II. Avoiding Alyce

4.2K 201 49
                                    

"SHE really looks like an angel."

"Demonyita 'yan huwag kang magpapaloko sa ganda niyan." Kontra ni Darwin kay Strar. "Mukha lang maganda riyan."

"Yet she's your other half." Dagdag ni Keeper. "Choosy mo masyado."

Binalingan niya ang dalawa saka niya binatukan sa ulo si Strar na hatad-hatad ang katawan. "Magdamit kang ka nga!" napangiwi ang huli. "Wala ka sa beach. Kapag ikaw kinabag who you ka sa'ken."

"Darn comets! Sayang naman 'tong kakisigan ko kung itatago ko lang. Masama 'yon baka kunin ulit ng itaas."

"Mas mabuti nga 'yon at nang matigil ka na."

"Hmm, so she was the evil twin sister?" pag-iiba ni Keeper. "I remember she stole some of Allysa and Lance memories. Did she saw the light?"

"Bagong buhay na si evil twin?"

Darwin shrugged. Tinitigan niya muli ang mahimbing na natutulog na si Alyce sa kwarto niya sa itaas ng coffee shop. Alyce is undeniably beautiful. Kung titigan ang tulog nitong anyo ay iisipin mong sobrang bait ng babaeng 'to... kaya nga lang iisipin mo lang.

"I don't think so... maybe?"

"So what's your plan?"

"What's my plan?" darn, I don't even have a plan to start with.

"Paulit-ulit lang?" pasimple niyang siniko sa tagiliran ang walangyang si Strar. "Ano ba?!" sigaw nito. "Keeper oh." Agad na pumwesto ito sa likod ni Keeper. "Sinasaktan ako ni Kuya Darwin."

"Hindi ko maramdaman Strar."

"Right, wala ka nga pa lang feelings."

"Woah!"

Sabay-sabay silang napalayo nang biglang bumangon si Alyce. Pati siya ay nagulat. Wala man lang pasabi na gigising na pala ang 'sang 'to.

"Oh –" tanging na sabi nito. Naigala nito ang tingin sa buong paligid hanggang sa matuon ang atensyon nito sa kanilang tatlo. "Oh!" natutop nito ang bibig habang nanlalaki ang mga mata.

"Oh!" sabay rin ni lang tatlo.

"Oh?" ulit ni Alyce.

"Oh –" oh tigilan na natin 'to. Palihim na pinagpapalo niya ang likod ng dalawa para tumigil na sa pag-oh-oh. OA na masyado e. Umayos sila ng tayo.

Napakurap-kurap si Alyce. "What happened?" inosente nitong tanong na nagpataas naman talaga sa lahat ng balahibo niya sa balat. He hates to admit this but her sweet voice is a complete contrast of her personality. Magaspang magsalita si Allysa pero mabait. "Na saan ako?"

"Hinimatay ka kanina dahil sa gutom." Sagot niya.

"Huh?" kumunot ang noo nito. "Gutom ako?"

"Uh huh, at dahil –"

"Gutom na gutom kang hubaran si Darwin –" itinulak niya palayo si Strar. "Tang na juice 'yong orange naman oh!"

"Sorry, Strar is not usually in his right mind. He tends to romanticize everything."

"By the way, where are our manners." Singit ni Keeper. "I'm Keeper."

"And that's Strar," turo niya sa loko-loko. "They're my cousins."

"Nice to meet you Ev –" bago paman matapos ni Keeper ang sasabihin ay tinakpan niya ang bibig nito. Don't call her evil twin at baka magwala na naman ang 'sang 'to. He told him through his mind.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon