Heavenly Prologue

14.2K 356 119
                                    

"HOW do humans use this?"

Strar squinted his eyes to a thing that humans are very fond of using. If his memory serves him right without treason this is what they called iPhone. He flip and flip the phone with his hands and tossed it in the air a couple of times.

He was sitting on the air – literally speaking. People often mistake him as the guy from the crescent moon. He's not actually sitting and leaning to the moon itself dahil nasa outer space 'yon and the climate there is just... it's sad and poor. NASA knows!

Nagkakataon lang talaga na during crescent moon siya nakikita ng mga tao. Especially kids dahil wish believer ang mga bata. They don't need proofs to believe that magic and fairies exist. Catching wishes for old St. Nicolas or ni Tandang Santang Claus was his first job before he was promoted to become one of the Official Wish Catcher of the East Pacific of the Universe.

Tsk, kung hindi naman pasko taga pakain lang ako ng reindeer at taga plano ng diet plan ni Tanda na laging epic fail.

Muli niyang tinignan ang iPhone. He tapped the camera icon at napaayos siya ng upo. "Perfection indeed," napangisi siya habang sinipat-sipat ang mukha sa screen ng camera. "Aliw na aliw sila dito. Ang mahal naman masyado. In all fairness, malinaw ang camera. Good for instagram photos." Kumuha pa siya ng ilang pang selfies.

No wonder ito ang number one wish ng mga tao bukod sa gusto nilang maging kamukha si Kendall Jenner. Oh, and sana magkatuluyan daw in real life sila Big Boss at Beauty. Tsk, kinailangan ko pang manood ng Descendants of the Sun para lang maka-relate sa pinaghihiling ng mga kabataan ngayon.

Ang mga kabataan ngayon nahihilig sa mga lalaking 'di na halos makakita sa sobrang liit ng mga mata. They call them, Oppas and Korean biases. Aba'y nai-stress siya kaya dinadalasan niya na lamang ang mga fan meetings at concerts pero ang mga batang 'yon, pambayad naman sa concert ang hinihiling.

Ano bang gusto nila? Ibigay ko na rin ang banko sa kanila?

Kaya 'yong iba na hinihiling na pakasalan sila ng mga Oppa ay pinagbibigyan niya na lang sa mga panaginip nila... pero 'yong iba ayaw na magising... Dios namin! Nadadalas ako sa Death Department dahil sa mga makukulit na mga batang willing nang huwag magising makapiling lang sila Song Jong Ki, Lee Min Ho, Park Bo Gum, Lee Jong Suk, Kim Woo Bin, Kim So Hyun, Gong Yoo, Lee Dong Wook... woah... and 10000 more Oppas.

At ang pinakamatindi... gusto na rin nilang lumuha ng mga perlas!

Nak ng nimbus cloud! Humanity is getting weirder every minute.

Panay pa rin ang kuha niya ng mga selfie. Ganda pa ng background niya sila moon at stars. Naglambitin pa siya at kung ano-anong gymnast position para lang makakuha ng magandang picture.

"Maiinggit sa'ken si Keeper at Darwin nito!"

Ilang dekada na rin silang hindi nagkikita.

Sana 'di na masyadong choosy si Darwin para mahanap na niya ang love life niya... pwede ring si Alyce na lang ang mahalin niya hehe.

Natigilan siya nang marinig niya ang wish ng isang babae. Oh shoot! A shooting star. Mabilis na kinuha niya ang wish bait niya. Handa na siyang hulihin ang wish na 'yon nang may marinig ulit siyang wish.

I always believe that Alyce has a good heart. She may have made a mistake but she deserves to find her happiness as well. Pwede kaya si Darwin?

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon