IV. ET & GAGO

3.5K 196 66
                                    

BURYONG-BURYO na si Alyce sa bahay. Aside sa wala siyang kasama at makausap talagang nakakawalang gana lang talaga ang itsura at aura ng bahay nila. Wala na rin si Manang Indang simula nang palayasin ng mommy nila. Simula nun isa-isa nang nag-resign ang ibang katiwala dahil na rin sa ugali nito.

Hapon na nang umalis siya ng bahay. Hindi niya alam kung kailan pa siya huling kumain pero tila ngayon nagpaparamdam na ang tiyan niya. Gutom na siya. Tinatamad lang siyang magluto.

Pero wala naman siyang mapiling kakainan. Gutom siya pero wala man lang sa mga restaurants sa mall na 'yon ang nagpapatakam sa kanyang pumasok. Nababaliw na talaga siya. Mamamatay siyang dilat ang mata sa gutom dahil napaka-choosy niya.

Natagpuan na lang niya ang sarili sa paseo ng mall na 'yon kung saan maraming naka neon colored exercise outfit na nagsasayaw ng ZUMBA. Hindi siya mahilig sumayaw pero iba 'yong hatak ng kanta sa katawan na para bang gusto mo na ring makisayaw kasama ng lahat.

Ngiting-ngiti na lumapit siya sa mga sumasayaw. Pero natigilan siya nang makita kung sino ang ZUMBA instructor na nakatayo sa itaas ng platform sa harap. Talagang nagulat siya dahil 'di niya in-expect na part time ZUMBA instructor din pala si Darwin? Hindi niya mapigilan ang matawa talaga.

He's wearing a gray hooded sleeveless sweatshirt and black sweatpants matched with a gray Nike rubber shoes. Darn, how can a guy look so hot with that kind of work? Usually kasi kapag nakakakita siya ng ZUMBA instructor nababaklaan siya roon. Judgmental siyang tao pero iba 'yong dating ni Darwin. Ang gwapo-gwapo nito tignan habang sumasayaw.

Well proportioned and toned ang muscles nito sa katawan. Halatang alagang-alaga ang katawan nito sa ehersisyo at ZUMBA. Siguro? Sa totoo nga lang gusto-gusto niyang tignan ito sa likod dahil sa malapad nitong balikat. Hay ewan ko sa'yo Alyce. Pinagnanasaan mo na naman 'yang lalaking 'yan na mas complicated pa sa utak mo. She tilted her head on the side to slide the idea off from her mind.

Mabilis na kinuha niya ang cellphone sa pink pig design niyang sling bag at kinunan ng video at photo si Darwin. Kukunan na lang kita para kapag kailangan kita may ipamba-blackmail ako sa'yo. Ang lalaking 'yon. Hindi niya alam kung gusto siyang kaibiganin o hindi. Parang kabuti at nawawala na lang bigla.

"To the left!" he shouted and gestured hands to his left. "To the right! Sige kembot pa! To left again. Kembot. 'Yon, wapak, ganun nga. Giling! Gumiling pa! Perfect!"




MUNTIK nang mabulunan si Alyce sa kinakain niyang ice cream cone nang makasalubong niya sila Darwin at dalawang pinsan nito. Wala sana siyang balak magpakita rito pero mukhang 'di umaayon ang tadhana sa gusto niya.

"Uy Ev –" turo sa kanya nung pinakabata sa tatlo. Kung tama ang pagkakaalala niya ay si Strar. Pero hindi nito natuloy ang sasabihin dahil mabilis na natakpan ng isang kamay ni Darwin ang bibig nito.

"'Di kayo close Strar. Huwag masyadong feeling close." Lumapit si Darwin sa kanya. Pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ba't ganyan ayos mo?"

Kumunot ang noo niya. "Anong masama sa ayos ko?"

She wore a pink flower patterned above the knee off shoulder dress matched with a white doll shoes. And I think there is nothing wrong with my outfit. Ganito talaga siya magdamit. Girly.

"Mukha kang tao."

Tinaasan niya ito ng kilay. "E ikaw saan ka naman galing?" she crossed her arms over her chest and look at him straight in the eyes. I saw what you did earlier Darwin. May video ako nun. "Mukhang galing kang ZUMBA ah?"

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon