XVIII: Resisting their love

2.1K 159 31
                                    

NAINGAT ni Alyce ang mukha sa blade signage sa harapan niya. Dinala na naman siya ng mga paa niya sa Dolce Fate. Intentional or not, madadaanan at madadaanan niya naman talaga ang DF dahil walking distance lang naman 'yon mula sa subdivision nila.

Sumilip siya mula sa glass door, sakto namang napatingin si Strar sa kanya na malaki ang ngiting kausap si Chu-Chu sa counter. But to be honest, she doesn't have any plan of going inside. Alam niya kasing naka-uwi na si Darwin.

She sighed and started walking away when she heard Strar's voice called out her name.

"Alyce, wait!" mabilis na nasa harapan na niya ito. "Hey, aren't you going in? Nasa office niya si Darwin."

"Saka na, kakauwi ko lang."

Nawala ang ngiti nito sa mukha. "Saan ka galing? May sakit ka ba?" walang pasabing sinalat nito ang noo niya. "Thirty-seven point five celsius, normal naman."

Natawa siya. "What are you? A living fever temperature?" mahinang inalis niya ang kamay nito. "I'm fine. Thanks for your concern Strar." She give him a smile.

"So saan ka galing?"

"I went to see my therapist. My monthly sessions kasi kami. Pauwi na rin ako kasi may tatapusin pa ako sa bahay."

"Don't go yet, wait for me, just a little bit." Mabilis na bumalik sa loob si Strar. Naghintay na rin siya, sayang naman at mukhang importante. Pagbalik nito ay may dala na itong take out ng iced coffee. May malaking ngiting inabot nito sa kanya 'yon. "I know this will make you feel better. Kung ano man 'yan, Alyce. You'll get through with this. Just continue doing things that you love. Okay?"

Muli siyang napangiti kay Strar. Somehow, gumaan ang loob niya. The past few days was really tough to surpass. Kahit 'di sila magsalita ni Darwin alam niya na alam na ng mga ito na hindi sila okay na dalawa. Kahit naman kasi magkunwari siya, hindi naman talaga niya madadaya ang puso. Saka, umiiwas din talaga siya.

Pero she knows that, sooner or later, she has to fix herself and her friendship with Darwin dahil ayaw niyang makaapekto 'yon sa pagiging-pamilya nilang lahat. Despite the rejection she got from him, she also doesn't want to lose them. They're already a family.

And she wanted to keep that precious family.

Siguro mga ilang days lang muna... or a week.

"Thanks Strar," niyakap niya ito, "I know, I will be fine."

"You will, ikaw pa," gumanti ito ng yakap at masuyong tinapik ang likod niya, "kapag kailangan mo ng instant friend, call me." Kumalas ito ng pagkakayakap sa kanya at kinindatan siya bago mabalis na bumalik sa loob ng Dolce Fate.

Muli siyang napabuntong-hininga.

Iniangat niya ang muka sa second floor ng cafe kung saan alam niyang 'yon ang eksaktong lokasyon ng office at kwarto ni Darwin.

Nakabukas ang bintana.

"Nakakamiss din pala 'yong mga asaran at away natin."




ILANG araw na iginugol niya ang atensyon sa ibang bagay. Nag-focus siya sa academy at sa mga orphanage na gusto niyang tulungan - more on charity deeds. She even started her own website and published stories about herself and her experiences - good or bad side of her. She felt like, she needed something or an outlet to express her thoughts and feelings; hoping that her words and experiences could somehow lift up someone's life or even inspire them to change.

At kapag may free time pa siya, binabalikan niya ang hindi pa rin tapos na kanta na hindi niya pa rin madugtungan hanggang ngayon. It was making her frustrated pero ayaw niya namang pilitin ang sarili. Alam niyang pangit ang kalalabasan sa isang bagay na pilit ang pagkakagawa.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon