XXIII. Orphanage

1.9K 136 22
                                    

NAGISING si Alyce na yakap-yakap si Darwin. Tila musika sa pandinig niya ang hampas ng alon sa dalampasigan sa labas. Dinuduyan naman ng mabining hangin ang mahabang puting kurtina mula sa nakabukas na bintana.

She inhaled his natural warm scent. Gustong-gusto niya talaga ang amoy nito. That's the reason why she like it when he hugs her. There is this unexplained warm feeling when she's wrapped in his arms.

"Good morning," anas nito sa kanya. Agad niyang naramdaman ang paghalik nito sa tuktok ng kanyang ulo. "Did you sleep well?"

Tumango siya. "Best night in my life."

"Naks naman, parang gusto ko na lang yata na mahiga tayo buong araw." Naiangat niya ang mukha rito. He has this big smile on his face. "Kaso, may lakad tayo e."

"Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan lang, madami naman tayong mapupuntahan dito."

"Parang alam na alam mo ang lugar na 'to ah."

"Alam ko ang bawat sulok ng mundo. At alam kong sasama ka sa'kin kahit saan kita dalhin." He laced his fingers to her. "Dahil mahal na mahal mo ako." Ginawaran siya nito nang mabilis na halik sa mga labi. "And I love you more."

Pigil niya ang kilig sa pag-ngiti. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi.

"I love you too."

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Gusto sana niyang mag-protesta pero nakababa na ito ng kama. Tumayo ito sa harap niya at sinuot ang puting t shirt nito. Pinaningkitan siya nito ng mata at nameywang pagkatapos magbihis.

"ET, alam kong gwapo ako at tila inukit ng magaling na artist ang katawan ko pero huwag kang mag-alala, mahal ko. Sa'yong – sa'yo lang ako." He spread his arms. "Kaya halika na, yakapin mo na ulit ak –" Hindi na niya hinayaang matapos ni Darwin ang sasabihin. Mula sa kama ay patalon niya niyakap ito. "Woah!"

Muntik pa itong ma out of balance sa ginagawa. She securely wrapped her legs on his waist. Darwin held her tightly on his body.

"Ang swerte ko naman sa'yo," nakangiti niyang wika.

Naningkit lalo ang mga mata nito sa pag-ngiti. "Ma swerte tayong pareho sa isa't isa."

Siniil siya nito ng matamis at masuyong halik sa mga labi na buong puso niyang tinugon. Ilang segundo ang tinagal ng halik na iyon. And when their lips parted, exag masyado ang hingal na ginawa ni Darwin. Naiinis na natawa siya.

"Ang oa ah!" Pinalo niya ito sa balikat. Kumalas naman siya rito at bumaba mula sa pagkakandong rito. "Hindi naman ganyan e."

"Joke lang!" Tawang-tawa na nag-peace-sign ito sa kanya. "Pinapatawa lang kita."

"Para kang tanga kanina. Mukha kang hinihika."

Tinawanan lang siya nito. Tsk, kahit kailan! Lakas ng trip ng 'sang 'to.



"ANG ganda naman ng simbahan na 'to." Manghang naigala niya ang tingin sa loob ng lumang simbahan ng St. Joseph. Pero ang weird. Parang pamilyar na siya sa simbahan. Hindi niya lang masyadong natatandaan. "Luma na siya pero talagang inilagaan."

"Minahal ng bayan na 'to ang simbahan na 'to kaya hindi nawala ang ganda."

"Tama, 'di ba, kapag mahal mo, inaalagaan at pinapahalagahan mo?"

"Very good ka riyan, ET."

Naupo sila sa gitnang upuan. Lumuhod siya at tahimik na nagdasal. Madami siyang pinagdasal sa Dios. Mga pasasalamat at kahilingan na hindi niya alam kung mapagbibigyan ba Nito. Pero kung alin lang doon ang maibibigay Nito, alam niyang, para sa Dios 'yon lang ang kailangan niya.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon