VI. Si ET ang BUKO

3K 179 36
                                    

ALIW na aliw si Alyce sa dalawang pamangkin na sila Wish at Fate. Ang bigat-bigat ng mga chabacheng-cheng! Nakakagigil halikan. Isang taon at kalahati pa lang ang dalawa pero ang lusog-lusog sobra.

Nasa Dolce Fate Café siya. Pinatawag siya ni Allysa ewan kung para saan. Hindi naman nito nabanggit kanina over the phone. Hindi niya naman maiwasang pansinin na wala si Darwin. Na saan naman kaya 'yong isang 'yon? Napasimangot siya. Ano bang pakialam mo Alyce kung saang corner ng Earth nagpunta ang 'sang 'yon?

"Ba't mo pala ako pinapunta dito, Al?" tanong niya kay Allysa nang hindi ito tinitignan dahil busy na busy siya sa pag-aaliw sa dalawa na nakaupo sa mga baby chairs nila. "Cute! Cute talaga! Very pretty just like Mommy Alyce."

Mommy din ang tawag ng kambal sa kanya since 'di pa nila nadi-distinguish kung sino ang real mommy nila at kung sino sa aming dalawa ni Allysa ang Mommy Alyce nila.

"Two days!" nagulat siya nang humila si Allysa ng silya at naupo sa tabi niya. Naibaling niya ang tingin rito. "Two days lang talaga Alyce."

"Two days, what?"

"Please babysit Wish and Fate."

Natigilan siya. "Huh?"

"Two days lang talaga. May importante kasi kaming pupuntahan na event ni Lance pero sa Cebu. Hindi namin pwedeng isama ang kambal since it's a business related event." Ginagap nito ang isa niyang kamay. "Promise, two days lang talaga."

"Al alam mong wala akong alam sa pag-aalaga ng bata."

"Darwin can help you."

Napakunot-noo siya. Si Darwin? Ang loko-loko na 'yon may alam sa pag-aalaga ng bata? 'Di nga?

"Sure ka?"

She nodded. "Mukha lang tanga ang 'sang 'yon pero trust me... Darwin knows everything."

"Two days."

"Oo, two days lang talaga."

Tinignan niya ang kambal na aliw na aliw sa rainbow cup cake na kinakain. Hindi naman sakit sa ulo ang dalawa. Makulit nga lang. Ano kaya ba Alyce? She let out a sigh of defeat. Makaka-say no pa kaya siya sa dalawang 'to?

"Fine," nakangiting baling niya kay Allysa. "I'll do it."

"Great!" niyakap siya ng kakambal.

"Oh my God, how I wish I won't regret this."

I'm not really confident with my parenting skills.

Natawa lang si Allysa. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pinitik siya sa noo. Mabilis na nasapo niya ang nasaktang noo. Napasimangot siya. "Grabe, nanakit siya oh?"

"Huwag ka ngang nega diyan. I-enjoy mo muna ang pag-aalaga kina Wish at Fate. Huwag puro alone time ang gawin mo. Mag-practice ka ding maging mommy." Allysa beamed at her with that mischievous smile. Sa uri ng tingin na ibinigay nito sa kanya ay may nasi-sense siyang panunukso at malisya. I wonder kung sinong lalaki naman ang ibinubugaw niya sa'ken sa isip?

"Kinakabahan ako sa iniisip mo Allysa."

"Wala," kaila nito. "Malay naman natin, diba? Nasa tabi-tabi lang pala ang didilig sa'yo."

"Bakit naman ako didiligan?" kunot-noong tanong niya. "Mukha ba akong halaman?"

"Hindi mukha kang paso."

Sabay silang napalingon sa nagsalita.

"Darwin!" masayang tawag ni Allysa.

Nakangiting lumapit ito sa kanila. Pero hindi niya alam kung bakit bigla-bigla ay kinabahan siya. Ang weird. Bakit naman siya kinakabahan? Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso niya. Pero hindi niya alam kung bakit?

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon