XXIX: He's Home

2.3K 162 42
                                    

"ANG DAYA!" iyak ni Alyce sa gitna ng daan. Wala siyang pakialam kung pagtinginan pa siya ng mga tao. O ilang beses na siyang nasasagi ng mga taong nagmamadali dahil uulan na. Iginala niya ang tingin sa paligid. Vision now clouded by her tears. "D-Darwin... ang daya mo."

"Sinong madaya?"

Napasinghap siya at napalingon sa likod. She felt her heart drop at the mere sight of him. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Darwin. Nanikip nang sobra ang dibdib niya at patuloy lang ang pagdaloy ng mga luha niya.

"D-Darwin..."

"Hi ET, miss me –" She cut him mid sentence. Tinakbo niya ang ilang distansiyang pagitan nilang dalawa at sinugod ito ng yakap. Nagulat ito sa ginawa niya at muntik pang mawalan ng panimbang mabuti na lamang at malakas ito kaya hindi sila nabuwal.

"Darwin!" hagulgol na niya. "Ang daya! Ang daya mo talaga!"

Natawa ito. "Bakit nga ako madaya?" Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa kanyang buhok. "Ang bigat mo pala."

"Darwin naman e!"

Malakas na tumawa ulit ito. "I miss you ET."

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Hinawakan niya ito sa balikat, sa braso at sa mukha. "Totoo ka ba talaga? Hindi ka na ba aalis? Bakit buhay na buhay ka?"

"Kasi buhay naman talaga ako." Hinuli nito ang mga mata niya. Natitigan niyang maigi ang mukha nito. Mas maputla ito kaysa sa huling naalala niya. Bahagya ring pumayat. Pati ang kulay ng mga mata nito. Mas naging natural na light brown. "I crossed two worlds for you, Alyce."

"Anong ibig mong sabi –"

"Later."

Sinapo nito bigla ang mukha niya at siniil siya ng halik sa mga labi. Agad niyang naipikit ang mga mata at tinugon ang mainit na halik nito. She felt him smile between kisses. God, how she missed his warm and passionate kisses.

Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang unti-unting pagpatak ng ulan hanggang sa bumuhos na 'yon. But none of them cared. Mas lalo pa nilang pinailaliman ang halik. Iniyakap pa niyang lalo ang mga braso rito. Wala silang pakialam kahit na mabasa pa sila ng ulan.

My Darwin Fate is home.




HINDI maalis-alis ang ngiti sa mukha ni Darven habang tinitignan ang music box na binili niya. Alam niyang wala na siyang pag-asa pa para kay Alyce pero magpapakilala pa rin siya ng personal bago siya umalis papuntang Verona. Isasama siya ni sister roon, pwede raw siyang magturo sa isang eskwelahan doon.

Ibinalik na niya sa loob ng itim niyang sling bag ang music box at nagpatuloy sa paglalakad. Aabangan niya sa labas ng academy si Alyce.

Bumuga siya ng hangin. Kaya niya 'to! Magpapakilala lang naman siya. Hindi naman siya manliligaw.

Takte! Kinakabahan pa rin siya.

Natigilan siya nang makita ang ilang butil ng tubig na bumagsak sa lupa. Naiangat niya ang mukha sa kalangitan. Napangiwi siya.

"Shoot! Wala akong dalang payong. Malas!"

Tinakbo niya ang pagitan na distansiya ng waiting shed sa unahan. Malapit naman na siya sa academy kung saan lagi niyang inaabangan si Alyce. Ang alam niya, ang pamilya nito ang may-ari ng academy. Madalas itong nasa ibang bansa, pero mukhang mapipirmi ito sa Pilipinas ngayon.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon