VII. Destiny's Night

3.9K 231 86
                                    

KAIN tapos tingin sa screen ng tab ang ginagawa ni Darwin habang naglalakad sa gitna ng food market. Aliw na aliw siya sa mga taong nadadaanan niya at ang mga klase-klaseng paninda. Kahit saan siya tumingin ay pinapalibutan siya ng mga pulang sinulid na kumukonekta sa mga taong itinadhana.

"Oops!" inayos niya ang nagkabuhol na red string. Pero slight lang hindi pa oras. "'Yan na muna. Tiis ka muna."

Nagpatuloy siya sa paglalakad at pagkain ng apple dahil naubos na 'yong manggang nilalantakan niya kanina. Naingat niya naman ang tingin sa mga nagkikislapang mga bituin sa madalim na kalangitan. Sa kabila ng dilim ay maliwanag pa rin ang gabi dahil sa ibinibigay na liwanag ng buwan.

"Woah!" manghang buntong-hininga niya. "Destiny's Night."

Destiny's Night is an annual special holiday in Heaven. Kalahati ng buwan lamang ang nakikita at pinapaligiran ito ng maraming bituin. The crescent moon symbolizes a man and woman kissing.

Destiny's night was created to start the destiny of people and to remember an undying love. Prologo ng bawat papasimulang pag-ibig o pagkakaibigan. This is the night were things unfold on its own. Not all stories started happy... some started in pain... some started tragic... and some started unexpectedly.

It depends sa trip ng love scheduler – you know, the guy up there.

There are actually three destiny rooms: the love, career, and death. Ang tatlong 'yon ay pinamamahalaan ng ama niya. He was assigned with the love room, the two other rooms are managed by his two older siblings. Dreanna for career and End for death. But as of now, ginawa pa siyang secretary ng kanyang ama. Again, wala raw siyang fair judgment at mas kritikal daw ang usaping pag-ibig. Edi wow!

Under their arms are the representatives of each country.

Ang mga Love/Career/Death ambassadors ay may quarter report sa kanyang ama. He tried attending one then nothing follows. Let's just say, he doesn't really understand their perspective of love. Everything didn't make sense to him. Kaya, lagi siyang nasa lupa. Laging nangingialam sa buhay ng iba. And that my friend, made him the infamous black sheep Love Watcher of Heaven.

Dreanna and End are doing good with their jobs. Lalo na si Dreanna na siyang pinakaseryoso sa kanilang tatlo. Passion ang meron rito. End is still the same kind hearted heaven being who values rules too much. Kaya kung patay, patay ka talaga sa kanya.

"Spotted!" nakangisi niyang itinapat ang tab sa parehang nakita niya.

Nakayakap ang lalaki sa likod ng babae sa gitna ng daan sa food market. Sa itaas ng dalawa ang mga iba't ibang kulay ng ilaw na nagbigay ng romantic feeling sa mga oras na 'yon. Naks, lakas maka movie scene ng dalawang 'to ah.

"Kaya kong magpakalalaki para sa'yo. Kaya kong baguhin ang sarili ko para sa'yo. Kaya kong talikuran ang lahat sa'yo. Pero ang hindi ko kaya ay ang magalit ka sa akin. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko Cam."

"Naks!" napalingon naman siya sa gilid niya nang marining ang pagtunog ng camera. Lumapad lang ang ngiti niya nang makita ang payatot na si Graphie. "Oy Graphie nandito ka pala? Anong ganap natin?"

Binalingan siya nito. Ni walang ka-emo-emosyon ang mukha nito. Graphie is one of the many Love Researchers. They pretended to be human and can change identities. Their main goal is to make people believe that true love exists by spreading it in any form, like books, documentaries, movies or word of mouth.

"Ay grabe! Tubuan ka naman ng pakiramdam Graphie. Try mo lang baka bukas nakaka-diabetes na ang amplaya."

"Don't talk to me Darwin."

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon