso nga yung mokong, parang may pinagdadaanan ata. Kung kanina gusto ko pang asarin parang ngayon di naman na ata tama asarin ko pa. 

Derick: Hey kung may problema ka dinadala you can talk to me, problemang pagibig lang yan, ang dami nga diyan wala makain, wala matirhan, be thankful tol.

Gerald: Alam ko naman yun tol pero syempre mahirap. 

Derick: Tol ok ka lang ba?


Now I’m also getting worried for Gerald baka mamaya e maglaslas yung mokong. Lahat nalang ata ng kaibigan ko prinoproblema ko, ganyan siguro ako kabait e noh?

Gerald: Ok lang ako tol

Derick: Sure ka? 

Gerald: Uhm tol pwede humingi ng pabor?

Derick: sure ano yun?

Gerald: Tara gala tayo.

Derick: Ha? ngayon? 

Gerald: Oo tutal weekend naman bukas wala tayo pasok geh na tara na, para naman gumaan loob ko.

Mukang malaki ang dinadalang problemang saloobin tong si Gerald kaya napapayag na rin ako na samahan siya. I’m old enough I don’t have a curfew anyway need ko lang magpaalam sa Dad ko kung saan ako pupunta and I know he’ll let me go as long as alam niya.

Derick: Ok sige, san tayo magmeet?

Gerald: Talaga samahan mo ko? 

Derick: Oo sabi bakit ayaw mo? pwede din kasi inaantok na ako, matutulog nalang ako.

Gerald: syempre gusto sige tara sa malapit na starbucks ng school natin tayo magkita, ok lang ba magcommute tayo?

Derick: Dala ko car ko, ako na bahala sa sasakyan.

Gerald: Wow rich kid!


Derick: Gagu, di ako rich.

Gerald: O sige kung di ka rich ano kami hampas lupa?

Derick: Adik ka rin e no, makaligo na nga at nang makaalis na, text text nalang.

Gerald: sige I’ll see you there bro.

Matapos ko maligo kinuha ko yung V neck gray shirt ko na medyo fitted and nagsuot ng dark maong pants, simple lang ako magbihis yun lang tapos na, at least bagay naman sakin kahit ano suotin ko. I asked permission sa Dad ko and as expected pinayagan naman akong lumabas at dalhin yung car. 

Mga isang oras na rin yun at papunta na ako sa starbucks. May nagtext at alam kong si Gerald yun pero di ko na tiningnan pa kasi nagmamaneho ako. As soon as I arrived sa place na yun pinark ko muna yung car malapit sa coffee shop na yun. Napansin ko madaming customer ngayun ang starbucks. May mga grupo na nagyoyosi sa labas habang nagwiwifi. May isa namang grupo ng guys sa bandang loob na masyang nagtatawanan. Mga pasosyal na babae sa kabilang tables. 

Pumasok na ako sa loob ng shop and sinundan ako ng tingin ng ilang guys na nakakumpol sa isang mesa, binaliwala ko nalang. 

Tiningnan ko kung nandon na si Gerald pero madaming tao sa loob and I don’t like staring back at them habang naghahanap kasi nakatingin ang iba sakin kaya kinuha ko nalang cellphone ko at tingnan kung ano message niya.

Gerald: Papunta na ako doon.
Gerald: Tol wait lang trapik dito sa amin.
Gerald: Andyan ka na ba?


Iyon lang last message niya at mukang ngayon lang yun so bale ako pala ang nauna sa kanya, natrapik ata yung mokong sa pagcommute.

Tinext ko siya.

Derick: Yah andito na ako, take your time antayin nalang kita.

Gerald: Ui pasensya tol pinaghintay pa kita dyan, kabadtrip tong trapik nakalimutan ko Friday ngayon dami gumigimik anak ng tokwa naman.

Derick: Relax andito lang naman ako hintayin kita magorder nalang ako ng drinks muna.

Gerald: sige sige papunta na ako diyan.


Derick: k

Gerald: Yun lang walang kiss man lang?

Derick: sapak gusto mo?

Gerald: hahaha loko lang. 


Hindi ko na nireplyan pa siya. Di ko napansin kanina pa pala ako nakatayo sa gitna ng walk way sa coffee shop and yea pansin ko din ang titig ng same guys na nasa kabilang mesa, as much as possible di ko na pinapansin pa. May mangilang ilang girls din na tumitingin saken. Ano ba to may dumi ba sa muka ko? Di ko na pinansin at naglakad na rin lang ako papunta sa counter.

“Yes sir good evening, can I take your order?” masiglang bati sakin ng babae at kung makasmile wagas.

“ ah wala ba kayo malamig na matamis?” tanong ko, mahilig kasi ako sa sweets at di ko trip ang mainit na kape.

“Ah sir meron po kaming iced coffee with different flavors,”

“Ah yun nalang iced caramel latte ba yun?” tinuturo ko yung nakasulat sa taas ng menu nila.

“Ok sir, anything else sir?”

“Yun lang, magkano?”

“150 pesos sir,” 

“thank you sir I received 1 thousand pesos, eto po sukli niyo,”

“Thanks,”

“15 min lang sir ah,”

“ok,” at tumayo ako sa gilid habang naghihintay sa drinks ko while taking out my phone and checked kung may wifi. Hiningi ko na rin sa girl yung password ng wifi at binuksan ko emails ko. 

Walang new emails. Chineck ko FB ko mga updates lang ng friends ko nung highschool pero tinitingnan ko baka sakali lang nagupdate din si Liam. Nope wala. Pinasok ko nalang ulit yung phone ko sa bulsa ko habang naghihintay. Pasimpleng sumusulyap yung girl na nasa counter pero hinayaan ko na rin. Maya maya dinala na yung drinks ko kaya kinuha ko na at naghanap ng bakanteng mauupuan. Sa may pinakalikod ako para walang mangistorbo saken kasi magisa lang ako. 

Kinuha ko yung cellphone ko nanaman para magsearch sa net ng news since wala ako magawa habang naghihintay kay Gerald.

Maya maya napansin kong may lumapit sa table ko, isang lalaki galing sa kabilang mesa,

“Hi,” bati niya sakin.

He looks older sakin pero medyo gym built ang katawan, i think he is working na base sa type of clothes na suot niya. May balbas siya sa chin niya and maputi siya. 

“Yea?” sagot ko naman.

“Can I sit here with you?”

“Bakit?” tanong ko na may halong pakayamot.

“Wala I just want to be friends with you,” ngumiti siya habang umupo sa harapan ko.

“Ah, pare ano ba kailangan mo talaga, hindi ako nakikipagkaibigan sa di ko kilala,” Im straight forward siguro dahil na rin sa environment ko sa states. Walang paligoy ligoy dun you need to speak your mind kundi wala ka.

Mukang nagulat ata yung lalaki kasi hindi muna siya nakapagsalita pero he regained his composure at muling nakipagusap sakin. 

“Wala napansin ko kasi magisa ka lang kaya i thought need mo ng kasama,” ngumiti siya sakin ng makahulugan.

“Kung kailangan ko ng kasama sasabihin ko kung hindi sana respetuhin ng mga tao sa paligid ko yun, ok tol?” inis kong sambit.

I know what he wants, hindi ako bata at naive para di ko magets kung ano gusto nila. Kagaya din siya ng boss ko sa states, he wants some good time and he wants it with me. Pero I’m never that kind of guy and lalo umiiinit ulo ko kapag trinatrato ako nilang ganyan. Nagmumuka kasi akong callboy. Hindi naman ako bihis callboy, do I even f*cking look like one? Kabadtrip. 

“Chill lang tol, gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo, you’re hot,” dagdag pa niya na lalo naginit ang ulo.

“Pare pag di ka umalis sa harapan ko babasagin ko muka mo,” seryoso ko nang banta sa kanya.

Nagtitimpi lang ako and nakikita na yun ng lalaki sa harapan ko kaya dali dali na siyang umalis sa harapan ko. Bumalik siya sa mesa kasama mga kaibigan niyang for sure eh silahista din. Narinig ko pang pinaguusapan nila ako. Dinig pa sa kalapit na mga tables na yung ibang girls e nakatingin din sakin.

“Ang sungit ni pogi,” sabi ng lalaking lumapit sakin.

“Ayan kasi mars padalos dalos, waley tuloy beauty mo, sayang pogi pa naman,”

“Ang hot niya nga e,” habang nakaw na tumitig sakin ang isa pa niyang kasama. 

Hindi ko na pinansin mga pinagsasabi nila at mga titig nila sakin baka hindi ako makapagtimpi basagin ko mga muka nila. Pinakalma ko nalang saril ko by watching some news sa phone ko. 

Maya maya dumating na rin si Gerald. Nakita ko siyang pumasok at palingon lingon sa paligid. Naka japorms siya na bagay sa kanya. Nakita ko nanaman ang mga grupo ng silahista na tumitig din sa kanya. Yung malalagkit na titig.

“Mars mukang jockpot tayo ngayung gabi, sunod sunod na pogi ang dumadating,”

“Oo nga teh ang gwapo niya artistahin ang dating.”

“Ako ata hinahanap niya kanina pa kasi palingon lingon,” sabi naman ng isang bading.

Nakita rin ako ni Gerald at kumaway sakin. Naglakad siya patungo sakin na abot tenga ang ngiti, ewan ko bakit.

“Ui pasensya ngayon lang ako, natrapik kasi,” paumanhin ni Gerald.

“OK lang yun buti nga dumating ka na kundi kanina pa ako nakipagaway dito,”

“Oh bakit naman, may nanggulo ba sayo tara resbakan natin,” seryoso ang mokong ah , natawa tuloy ako sa expression niya.

“Wala may ilang tao lang na nanghaharass pero wala na,”

“Bakit ano ba ginawa sayo, sabihin mo upakan ko yan,”

“Gagu wala na sabi,” natawa tuloy ako sa kanya.

“Ah sabi mo e,” medyo hingal niyang sabi, mukang tinakbo ata niya papunta dito ah.

“Ok ka lang?”

“Oo nilakad ko nalang kasi papunta dito kasi walang dumadaan na jeep.”

“Ah pahinga ka muna, eto inumin mo,” inalok ko yung drinks ko sa kanya.

“ui salamat ah,” at ininom din niya yun.

Narinig namin dalawa na kami ang pinaguusapan ng same group sa kabilang mesa na mga lalaki.

“Kaya pala teh malapit ka na masapak e may jowa palang sing pogi niya oh,”

“Ang swerte naman nila, kapwa pogi nagkakatalo na,”

“Sino kaya top at bottom sa kanila?”

“Shyeeet di ko maimagine baka pareho sila versa bigayan, omg di ko talaga maimagine!”

Ang lalakas ng boses ako nalang nahihiya para sa kanila pati mga kalapit naming tables na mga babae e nakikinig sa kanila at pasulyap sulyap samin ni Gerald. 

“Uh tayo ba pinaguusapan ng mga nun?” parang engot lang na nagtatanong, sabagay wala siya nung hinarass ako ng isa sa kanila.

“Basta sakin yung naka grey t shirt na chinito ah,” sabat naman ng isa sa mga lalaki.

Napatingin sakin si Gerald, tiningnan niya suot kong T-shirt, at tumingin uli sa mata ko na para bang nagtataka na ewan. Kung di lang ako badtrip baka natawa ako sa reaksyon niya.

“Sige teh basta sakin yung poging tisoy na naka jacket.” Hagikgiikan silang lahat.

Tiningnan ni Gerald suot niya at nilingon niya sa paligid siya lang naman nakajacket dun. Kumunot noo niya nang narealize niya kaming dalawa ang pinaguusapan ng mga yun kanina pa. 

“Tara na baka may masapak pa ko dito,” biglang sambit ko.

“Ah sige tara,” tumayo na rin si Gerald at sumunod sakin palabas habang sinundan kami ng tingin ng mga lalaki sa kabilang lamesa.

May mga pahabol pa ata na mga sinabi ang mga loko na yun pero di ko na narinig. Derecho na ako sa nakapark na car ko sa tapat ng coffee shop habang nasa likuran ko naman si Gerald.

“Ui astig yung sasakyan natin tol ah,” manghang mangha niyang pinagmasdan ang kulay black Toyota Avalon na latest model. 

“Ah binili ni papa para saken para di daw ako magcommute papuntang school,” habang pinindot ko yung unlock at binuksan yung pintuan ng driver’s seat.

“Rich kid ka pala tol,” habang pinagmamasdan pa din niya yung sasakyan sa labas.

“Ano sakay na,” pagmamadali ko sa kanya, “At saka hindi ako rich kid.”

Sumakay na si Gerald sa passenger’s seat na bakas sa muka niya ang pagkamangha pa din sa bagong sasakyan. 

Pinaandar ko na at nagsimula na ako magbacking at umalis sa parking space at dumerecho na sa daan. Si Gerald ay nakatutok lang sa binabaybay naming kalsada. 

“Tol tayo ba yung pinaguusapan nila kanina dun sa coffee shop?” seryosong tanong ni Gerald.

Hindi ko alam kung ano pakay niya kung bakit pa niya gusto malaman yun tutal tapos na iyun at umalis na kami pero sinagot ko pa din siya.

“Oo bakit?”

“Kaya ba badtrip ka?”

“Ano ibig mong sabihin?”

“Pagpasok ko kasi ng shop e di maipinta pagmumuka mo kala ko nga galit ka sakin kasi late ako kaya sorry ako ng sorry e hindi naman pala,”

“Ah yun ba wala yun,”

“Nainis ka ba kasi tinawag nilang magjowa tayo?” 

Napalingon ako sa kanya ng saglit na may bahid ng pagtataka sa muka ko. 

“Bakit di ka ba mapipikon kapag sabihan ka ng ganun?”

“Bakit naman hindi, pogi ng jowa ko oh” sabay pisil sa pisngi ko na kinagulat ko. 

“Loko ka ba gusto mo ba mabangga tayo?”

Adik talaga nitong si Gerald, lumalabas nanaman kapilyuhan niya.

“Haha di ka naman mabiro, relax lang tol huwag mo nang dibdibin yun, inggit lang sila,” tumatawa pa din ang mokong.

“Inggit? Saan?” pagtataka ko.

“Syempre wala silang bestfriend na pogi na tulad ko,” sabay pogi sign,nakakaaliw siya mangtrip.

“Ang yabang ah,”

“Hahaha oh ayan at least napatawa kita,”

“Ewan ko sayo,”

Napatawa narin ako sa kalokohan ng mokong na yun. This might just turn out a good night out at all. Si Gerald ang pinadesisyun ko sa kung saan kami pupunta ako lang driver para sa destinasyun namin. Una pumunta muna kami sa isang bar. Sumunod lang ako sa kanya kahit na hindi naman ako mahilig dun.

Pumasok kami sa bar na madilim pero may mga flashy lights at ang lakas ng tugtog ng music. Pumili kami ng mauupuan at nagorder ng drinks. Hindi naman sa hindi ako umiinom pero nagpaumanhin ako kay Gerald na hindi ako iinom kasi ako nga ang magdridrive samin dalawa. Naintindihan naman niya yun kaya siya ang umorder ng san mig light at yung sakin naman ay isang parang matamis na inumin na hindi naman nakakalasing. 

Lakas magpatugtog ng mga usong music yung bar at nakita ko madami sumasayaw sa gitna habang may ilang nakaupo at naginuman sa mga nakapaligid na tables. Si Gerald ay kanina pa nilalaklak yung mga beer na sunod sunod.

“Dahan dahan naman sa paginom, naglalasing ka ata nyan e,” sigaw ko malapit sa tenga niya kasi hindi kami magkarinigan sa lakas ng music.

“Ha?” sigaw naman niya pero nakita ko lang bibig niya kasi wala ako marinig. 

“Sabi ko dahan dahan sa paginom, malalasing ka agad niyan, kala ko ba gusto mo magenjoy ngayong gabi,” inulit ko ngayon mas malapit ako sa tenga niya at lumapit na rin katawan ko sa kanya.

Biglang lumingon sakin si Gerald na muntikan nang magbanggan labi namin dahil sa sobrang lapit namin sa isat isa. Nagulat ako pero siya nakatitig sa mga mata ko. Mukang tipsy na nga talaga siya pero hindi niya inalis ang muka niya sa harapan ko at patuloy lang nakatititig sakin, parang nangungusap ang mga mata niya.

“Gerald ok ka lang ba?” tanong ko kahit di niya marinig.

Ngumiti siya sakin at binawi ang mga titig niya, lumaklak pa siya ng isang bote at sumigaw, “Woooohooo aaaah”

“Tara sayaw tayo dun,” sigaw niya.

“Hindi ako marunong sumayaw dito nalang ako,” 

“Ikaw bahala,” at tumayo siya sa upuan niya at tumungo sa gitna ng dance floor. 

Sumayaw siya ng sumayaw, may nakakasayaw siyang mga grupo ng babae at minsan naman silang dalawa lang ng babae. Kiskisan ng katawan sayaw dito sayaw doon. Pinagmasdan ko lang siya, muka naman siyang nageenjoy pero ewan parang may something. Hindi ko lang maipaliwanag mabuti. Hinayaan ko na lang.

Maya maya may tumabi sakin na babae.

“Hi,” bati niya sakin.

Maganda naman siya, kahit medyo madilim sa loob kita ko pa din na litaw ang kagandahan niya. 

“Hi,” bati ko din sa kanya, ngumiti ako sa kanya.

“Magisa ka lang ba?” tanong niya.

“Ah hindi kasama ko kaibigan ko andun sumasayaw.”

“Ah bakit di ka rin sumayaw?”

“Hindi ako marunong e,” nahihiya kong sagot na ikinatuwa naman ng babae kasi ngumiti siya.

“Ako din actually sinama lang ako ng mga friends ko kaso hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganito pero ayoko naman maging KJ sa kanila,” nahihiya niyang sagot. 

Ang ganda niya talaga at mahinhin siyang makipagusap, halatang hindi gaya ng ibang babae na brusko ba kumilos, siya parang edukada at mabait ang aura. Lumakas tibok ng puso ko, she is really gorgeous and I think I like her.

“pasensya na ha kasi wala ako maupuan kaya nakishare ako sayo,” mahinhin niyang sabi, “Ayoko naman dun kasi parang nakakatakot ang itsura nila,”

Tinuro niya yung mga lalaking nagiinuman sa paligid namin at ilang girls na wild na nagkukumpulan sa ibat ibang table.

Natawa ako sa sinabi niya, “bakit ako ba hindi nakakatakot ang itsura? Malay mo killer ako?”

Tumawa din siya.

“muka ka naman mabait,” ngumiti siya sakin, “at tsaka kung killer ka di mo na dapat sinasabi yun sakin diba?”

“Sabagay tama ka,” nagtawanan kami dalawa. 

“My name’s Derick by the way but you can call me Riko,” inabot ko yung kamay ko sa kanya.

“Hannah,” at kinuha niya kamay ko.

Ang lambot ng kamay niya at ang kinis, parang nakuryente ako nang hinawakan ko kamay niya, lalong lumakas ang tibok ng puso ko, nagpalpitate ata ako. Pinagpawisan ata ako ng malamig kahit aircon sa loob. I think I like this girl.

“Hannah can I have your number?” nababalisa kong tanong.

Tiningnan niya muna ako ng matagal na para bang naguusisa at nagtataka.

“I mean sorry this may come out like I’m hitting on you but uhmm sorry nevermind,” nauutal kong paliwanag.

Mukang natutuwa ata si Hannah sa nakikita niya kasi ngumiti siya saken na para bang ikinatuwa niya ang reaksyon ko. Kinuha niya cellphone niya at binigay sakin.

“Put your number there and I’ll miss call you,” ngumiti siya sakin ng marahan.

Kinuha ko naman cellphone niya at nilagay number ko at isinoli sa kanya, pagkatapos nun ay tinawagan niya cellphone ko, naramdaman kong nagvibrate phone ko at nilabas ko yun.

“There’s my number,” at pinatay na niya yung call.

“Ah sige salamat, I’ll save it,” sagot ko naman.

Nagtawanan kami ni Hannah at nagkangitian, I dunno it was really weird but I know we connected. Parang may spark ba. When I was about to talk to her more ay bumalik na sa upuan si Gerald.

He has this weird expression on his face na para bang naiinis, pagtataka, ewan di ko naintindihan.

“Who’s this?” tanong ni Gerald sakin.

“Ah siya pala si Hannah” pinakilala ko.

“Hannah Crisostomo,” extending her arm kay Gerald. 

Parang nagaalangan pa din si Gerald pero inabot din niya ang kamay niya. 

“Siya pala Si Gerald Cinco and I’m Derick Villafuente,” pagpapakilala ko ng lubusan kay Hannah na sinuklian naman ng ngiti at tumango siya. 

“Hey Hannah C’mon i found some tables over there andun sina Felicity, what are you doing here?” may lumapit na babae sa kanya at pilit na hinihila.

“Ah sorry I thought you were still on the dance floor kasi,” paumanhin niya sa kasama niya at lumingon samin dalawa ni Gerald, “nice meeting you Derick and Gerald.”

Ngumiti siya sakin na para bang nagpapaumanhin pero parang may halong saya, ningitian ko din siya at nagwave siya saken hanggang sa hinila na siya papalayo ng friend niya sa kabilang dako ng bar.

“Sino yun?” seryosong tanong ni Gerald.

“Ah nakilala ko lang, she seems nice,” sagot ko sa kanya na mistulang nakangiti pa din.

“I see,” mukang nagiba ang timpla ni Gerald. 

Buong gabi parang sinumpong ng kung ano si Gerald na di ko maintindihan. Nagpakalasing siya, order ng order ng alak at hindi man lang pumunta na sa dance floor. Kapag kinakausap ko maswerte na kung sumagot ng dalawang salita, tango lang ang ginagawa niya.

“Hui balak mo ba magpakalunod sa alak?” pagaalala kong sambit.

Hindi ako pinansin ni Gerald kundi lumaklak lang ulit siya ng isa pang bote ng beer, I think naka 10 na ata siya and bilib ako kaya pa niya. Triny ko siyang pigilan pero parang galit pa ata.

“Tama na sabi yan,” kinuha ko na yung bote sa kanyang kamay ng sapilitan. 

Wala na siyang nagawa kasi mukang lasing na ata ang loko. 

“Tara na uwi na tayo,” binuhat ko siya gamit ng pagalalay ko sa kanya, yung isang kamay niya ay nasa balikat ko habang hawak ko bewang niya. Naglakad kami papunta sa exit at papunta sa kung saan nakaparada yung kotse. 

Narinig ko naduduwal siya kaya hinayaan ko muna siyang sumuka sa gilid ng kalsada. Hinimas ko yung likod niya at saka tinulungan papasok ng kotse.

“Gerald ihahatid na kita sa inyo san ka nakatira?” tanong ko sa kanya.

Hindi ako sinasagot ni Gerald.

“Gerald hui gising san ka nakatira sabi e,” inis kong sabi.

Hay naku nakatulog na talaga ang mokong and mukang mahirap gisingin lalo pat lasing. No choice sa bahay siya muna sa ngayon ala nga naman sa kalsada ko siya patulugin, napakamot ako sa ulo ko. Pasaway talaga tong si Gerald. Ang hindi ko maintindihan bakit parang nagiba ang mood niya at naglasing ng sobra ang loko. Kakairitar talaga. Kala ko pa naman e dapat mageenjoy kami this night. Yaan na nga.

Kaya inuwi ko nalang si Gerald sa bahay namin. 




To be continued

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon