XXVII: The Truth

1.8K 157 37
                                    

1995

INILAPAG ni Darwin ang punpon ng mga bulaklak sa puntod ni Diana at naupo sa damohan. Napangiti siya nang mapait.

"I'm sorry," basag niya. "Ngayon lang ako nagkalakas-loob na dalawin ka. Hindi ko alam kung gugustuhin mo pa akong makita pagkatapos ng ginawa ko. Sana pala..." Gumaralgal ang boses niya. "H-hindi ko na lang pinakialaman." Bumuntonghininga siya. "Nawalan tuloy ng ina si Darven."

Diana became his good friend. He tried fixing her faded red string with Shin that was ruined by Diana's best friend. Pero imbes na maibalik ang pulang sinulid sa dati ay mas lalong nasira ang lahat. 

His dear friend Diana is one of those people who couldn't bounce back from love.

She killed herself.

Sandali pa ay hindi na niya napigilan ang sariling mga luha sa pagdaloy. He really felt bad. Sinisisi niya ang sarili kung bakit humantong sa ganoon si Diana. Kung bakit, naging ulila si Darven at nasa bahay ampunan.

Shin left Diana and Darven. Ulila ring lubos si Diana at tanging ang kaibigan lang nitong si Luisa ang naging pamilya nito. Pero siya ring nanloko at trumaydor dito.

"I'm sorry," he sobbed. "Sorry. It's all my fault. Kasalanan ko talaga Dia. Sana talaga... sana... sana hinayaan ko na lang. Maybe there was really a reason why your fate strings are fading. Maybe, you'll be happier with other things? Or with other love? Ang tanga ko."

Umalog ang mga balikat niya sa matinding pag-iyak.

It felt heavy inside, Dia.

I'm sorry.



NASA labas ng orphanage ang mga bata nang dumating si Darwin. Naglalaro maliban na lamang sa batang pakay niya roon – si Darven. Mag-isa itong nakaupo sa lilim ng isang puno ng narra, nakasandal ang likod sa puno at ngiting-ngiti. Hawak nito ang isang picture.

Lumapit siya sa bata at naupo sa tabi nito.

"Hay naku! Ang ganda ng panahon." Nakangiting ibinaling niya ang tingin dito. Saktong nakuha niya ang atensyon nito. Napatingin din ito sa kanya. "Hi bata."

"Sino po kayo?"

"Sino ako?" Turo pa niya sa sarili. "Isang kaibigan. Ang ganda ng panahon, bakit nandito ka lang? Bakit 'di ka sumali sa kanila?" Nguso niya sa mga naghahabolang mga bata at nagsasaranggola.

"Tinatamad pa ako e," bungis-ngis nito.

Sinilip niya ang hawak nitong picture. "Ano ba 'yan?"

Agad niyang napansin ang pamumula ng cute nitong pisngi. Nawawala ang mga mata nito kapag ngumingiti at bumubungis-ngis. Mistiso itong bata. Pero napapansin niyang, mas nagiging kamukha niya ito habang lumalaki. Kapareho rin niya ito ng birthday. 

"Crush ko po."

The kid shared the photo with him. May hawak itong piano drawing sa isang bond paper sa larawan, may nahihiyang ngiti habang katabi ang isang batang babae na nakasuot ng pink dress at may bangs.

He chuckled. "Ang bata-bata mo pa, may crush ka na agad."

"Alyce ang pangalan niya."

Kinuha niya ang picture at tinitigan pa nang mabuti ang larawan ng dalawa. "Bagay sana kayo kaso 'di ka makakapag-asawa kung ganito ang buhok mo." Ang style kasi ng buhok nito ay mukhang lampaso. Sino bang naggupit sa batang 'to? Ipapa-hahabol niya talaga sa mga grim reapers.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon