CHAPTER 6

26K 382 13
                                    

It was almost 3 in the morning nang nakauwi na ako sa bahay namin. Mukang sarap pa din sa pagtulog ang mokong at humihilik pa talaga. Pinark ko yung car sa garage area at saka ko tinulungan papalabas si Gerald.



"Gerald umayos ka nga maglakad ka na naman, ang bigat mo," sinusubukan ko siyang hilain patayo pero wala talaga e tulog ang mokong.



Naisipan ko nalang iangkas siya sa likod ko, piggy back ride kumbaga. Ambigat ng loko hays. Hirap na hirap ako buhatin at maglakad papasok ng bahay lalo pat ang gulo niya matulog, kung di ko pa siya hawak hawak baka nahulog na siya sa marmol na sahig namin.



Oh crap kailangan ko pang akyatin papunta sa kwarto ko sa taas e ang haba ng staircase.



"Lagot ka sakin bukas gagu ka, pinapahirapan mo ko masyado," inis ko sambit sa kanya.



"Mmmmm" yun lang nasabi ni Gerald.



Dahan dahan ko nang inakyat yung hagdanan at extra careful akong di kami mahulog pareho baka nagkataon e sa hospital kami pupulutin tuloy tsaka ayoko din magising ang mga kasama ko sa bahay, tiyak papagalitan ako. Lalo pat ano sasabihin nilang may inaakyat akong lalaki sa kwarto at nakapiggy back ride pa ah, that's a sight to see. Kumunot noo ko sa kaiisip.



Narinig ko naduduwal ulit si Gerald. Oh sh*t huwag naman sana siya sumuka dito, doon nalang sa CR ko sa loob ng room ko sana.



"Gerald huwag na huwag kang susuka dito, naiintindihan mo? Papatayin kita loko ka" galit kong sambit sa kanya.



"Uhhh mmmm," parand di ata ako narinig ni Gerald.



Ilang hakbang nalang e narating ko na rin sawakas yung 2nd floor at konting konti nalang malapit na ako sa kwarto ko. Buti nalang di pa sumusuka si Gerald.



Binuksan ko yung pintuan ng room ko habang pasan ko pa din si Gerald sa likod ko. Nahihirapan ako sa bigat niya pero hinayaan ko na. Pagdating ko sa room ko dali dali ako pumunta sa CR at dun ko siya nilapag malapit sa toilet bowl para kung sakali sumuka siya dun na.



Ang bigat talaga ng mokong, dahan dahan ko siya binaba na sa CR.



"Kuha lang ako ng mapagpapalitan mo, gumising ka diyan Gerald, hindi ako yaya mo," inis ko na talaga sambit sa kanya.



Hindi pa rin nagigising si Gerald kaya in-on ko yun faucet at binasa ko kamay ko and i got a few of those water in my cupped hands tapos binasa ko yung muka ni Gerald. Effective naman at nagising siya.



"Huh?" talagang lasing pa talaga ang loko.



"Kung nasusuka ka dyan ka sa toilet sumuka huwag sa sahig, ako pa papaglinisin mo tsk, kuha lang ako ng t shirt at boxer shorts mo," utos ko sa kanya.



Pero nung papaalis na ako ng CR hinawakan ni Gerald yung pantalon ko sa may paanan.



"Dito ka lang huwag mo ko iwan," mahina niyang sambit.



"Kukuha nga ako ng mapagpapalitan mo, babalik ako, maghilamos ka kaya muna o magmumog kanina ka pa suka ng suka," katwiran ko.



"Derick..." mahina pa din niyang sambit.



Ewan ko ba ano pumasok sa ulo nito ni Gerald pero medyo he looks like a lost puppy well actually basang puppy hehe. Umupo ako sa harapan niya para matingnan ko siya mata sa mata, hindi kasi ata nakakaintindi sa pinagsasabi ko lalo pat lasing.



Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon