XIX: Her Hidden Memories

1.9K 147 17
                                    

BINILISAN ni Alyce ang pagbukas ng gate. Malakas na ang bagsak ng ulan at basa na siya. Pagtapat niya sa pinto ay agad niyang kinuha ang susi at ipinasok 'yon sa key hole. Wala si Manang Arma dahil day off nito ngayon. Mag-isa lang siya sa bahay hanggang bukas.

Pagbukas niya ng pinto ay agad siyang nakaramdam ng kakaiba. Bahagya nang madilim sa labas. Hindi niya alam pero parang may tao sa loob. Napalunok siya pero humakbang pa rin papasok sa loob.

"Manang Arma?" tawag niya, baka kasi 'di ito natuloy. "Nandiyan ka ba?"

Pero walang sumagot maliban na lamang sa malakas na buhos ng ulan sa labas. Kumuha siya ng vase sa malapit at mas tinalasan ang pakiramdam. Iginala niya ang tingin sa paligid. Kinakabahan talaga siya.

She gasped when she heard something from the kitchen. Para bang may nahulog na sandok pero madilim ang bahaging 'yon maliban na lamang sa kaonting ilaw pa sa labas na tumagos sa mga bintana.

"Sino 'yan?" sigaw niya habang unti-unting umaatras sa direksyon ng pinto.

Napasinghap siya nang biglang sumarado ang pinto sa likod niya. Agad siyang napalingon. Bumungad sa kanya ang pigura ng nakatalikod na lalaki. May suot itong itim na cap sa ulo.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo sa bahay ko?"

Nilingon siya nito para lang mapaatras nang makita ang hawak nitong kutsilyo. Dios ko! Paanong nalooban ang bahay nila? Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa dilim at bahagya pang nakatakip ang visor ng cap nitong suot.

Umatras siya, humigpit ang hawak sa vase na hawak.

Naramdaman niya ang bahagyang pagyanig ng bahay sa biglang pagkidlat. Malakas na ang buhos ng ulan sa labas. Walang makakarinig sa kanya kung humingi man siya ng tulong. Humakbang ito palapit sa kanya.

"H-Huwag kang lumapit," pigil niya rito. Ramdam na niya ang panginginig ng katawan sa takot. "Please, kunin... kunin mo na lang ng gusto... ng gusto mong kunin. Huwag mo lang akong sasaktan."





"ANG lakas ng buhos ng ulan," buntong-hininga ni Strar.

Naibaling ni Darwin ang tingin sa labas. Sumagi sa isipan niya si Alyce. Nakauwi kaya ito agad? Hindi ba ito naabutan ng ulan? He sighed. Itinuon niya ang tingin sa tasa ng kape na nasa harapan niya.

Aalis kaya siya? Iiwan niya ba talaga ako ulit?

Itinaas niya ang tasa ng kape nang biglang mawalan ng lakas ang mga kamay niya sa daliri. Nahulog 'yon at lumikha nang malakas na tunog ang pagkabasag ng tasa sa sahig. Natulala siya, ramdam niya ang init ng tubig na tumalsik sa may hita niya.

"Darwin!"

Hindi niya alam kung sino ang sumigaw.

Kasabay nun ang malakas na pagtibok ng puso niya. Agad niyang nailapat ang palad sa bandang puso niya. Hindi niya maipaliwanag. Para siyang kakapusin ng hininga. Hindi niya maikalma ang puso.

"Alyce," usal niya sa pangalan nito.

Lumapit sa kanya si Strar at Keeper. Pag-angat niya ng tingin ay bumakas ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito. Halos ng mga customer ng DF ay nakatingin din sa direksyon niya. Ramdam niya ang maraming mga matang nakatingin sa kanya.

"Darwin are you okay?" tanong ni Keeper.

"What happened?" ni Strar.

"Si Alyce." Hinawakan niya sa pupulsuhan si Keeper. "She's in danger." Tumayo siya. "I can feel her fear. Kailangan niya ako."

"Sasama kami."





"ALYCE!" sigaw ni Darwin nang makita ang duguang dalaga sa sahig. Halos tumigil ang pagtibok ng puso niya nang makita ang maputlang mukha ni Alyce na naliligo sa sariling mga dugo.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon