CHAPTER 27

17K 262 29
                                    




DERICK:



"Dude gusto mo ba sumama sa Cebu with us? Sige na it will be fun," pangungumbinse ko kay Liam. Tumango naman si Gerald. 

Nasa canteen kami ng school kumakain nang ininvite ko silang dalawa sa Cebu outing na supposedly e business trip yun na pinwersa lang naman ako ng dad ko but as a consolation prize pinayagan ako ng dad ko na mag vacation ng 1 week doon and syempre what's more fun to spend it with your closest friends. Pumayag naman agad si Gerald, kahit di ko na kulitin e mukang excited ang mokong. Pero si Liam medyo alanganin pa, I don't know why.

"Sorry bro next time nalang, I'm heading to Naga on sem break, nagpromise na kasi ako kay tita Nelia," sagot niya naman.

Syempre I was dissapointed pero alam ko I have to respect his decision, family niya yun e. Si Aling Nelia ang kapatid ng kanyang biological mom so it's understandable na kilalanin niya ang maternal side of his family lalo pa't nasa states ang kamag-anakan niya. 

Napagbuntong hininga nalang ako. He is my best friend, matagal na kaya kami magkakilala since highschool pa, kaya syempre disappointed ako. Siguro nakita yun sakin ni Liam.

"Hey don't be like that, may next time pa naman ok bro?" he gave me a reassuring smile na tumango nalang ako. 

Inakbayan naman ako ni Gerald at tiningnan na tila ba sinasabi ok lang yan we can still enjoy the sembreak parang ganun. He smiled at me with those killer smile kaya napangiti narin ako sa kanya. 

"By the way, may napapansin ba kayong weird kay Evan?" biglang tanong ni Liam na nagpasimangot sa akin.

E ano naman pakialam namin sa Evan na yun, matagal na talaga siyang weird, hays. 

"Wala bakit naman Liam?" tanong ni Gerald, " I mean he doesn't bother me that much na and kapag nasa practice kami parang he acts as if wala lang and di niya ako kilala."

"Exactly," biglang sambit ni Liam na nagpataas ng kilay ko? bakit ba si Evan and topic? "last time he told me uhm..."

May napansin akong parang iniba ni Liam yung subject na parang may ayaw niyang sabihin.

"He told you what?" paguusisa ko.

"Ah wala I meant he told me na he wants to get close to us," sabi niya pero halatang may tinatago ang ungas. Hello kilala ko kaya tong si Liam, I know when he is hiding something and definitely there's something more to his words than meets the eye. Ano kaya sinabi sa kanya ni Liam para magkaganun siya?

"Ano naman bro?" sabat ni Gerald na halatang di napansin ang subtle ways na pagiiba ng tono ni Liam about sa subject.

"I mean yun nga parang he isn't doing anything and more like iniiwasan tayo when in fact taliwas yun sa personality niya right?" sambit ni Liam.

"Mabuti nga yun e para di na tayo guluhin," inis kong sabi, "why are we talking about him again? Can we just change the subject?"

Tumango nalang si Liam and halatang something is bothering him, I'll ask him later I guess. Si Gerald naman patuloy lang sa paglamon ng binili niyang mga pagkain na akala mo mauubusan, natawa ako dun sa kanya. 

"Anyway huwag niyo nang problemahin si Evan, kahit na ganun yun I think he's a nice guy, magkateammate kaya kami," sabi ni Gerald habang nilalantakan niya yung sandwhich niya.

Tiningnan ko nalang siya na tila ba ayaw ko maniwala pero since sainabi niya yun, I guess I can't judge him too harshly and aminin ko, hindi na nga siya nagpapakita sa amin, lalo na sa harapan ko and if he does see me lalo na sa mga soccer practice at tournament ni Gerald parang he acts na he doesn't know me. Hmmm i guess there's more to him than meets the eye also. 


"Sige mga tol I have to go on my next class, masungit pa naman prof namin, I just need to pass by the library first," paalam ni Liam.

"Sige see ya bro," sagot ko. Tumango lang naman si Gerald sa kanya habang puno ng pagkain ang bibig niya. Natawa naman ako dun, ang cute niya para siyang batang paslit na sarap kurutin ang psingi hehe.

Maya maya pa naman klase namin kaya nagpaiwan kami ni Gerald sa canteen habang may sumagi sa isip ko about Evan.

"Umm Ger," 

"Mmm?" ningunguya niya yung pagkain niya, kacute.

"Hindi ba nagtatampo si Evan sayo kasi nakipagbreak ka sa kanya?"

Nakita kong tumigil muna sa pagnguya si Gerald at tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay na tila ba naguusisa kum bakit natanong ko iyon. C'mon I'm curious. 

Nilunok niya muna ang kinain niya at uminom ng tubig bago sumagot.

"Nope,"

Yun lang? Tipid naman sumagot ng ungas na ito.

"Bakit hindi?"

Pinagmasdan nanaman niya ako ulit. Isa nalang dudukutin ko mga mata nito e. hmf.

"Akala ko ba you want to change the subject bakit si Evan ang iniisip mo, nagseselos na ko niyan ah," he pouted.

Kung di lang siya cute tingnan na nagpoupout nako kanina pa nakatikim ng upper cut tong si Gerald, hehe.

"Curious lang," matipid kong sagot.

Nagbuntong hininga siya bago sumagot.

"No he's not mad, sa simula pa lang naman alam niyang mahal kita e," ang seryoso ng mga titig niya na siyang nagpamula sa pisngi ko, lintek na.

Ngumiti siya sakin ng makita niya yung reaksyon ko na yun, ampf.

"Hindi siya galit Riko, he understands and to be quite honest nung nagusap kami that day na lumapit siya sa atin, sabi niya sakin, he's happy that I'm happy and finally I can be with you, well technically di pa tayo, kelan mo pala ako sasagutin?"

Aba ang loko may short attention span lang? Napunta sakin ang topic langya oh.

"I never knew nanligaw ka para sagutin kita?" hamon ko sa kanya haha, "teka pwede ba huwag kang sumegway, oh tapos?"

Tiningnan naman ako ni Gerald na may halong pilyong ngiti, hay nako ano nanaman kaya iniisip nito.

"Anyway going back, yeah he told me he's happy for me and that's it we parted ways, he's actually a nice guy Riko, I should know kasi kateammate ko nga siya, binabati pa rin niya ako as a regular friend kapag sa practice pero that's it nothing more which is nakapagtataka nga na hindi na siya nageffort pang makipagclose kasi sa pagkakaalam ko crush niya si Liam e."

Napakunot ako ng noo dun and napatingin kay Gerald.

"Huh? pano mo naman nasabi?"

"Obvious kaya sa mga titig niya kay Liam nung unang araw parang na pinakilala ko siya sa inyo, pero ngayon I don't know parang iniiwasan niya tayo, well kayo since naguusap pa naman kami ng casual stuff, parang iniiwasan niya si Liam,"

"Good," bigla kong sambit.

Napataas kilay naman si Gerald.

"Huwag ka ngang magselos, I was just saying Liam deserves better, I know he does, tsaka normal lang maging protective ako he's like a brother to me,"

"Ok sabi mo e," may kung ano sa tono ni Gerald na para bang di siya naniniwala pero hinayaan ko nalang siya. 

Kumain nanaman siya ng natitira niyang food sa tray niya, takaw talaga. Tahimik siya ng ilang saglit para bang may iniisip ano kaya yun? Minsan di ko din magets si Gerald. Di ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya magdamag nang magsalita siya.

"Ehem baka mainlab ka na lalo niyan sakin ah," sabay ngiting pilyo. 

Sumingkit ako dun sa kanya at binaling ang atensyon ko sa harapan ko, pinagmamasdan ang mga random people na labas pasok sa canteen. 

Maya maya lang may naramdaman akong humalik sa pisngi ko

Mwah.

Napatitig ako kay Gerald, adik siya, in middle of broad day light at sa harapan ng madaming tao pa. Kumunot noo ko dun sa kanya.

"Pabaon ko sa next class para good vibe" he smirked at me, ugh kung di lang siya cute. 

"Ewan ko sayo," inis kong sambit, tumawa lang naman siya.

Actually the school somewhat knows about the status of our relationship kahit naman hindi pa kami. Parang pinangunahan na kami langya oh. One thing about our school, very accepting naman sila, walang mga gag0ng gusto mangalaska o mangasar samin, well siguro sa takot lang nila, hindi naman kasi kami yung tipong lalamya lamya na hahayaan lang kung sino mang manginsulto sa amin, lalong lalo na si Gerald. May pagkabadboy side kaya si Gerald, di ko nga alam bakit nagkagusto siya sakin hays. Pero di ko ipagkakaila na masaya ako kapag kasama siya. 

Umalis na kami sa canteen at nagtungo sa next subject namin. Advanced math ata yung subject and alam ko pinakahate ito ni Gerald. On second thought kaya pala sabi niya good vibe kiss yun? Slow ko lang e no? LOL

"Oh bakit pangiti ngiti ka dyan?" biglang sabat ni Gerald nang naglalakad kami papunta sa classroom.

"Pakialam mo," 

"Uuuy mahirap yan baka in love ka na niyan sakin,"

"Ang yabang, teka medyo lumakas ata yung hangin ngayon,"

Tumawa lang naman ang ungas, hays kung hindi lang nakakainlove ang mga tawa niyang yon, ay sh*t did I just think of it like that? Naiinlove na nga ba talaga ako sa kanya na. Teka diba dapat pag in love, siya dapat lagi naiisip mo, ok check. Lahat ng kinaiinisan mo dapat sa kanya e nakyukyutan ka, check. Hindi makatulog pag gabi, well lately insomniac ako pero it doesn't mean anything right? Katext ko kasi si Gerald magdamag e. Oh God I am in love langya. Namula ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Uy ok ka lang?" tanong ni Gerald na nagtataka.

"Tara na nga baka malate pa tayo," hinatak niya kamay ko na bigla namang may naramdaman akong parang spark na kumiliti sa mga kamay ko at sa katawan. Naramdaman din ata iyon ni Gerald pero lalo lang niya hinigpitan ang paghawak sa kamay ko. Sh*t bakit ganito kalakas ang tibok ng puso ko. He's just touching me. Pinilit ko sarili ko na sumunod sa kanya at di magpahalata sa kaweirduhan ng utak ko ngayon.

Nang makapasok na kami ng classroom sakto naman e nagkasalubong namin si Anne, yung babaeng muntikan ko na makasex and apparently tinangka din niya gawin yun kay Gerald nung highschool sila. Medyo uminit ang ulo ko nang maisip ko yun at makita si Anne. D*mn I never knew I could get jealous, I've never been jealous I think, hay nako sino ba niloloko ko, I get jealous pagdating kay Gerald tsk.

"Andito na ang dalawang bakla," komento ni Anne na mukang naging mas maldita pa sa pagmumuka niya, "kaya pala hindi pumapatol ang dalawa sa akin kasi bakla nga,"

Tiningnan lang naman siya ng mga classmates namin and quite frankly I don't care and so does Gerald. 

Naramdaman kong tumigil si Gerald sa harapan niya pero ako na nagudyok sa kanya na maupo kami sa likod.

Sumunod naman siya pero bigla siyang tumigil at humarap kay Anne ulit.

"Hindi kami pumatol sayo Anne kasi you're a slut, mas gugustuhin ko pang maging bakla kahit na ikaw nalang ang naiisang babae sa mundo," inis na sambit ni Gerald.

Nagtawanan ang mga kaklase namin na siya namang ikinagalit lalo ni Anne. Kitang kita ko ang pamumula sa galit at hiya na kulang nalang e magsisigaw sya. 

"And para sa kaalaman ng lahat, mahal ko yung taong to," inangat niya yung dalawa naming kamay na magkahawak na lalo namang ikinahiya ko, lintek ano ba tong si Gerald, kung ano ano nanaman ang lumalabas sa bibig niya, "kung sino man magtangkang insultuhin siya o saktan man, malalagot kayo sakin, sisiguraduin kong kakatakutan niyong makilala ang isang Gerald Cinco, ipasok niyo yan sa mga kokote niyo," 

Pernes natouch ako dun sa kanya pero at the same time natakot, Ok remind me never to piss him off from now on. Lol.

"Boto ako sa inyo," sabat ng isang babaeng nakasalamin na abot tenga ang ngiti, "ang cute niyong dalawa pramis,"

Naghagikhikan ang ibang mga babae na muka atang naging fans club namin langya. Napayuko nalang ako sa hiya at for sure pulang pula na pagmumuka ko na siya namang ikinatuwa ni Gerald, ugh kainis siya. Siya na kapal muks. 

"What's happening here? Mr. Cinco, Mr. Villafuente sit down," biglang pumasok yung prof namin na binaliwala lang naman ni Gerald at hinila na ako para makaupo kami sa bandang likod ng klase. 

Kitang kita ko na inis na inis si Anne sa amin but who cares basta masaya ako kasama ko si Gerald, yun ang importante sakin and I smiled at that.


------- 


LIAM:


When Derick asked me to go hang out with them this up coming sem break, I was seriously considering going with them if not for the promise I made with my Tita Nelia, she's awesome, just like my mom. I love this side of the family, I dunno how to describe it, it feels homey sorta. 

"Uy Liam practice natin mamaya sa basketball court, pinasasabi ni coach agahan daw natin," my teammate Erick said. 

"Ah oo sige," i nodded.

Erick is one of the guys I get to hang out with when I'm not around Derick or Gerald. He's a pretty cool dude and very hyper, he reminds me of Gerald actually. He's moreno as what they term it and has an athlete body. He said he's from the province. 

I think one of the reason why he instantly became my friend is because his bestfriend in highschool left for the US after graduation or so I was told. I guess I remind him of that which it doesn't bother me at all.

"Mr. Erickson Benitez!" our prof scolded, oh lord, here we go again, "if you continue to disturb the class, I'll fail you in this subject,"

I actually hadn't noticed that he was still talking to me when our prof caught him and scolded him, I guess my mind is just that off at the moment. 

"Sorry sir," he silenced himself after that.

"ayan kasi imbis na makinig you're hyper again," i mocked him.

"sus menopause lang yan si sir," he jokingly said.

I smiled at him, he can be ridiculously insane sometimes. 

"Nga pala pare, may gimik ang tropa mamaya, gusto mo sumama?" 

I looked at him baffled, he normally doesn't invite me but why now? Weird.

"I'll check on it,"

"Ok sabihin mo sakin mamaya after practice ok? Para masabihan ko sila, sama ka para naman di lagi sa library ka or sa dalawang magjowa mong bestfriends ka lagi sumasama,"

Ouch. Ok that hurts a lil bit. I never considered myself as a third wheel but I guess that's how people perceive me now a days huh. I guess Erick saw it in my eyes which made him saddened by that.

"Sorry, di yun ibig kong sabihin, gusto ko lang malaman mo na tropa mo din kami ok? I'm also here as your friend,"

"Thanks," and that's all I can muster.




-------- 



It's my free period and I have to check on some stuff in the library. While I was on the way there I saw a familiar face. Evan was walking along the hallway with his haversack at the back and by the direction he was going he was going to the library too. I know he goes to the library regulary, I've never noticed it before until recently and no wonder when Gerald introduced him to us he looks somewhat familiar. He's the one that I've bumped into when I was new to the school. I never forget a face but since I never really cared about my surroundings, I've never really noticed him that he is the one that is always in the library. The guy that sits at the back, which I found it odd by the way.

I don't think he noticed me yet since he was looking at the pavement as he walks. I raised an eyebrow at that, he's never like that, I mean the impression he gave us was that he was one cocky son of a b*tch but he doesnt seem to be like that in any way as I see him now. He looks like a shy and timid dude. He isn't bad looking as well, in fact he is also cute, I might say but his egotistical personality kinda ruined that impression or so I thought.

He's really quiet and and shy from the looks of it, is this the real Evan that I'm seeing? 

No sooner than that he raised his head to look over towards my direction and I could've sworn his eyes were widened with shock and his mouth fell. He looks nervous why? And in that instant he turned around and walked fast away from me. Ok that sorta made me feel somewhat hmm what's the word? Dejected? I mean I didn't do anything to him why is he avoiding me like a plague or something. He's been bothering me more often than usual, not in a sense that he's actually harassing me but he's making me confused, ugh. 

He's the one who wanted me to like him why is he hating me now? Did I do something that makes him hate me that much. 

I sighed, all this thinking will just led me nowhere. I cupped my face then straighten up and went inside the library to do my f*ckin business. Suddenly this library feels odd now, I glanced at the rear side of the tables where Evan usually sits and I still can't desrcibe what I'm feeling now. It's like something is not the same anymore as I stare at that empty seat.



To be continued...

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon