CHAPTER 8

20.1K 322 13
                                    

GERALD:


Tinapon ko yung cellphone ko sa higaan ko. Kakatawag ko lang kanina kay Derick para sana gumala kami o maghangout kasi ang boring naman talaga sa bahay lalo pat Sunday. Ewan ko ba di ko maintindihan ang inaasal ko, para akong napipikon na sa kanya pero alam ko wala naman siya ginagawang mali sakin. Ang totoo nga yan e mabait siya sakin. Lalo ata nahuhulog ang loob ko sa kanya sa kabaitan pinapakita nya sakin lalo na nung gabing nalasing ako, ang hirap. Di ko na talaga maintindihan sarili ko. Gusto ko na ata talaga siya. Pero alam ko mali, mali , mali, paulit ulit kong sinasabi sa sarili at sa utak ko pero ayaw talaga sumunod ng lintek na pusong ito. 

Kasama niya si Hannah ngayon, halata namang may gusto dun si Derick, sa bar palang kitang kita na sa mga mata niya. Biglang may kumurot sa dibdib ko. Ouch. Hays. 

Mula ngayon need ko nang dumistansya muna sa kanya, tama yun dapat ang gawin ko. Buong magdamag kinausap ko sarili ko na parang baliw lang.


“Gerald di ka pa ba manananghalian?” tawag sakin ni nanay.

“Wala ako gana nay,” sigaw ko na parang matamlay.

“May sakit ka ba iho?” narinig ko umakyat si nanay papunta sa kwarto ko. 

Binuksan niya kwarto ko at nadtnan niya ako nakahiga lang sa higaan nakatunganga sa kisame.

“Gerald may lagnat ka ba?” naglalakad papunta sakin si nanay at hinaplos ang noo ko, ako naman walang reaksyon nakatitig pa din sa kisame, dami kong iniisip, hindi ko maiwala ang nararamdaman kong ito. Hindi na ako makakain ng tama dahil sa lintek na Derick na yun, hays.

“Ok lang po ako ma, wala lang talaga ako gana kumain, kayo na po mauna,” matamlay kong sabi.

“Wala ka naman lagnat, may problema ba iho?” malumanay niyang tanong.

Parang naiiyak na ako pero ayoko ipakita sa nanay ko yun, syempre walang bakas ng ekspresyon ang muka ko, pero alam ni nanay may mabigat akong dinadamdam.

“Anak kung ano man iyan, masasabi mo sakin iyan, nanay mo ko, maiintindihan kita,” pagpapagaan ng loob niya sakin.

Di ko na mapigilan pero gusto kong sabihin na ayaw ko, ewan ang gulo ko talaga.

“Umm nay, masama ba mahalin ang isang tao na alam mo hindi mapapasayo?” yun lang tangi kong nasabi, ayaw ko naman kasi sabihin agad agad sa kanya, syempre nahihiya din ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko kay Derick.

Nagbuntong hininga si nanay at ngumiti sakin. Hinaplos niya buhok ko habang nakatitig pa din ako sa kisame, ayaw ko tingnan ng derecho sa mata si nanay baka malaman niya mismo sa repleksyon ng mga mata ko ang bigat ng damdamin na dinadala ko.

“Anak bakit yan ang tanong mo? May napupusuan ka na ba? Ayaw ba ng babae sayo? E sa pogi mong yan swerte niya sayo ah,” pangaalaska ni nanay, medyo natawa ako sa kanya kaya gumaan din ang loob ko at lumiwanag ang ekspresyon ng muka ni nanay.

“Hindi naman sa ganun nay, basta ayun, masama po ba mahalin ang taong alam mong hindi mapapasayo?” lumingon na ako sa kanya.

“Anak Diyos lang makakapagsabi kung siya ba ay para sa yo o hindi, basta ito lang alam ko ha, walang mali sa pagmamahal basta ba wala kang natatapakang ibang tao at totoong mahal mo siya, wala ka dapat ikatakot o ikabahala. Mahalin mo lang siya sa abot ng makakaya mo at susuklian ka din ng Diyos ng taong dapat n para sa iyo. Always mo alalahanin ang bawat taong dumadating sa buhay natin para mahalin ay may purpose kung bakit sila naging bahagi ng buhay natin. Ok anak?” mahinahon niyang eksplekar sakin. Medyo gumaan loob ko sa sinabi ni nanay. 

Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti.

“Aba ang anak ko mukang naiinlove nanaman ata, hindi ba ito si Nadine?” tanong niya sakin.

“Hindi nay,”

“Ah mabuti, ayaw ko sa kanya e, parang di ko gusto ang ugali ng gf mo, sorry anak ha ngayun ko lang nasabi,” natawa siya

Natawa din ako kasi ngayon lang sinabi ni nanay yun, mabait kasi si nanay hindi nangingialam sa personal na buhay naming magkakapatid basta ba kung kailangan ng payo ay andyan siya. 

“Bumaba ka na lang kapag magutom ka ha? Andun na ang pagkain nasa hapag kainan,” utos niya sakin habang naglalakad palabas ng kwarto ko.

“Opo nay,” tanging sagot ko nalang.

Buong magdamag naglaro nalang ako ng online game sa computer ko, nagDOTA nalang ako, hindi ko na tinext o tinawagan pa si Derick. Tama yun dapat gawin ko, simulan ko muna dumistansya sa kanya, magkaibigan pa naman kami wala problema dun pero ayoko lang masyadong maging close kasi di ko mapigilang mahulog ang loob ko sa kanya. Lalo lang ako masasaktan kung ganun. 


Mga gabi na nagutom ako kaya kumain muna ako kung ano man ang inihanda ni nanay sa mesa, tapos na kumain silang lahat kaya nandun na sila sa mga kwarto nila habang si tatay ay nasa trabaho.

Beep Buzz...

May nagtext tiningnan ko yung cellphone ko.

Derick: Hey musta?

Medyo sumigla ako nang makita ko nagtext siya sakin pero pinigilan kong itext siya. Simula ngayon kailangan ko talaga dumistansya sa kanya. Pero hindi ko maipagkakaila iba talaga ang dating niya sakin kahit isang text lang galing sa kanya e sobra akong naeexcite at napapasaya. Saya na may halong lungkot hays, ang hirap. 

Di ko na siya tinextback, bahala na.





.......................





Umaga akong pumasok para walang trapik papuntang school. Alam ko magkikita kami ni Derick ngayon pero pinipigilan kong maexcite kasi alam ko bawat saya na kasama ko si Derick may kaakibat na lungkot at sakit sa damdamin. Ewan di ko talaga maintindihan sarili ko, masokista ata ako.

Nasa may bandang loob na ako ng campus nang makita ko ang isang black Toyota Avalon na pumarada sa parking lot ng school. Kay Derick nga yun, ang yaman niya talaga, at lakas ng dating, hindi nakakagulat maraming may gusto sa kanya. Pinagtitinginan siya ng ilang estyudante habang bumababa ng kotse niya. 

Ang isa pa kung bakit parang nahuhulog ang loob ko sa kanya, kasi kahit ganun siya, nasa sa kanya na lahat kum baga, pogi, mayaman, matalino din e hindi siya mayabang. Natatawa nga ako kasi kahit daming papuri sa kanya baliwala lang sa kanya, isang ehemplo nang talagang mapagkumbaba na tao. Di lang niya alam na plus pogi points yun sa kanya. 

Di ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa dereksyon niya at napansin ako ni Derick, ngumiti siya nang makita ako, pero lumiko ako at nagkunwaring di ko siya nakita. Naglakad ako papunta na sa building namin habang iniwan ko si Derick sa parking lot.

Maya maya e may narinig akong tumatakbo sa likod ko at biglang umakbay sakin.

“Hoy, di mo ba ako nakita?” tanong ni Derick na hingal na hingal.

“Ah saan?”

“Doon sa parking lot, kumaway pa nga ako pero parang dumerecho ka lang, ok ka lang ba tol?” pagaalala niyang tanong sakin.

Ayoko talaga ng ganito siya sakin, mas gusto ko pa nung sinusungitan niya ako noong di pa kami magkaibigan. Ibang iba kasi siya once makilala mo na at maging kaibigan mo. Maalaga sa kaibigan kahit seryoso ang mokong. Snob siya kung snob sa di niya kilala o kaibigan pero sakin, nakikisabay na siya sa kakulitan ko.

“Ah wala di talaga kita nakita,” pagsisinungaling ko.

“Ah ok,” tipid niyang sagot, ganun talaga siya. Nasanay na ako.

“Nga pala tol kagabi tinext kita di ka nagreply, may tatanungin sana ako,” bigla niyang sambit.

Nakaakbay pa din siya sakin habang naglalakad kami papunta sa classroom namin. 

“Ano yun? Wala kasi ako load,” pagsisinungaling ko na naman.

“Sabi ko nga ba wala ka load, e kasi tatanungin ko lang kung may alam kang magandang lugar na pwede ipangdate, dadalhin ko sana si Hannah next time na yayain ko siya,” tuwang tuwa niyang sinabi.

Medyo may kumurot sa dibdib ko nang marinig yun. Nainis ako kaya inalis ko kamay niya sa balikat ko at nalakad ng mas mabilis kesa sa kanya.

“Ah sorry wala,” tipid kong sagot na mukang nahalata ni Derick na nagiba ang timpla ko.

“Ok ka lang ba tol?” pagaalala niya habang sinasabayan niya ako.

“Ok lang, tara baka magstart na yung klase,” sabi ko nang di niya mahalata.

Napakunot ng noo si Derick na para bang di niya maintindihan ang nangyayari pero sumabay na rin siya sakin. Ang hirap sa kanya manhid ang lokong to, nababadtrip lang ako. Sabagay ako din di maintindihan sarili ko bakit ganito lagi inaasal ko, buti nakakatagal si Derick sakin, ang haba ng pasensya niya.

Nilapag ko gamit ko sa upuan ko. Pinagmamasdan lang ako ni Derick na parang wala siyang ideya kung ano nangyayari sakin. Need ko talaga dumistansya na sa kanya. Hindi pwede ganito nalang. Need ko ibaling ang nararamdaman ko sa kanya sa ibang tao. Tama yun nga. Alam ko mali pero yun nalang naisip ko na solusyon para hindi magkalamat ang pagkakaibigan namin ni Derick dahil sa nararamdaman ko sa kanya.

Nakita ko si Gwen sa kabilang row. Oo nga pala magkaklase pala kami last week ko pang alam yun di lang siguro nakin siya napapansin kasi nga nandyan si ungas na nagpabaliktad ng mundo ko. 

Tumayo ako sa upuan ko since wala pa klase at nagchichismisan pa ang ibang kaklase ko. Sinundan ako ng tingin ni Derick na parang naguusisa kung ano gagawin ko. Pumunta ako sa lugar nila Gwen na may kausap siyang babaeng classmate.

“Hey Gwen,” bati ko sa kanya.

“Hi Gerald,” ngumiti siya sakin ng pagkatamis tamis pati yung babae sa tabi niya napangiti din.

“Kamusta? Sorry di kita masyado nakakausap last week, magclassmate pala tayo,” umupo ako sa isang bakanteng upuan malapit sa kanya.

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatitig sakin si Derick, ang ekspresyon niya di maintindihan parang naguguluhan. Di ko na pinansin yun ayaw ko muna magisip patungkol sa kanya.

“Ah oo nga e, kala ko iniisnab mo na ako,” ngumiti siya sakin halatang kinikilig.

“Sorry uhm nga pala gusto mo lumabas mamaya? Treat ko,” anyaya ko sa kanya.

Mabilis pa sa alas kwatro e napaOO ko siya.

“Oo bah sige,” abot tenga na ang ngiti niya, yung katabing babae e parang pinipigilan ang kilig.

“nice sige mamaya matapos klase natin ha,” ngumiti ako sa kanya.

Tumango lang siya na hindi na makapagsalita. Bumalik na ako sa upuan ko sa likod ni Derick. Nakita kong nakakunot ang noo niya na parang naguguluhan. Sinundan niya ako ng tingin.

Nang nakaupo na ako lumingon si Derick sakin.

“Tol hindi ba tayo kakain mamaya magkasama ng lunch?” parang naguusia ang mga mata niya na nalungkot ata.

F*ck ayaw kong tingnan niya ako ng ganyan, lalo kasi bumibigat ang loob ko. 

“Ah eh sensya nayaya ko na kasi si Gwen, kala ko kasi may lakad ka mamaya kay Hannah?” pangangatwiran ko pero nakikita ko pa din ang pagdadamdam ni Derick. 

“Wala naman akong sinabing ganyan tol ah, sabi ko naghahanap ako ng magandang lugar na idadate siya next time hindi ngayon, kala ko pa naman e makakabonding kita ngayon,” matamlay niyang sagot.

Lalo ata nababagabag ang loob ko sa pinapakita niya. Badtrip naman oh.

Di ko talaga mapigilan sarili ko, inis ako sa sarili ko, bakit kasi nagustuhan ko pa siya, nagpapalpitate ata puso ko kaya tumayo ako agad at dumerechong umalis ng classroom, tiningnan ako ni Derick na may halong pagaalala at pagtataka.

Naglakad ako papunta sa rest room. Gusto ko muna ng hangin at mapalayo kay Derick, nakakasuffocate ang ganitong emosyun kapag kasama ko siya. 

Naghilamos ako ng muka ko sa may sink ng rest room. Yung CR na pinuntahan ko ay nasa kabilang building malayo samin, ayoko kasi makita ako ng ganito ng mga kaklase ko at lalong ayaw ko makita ni Derick kapag hanapin niya ako, kung hanapin nga.

Di ko mapigilang maiyak, buti nalang basa ang muka ko. May ilang buhok ko na nabasa na din. Hinawakan ko ang lababo ng dalawa kong kamay habang nakayuko ako sa sink. Ang bigat ng dinaramdam ko. Pinahiran ko ang luha sa kabilang mata ko. Sh*t bakit ganito. Kung pwede lang sana mawala to. Ang hirap, parang ang bigat bigat ng puso ko. 

May pumasok na lalaki sa Rest room bigla kong pinunasan ang pagmumuka ko na nakayuko para di makita sa salamin ang mga mata ko.

Napansin ko na tumigil yung lalaki sa likod ko at parang nakikiramdam.

“Are you ok dude?” tanong niya, may accent siya, accent na kano.

Mukang foreigner ata tong mokong nato, hindi ko pa kasi tiningnan kung sino ang nasa likod ko, alam ko lang may tao. 

“Hey you alright?” tanong niya ulit na medyo may bahid ng pagaalala. 

“Ok lang ako,” sagot ko sa kanya.

“Huh? What? Sorry I didn’t understand you,” parang napakamot siya sa ulo niya.

Mukang foreigner talaga ang mokong at di makaintindi ng tagalog. Nacurious tuloy ako kung sino siya. Inangat ko na ang muka ko sa lababo at tiningnan ang salamin. Nakita ko sa repleksyon ng salamin ang taong nasa likod ko. Halatang may lahing kano ang lalaki pero dominant pa din ang pinoy sa buhok niya. Makinis at maputi ang kutis niya at ang mata niya ay kulay light brown na ibang iba sa typical na pinoy. Artistahin tingnan kum baga, pogi. 

“I said I’m fine,” sagot ko na sa kanya.

“Oh ok I thought for a minute there you were like cryin dude,” sabi ng tisoy. Di ko alam kung nangaalaska siya o genuine ang pagalala niya kasi seryoso ang pagmumuka e parang hindi mabiro. 

“I’m not crying,” depensa ko.

“As you say so, I was just askin that’s all,” 

“Ok”

“By the way my name’s Liam,” inabot niya kamay sakin.

“Gerald,” nagaalangan akong abutin kamay niya, ang laki niyang tao, matangkad at gym built pwedeng magmodel.

“Yea well I’m new here I just got transferred so this is my first day, and to see a dude crying in the rest room freaked me out,”

Seryoso pa din siya at di ko talaga mabasa ang ekspresyon niya kung nangaalaska ba siya o hindi sarap batukan tong tisoy nato.

“I said I wasn’t crying,” pasigaw ko nang sambit.

Wala lang naman sa kanya kung ano reaksyon ko, para talaga siyang robot walang pakialam na parang inosente? Ewan.

“Ok well i gotta go pee,”

“Go ahead no one’s stopping you,” inis kong sambit.

Nag shrug lang siya ng shoulder niya at pumuwesto sa isang urinal. Nagayos na din ako ng sarili ko. At akmang aalis na sana ng rest room nang tinawag ako ulit ng tisoy na yun.

“Hey wait,” habag nizip nya zipper niya at dali daling pumunta sa lababo para maghugas.

Natigilan ako sa labas ng restroom para pakinggan kung ano man sasabihin niya.

“yeah uhm I’m new here can you tell me which place or building is this,” kinuha niya yung papel sa backpack niya at pinakita sakin. 

“Villasin building, ah it’s far from here,” sagot ko.

“How far?” usisa niya.

“Two more buildings from here you’ll see it there, you can ask any students along the way to show you,” 

“Ah right thanks dude,” ngumiti siya sakin, first time ngumiti ah, maganda ang ngipin niya. Nice smile kum baga.

Umalis na siya matapos kong turuan siya ng direksyon papunta sa building niya. Medyo ok na ako ngayon kaya nagsimula na ako maglakad papunta sa classroom ko, nagsisimula na ata si Mr Galedo kaya tiyak patay ako pagpasok sa klase niya pero hindi yun ang ikinababahala ko. Mas nanaig ang kaba sakin kapag makita ko si Derick, di ko kasi alam ano sasabihin sa kanya sa inasal ko. 


Nang malapit na ako sa room namin may narinig akong sumigaw ng pangalan ko na tumatakbo papalapit sakin, si Derick.

“Ui tol san ka ba nagpunta? Hinanap kita kung saan saan, wala ka sa canteen o sa CR man lang,” hingal niyang sambit.

“Ah sorry,” yun nalang nasabi ko sa kanya. Di ko akalain hinanap nga niya ako. Natouch ako oo pero di ko hinahayaan na maging ganun nga baka lalo lang ako mahulog sa kanya.

“Tol kung may problema ka pwede mo sabihin sakin, andito lang naman ako diba magkaibigan tayo?” pagaalala niyang sabi.

Kung alam lang niya siya ang problema ko pero syempre di ko kaya sabihin yun sakanya. Need ko magpakatatag siguro, para sa pagkakaibigan namin. Ayoko masayang at mawala yun.

“huwag ka magalala kaya ko to,” ngumiti ako sa kanya.

Hindi niya tinanggap ang sagot ko kasi kumunot lang noo niya pero tumango nalang siya. Di ko mabasa iniisip niya ngayon pero sana paniwalaan niya yun, pero sa pagkakakilala ko sa kanya alam ko di niya hahayaan yun lalo pat matulungin talaga siya kahit di niya alam na ang problema kong to ay wala siyang maitutulong.


Pumasok na kami sa klase at napagalitan kami pareho ni Mr. Galedo. E ano pa nga ba e di puros sermon nanaman galing sa matanda pero baliwala yun sakin. Masaya ako na andito magkasama pa din kami ni Derick kahit bilang magkaibigan lang, sapat na yun. Sapat nga ba?





To be continued

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon