XI. The Unseen Faded String

2.1K 132 36
                                    

HINDI pinansin ni Alyce ang mga bulungan ng tao paglabas niya ng concert hall. Madaming nakakakilala sa kanya dahil halos ng mga um-attend sa concert ni Yiruma ay mga nakasama niya dati at naging kaibigan. Naiilang man sa mapanuring tingin ng mga ito sa kanya ay nanatiling nasa harap ang tingin niya.

Madami ang nagbago simula nang mawala siya sa lime light. Ang mga itinuring niyang totoong kaibigan ay siyang mismong humuhusga sa kanya ngayon. Ang mga taong akala niyang sumusuporta sa kanya ay biglang nagbago. In one snap, she lost everything, including herself. Everyone could no longer see her value and had forgotten the happiness she had shared to them. Sadly, good memories are easily forgotten, but mistakes last a lifetime.

Natagpuan na lamang niya ang sarili sa rooftop ng Dolce Fate. Isinandal niya ang mga braso sa railings habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Inaaliw ang sarili sa mga nagkikislapang mga bituin. Ramdam niya ang masuyong haplos ng malamig na hangin ng gabi sa kanyang mukha.

At some point in her life, she wanted to see a little hope for herself and for her dreams. Kahit konti lang, masabi niya lang sa sarili niya na kaya niya pa ring lumaban. She wanted to be genuinely happy like Allysa. Pero sa tuwing mag-isa siya, lalo siyang nalulungkot, madaming pumapasok sa isipin niya na mga negatibong bagay, she will often see herself crying with those sad realizations.

Ayaw niyang masayang ang isinakrispisyo ng mga mahal niya para sa kanya.

"Lalim ng iniisip natin ah," naibaling niya ang mukha sa nagsalita. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Darwin. "Inaabangan mo ba ang space ship mo ET?"

"Bakit sasama ka ba?"

"Why not?" he chuckled.

Ibinalik niya ang atensyon sa harap.

"Maiba ako," aniya. "Bakit 'di mo dini-develop ang rooftop na 'to? This could be perfect for night dates, dadami ang customers n'yo."

"This is my secret place ET. I'm afraid I could not share this place to random people. When you love something you tend to be selfish, am I right?"

"Well, it depends, but most of the time, I guess?" pinaningkitan niya ito ng mata. "Wait, are you implying something?"

He chuckled. "I'm stating a fact."

"Whatever,"

"So, what brought you here Alyce Alonzo?"

"Hindi ko rin alam, pagkatapos ng concert ni Yiruma, dito ako dinala ng mga paa ko. I hope you don't mind my trespassing. Aalis rin naman ako mamaya."

"May bumabagabag ba sa'yo?"

"Am I easy to read?"

"No, but you look sad. People don't get sad without a reason, otherwise, they're crazy."

Mapait na napangiti siya. "Malungkot lang ako, siguro, 'di pa lang ako masyadong nasasanay na hindi na ako ang dating Alyce na gustong-gusto ng mga tao. Hindi na ako ang dating Alyce na laging may solo performance sa mga musical concert. I could not even perform now. Everyone have made their judgment about me without knowing the story behind my fall."

"Do you miss them?"

"I don't, I'm just sad how I wasted my life with those people. Nakakalungkot isipin na, mas pinaniwalaan ko sila kaysa sa sarili kong kapatid. Although it's a choice I made, but I couldn't stop myself from thinking how shallow I was back then."

"You know, I always believe that, behind every fall is a blooming flower." Muli niyang naibaling ang mukha rito. "You just have to start living again."

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon