XII. Stuck On You

2.4K 162 36
                                    

HINDI mapakali si Alyce sa kinauupuan niya. Ang birthday surprise na pinlano niya ng ilang araw ay malaking epic fail. Kanina pa niya kinakagat ang kuko niya sa mga daliri dahil sa inis sa sarili.

"Mabubusog ka riyan sa mga kuko mo ET."

"Darwin," marahas na hinarap niya ito. Saglit lamang siya nitong tinignan dahil nag-da-drive ito. "Please, please, don't tell them na alam mo na ang plano namin."

Natawa ito. "Magpa-plano kayo pero nilaglag mo naman sila."

"E, kasi naman, ah basta, nakakainis ka kasi e." Maktol niya. Umayos ulit siya ng upo. "Sana man lang, nag-pretend ka na lang na 'di mo alam."

"So kasalanan ko pa? Sino ba ang nadulas kanina?"

"Ako, pero sana, diba? First time ko kayang mag-surprise ng ibang tao. Tapos ganito pa ang kinalabasan." Naiinis na talaga siya sa sarili niya. Naiiyak siya. This is making her frustrated. "Palpak na naman."

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi," iling niya, sabay pahid ng mga luha niya sa mga mata. "I'm not crying."

"God, ET," he chuckled. "Masyado mong dinidibdib ang lahat."

"It's not just an ordinary day, Darwin. This is your birthday. And we planned it for days. Pero I screwed things up. Ito na nga lang ang gagawin ko, 'di ko pa magawa nang maayos."

Saktong nag-red light kaya huminto ang sasakyan. Napasinghap naman siya nang bigla nitong pisilin ang isang pisngi niya.

"Darwin!" she hissed. Pinalo niya ito sa balikat. "Ano ba?! Ang sakit, ha? Ang insensitive mo."

"ET," he motioned his finger at her. "Lapit ka," kumunot ang noo niya. "Lumapit ka na dali bago pa mag-go signal."

"Bakit nga?"

"Ay ang kulit,"

Nagulat na lang siya nang bigla nitong sapohin ang batok niya. Hinapit siya nito palapit sa mukha nito at tinawid ang distansiya ng mga labi nila. Naramdaman niya agad ang paggalaw ng labi nito sa mga labi niya. Tila may mahika ang paraan ng paghalik nito dahil kusa na lamang niyang naipikit ang mga mata.

Hindi niya alam kung bakit nag-rewind lahat ng mga eksena nila kanina sa isip niya. Huminto 'yon sa eksena kung saan hinahanap niya ito at sa paglingon niya ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Darwin.

"ET!" tawag nito sa kanya.

Then suddenly everything went black.



NAPABALIKWAS ng bangon si Alyce. Naalimpungatan na naigala niya ang tingin sa paligid. Pagtingin niya ay nasa loob pa rin siya ng sasakyan at nasa daan pa rin sila. Madilim na sa labas. Wait! Anong oras na? Ba't siya nakatulog?

"Na saan na tayo?" mabilis na napatingin siya sa oras sa dashboard. It was already 6:05 pm. Thank God, malili-late kami.

"Malapit na tayo sa Dolce Fate," nakangiting sagot ni Darwin. "Mukhang masarap ang tulog natin ah."

Kumunot ang noo niya. "Ang weird," nahilot niya ang noo. "Hindi naman ako inaantok kanina."

"Akala mo lang 'yon," lumiko ito sa isang skinita at nakita na nila ang malaking signage ng Dolce Fate. "We're here." Maayos na na-i-park nito ang kotse sa front parking. Mabilis na lumabas siya at tumingala sa may rooftop. "This is weird, I told them not to close the cafe today."

Mabilis na kinuha niya ang cell phone sa sling bag niya. She sent a message to Allysa's number, informing her na nasa baba na sila. Allysa replied with a photo. Na excite siya nang makita ang finish product nila.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon