VIII. Je Te Veux

2.3K 168 51
                                    

HINDI maiwasan ni Alyce na mapangiti habang pinapakinggan ang isa sa mga paborito niyang piano version ng Je Te Veux mula sa earbuds. Sapo ng isang kamay ang kalahati ng mukha niya habang nakasandal ang siko sa mesa. Sumasabay naman ang mga daliri niya sa masaya at tila nagliligawang mga nota ng musika, tila piano ang lamesa sa kanyang harapan.

Gustong-gusto niya ang piyesa na 'yon ni Erik Satie. It gives a warm and happy feeling to the listeners. Tila kasi nagliligawan ang pagtaas at pagbaba ng mga nota. Ramdam na ramdam ang kakulitan at masuyong panliligaw sa musika. Kapag pinapakinggan niya 'yon, parang ang sarap lang ma-in-love.

"Anong pinapakinggan mo?"

Naiangat niya ang mukha kay Darwin kasabay nun ang paglakas bigla ng tibok ng puso niya. Hindi niya namalayan na natanggal na pala ang isang earbud sa tainga niya. Napalunok siya. Hindi mapakali ang puso niya sa ngiti at titig nito sa kanya. Sa kanyang isip, lihim niyang nasapo ang dibdib, hoping it would make her erratic heart beat calm a little bit.

Naupo ito sa katapat na silya.

"Nakakagulat ka naman," tanging nasagot niya rito. Kinalma niya ang sariling puso. She give him an annoyed reaction. "Kita mo ngang, nanahimik ako rito."

"Ang tahimik mo kasi, akala ko, nakatulog ka na..." he chuckled, "na dilat ang mata."

"Ano bang kailangan mo?" pinatay na niya ang music sa cell phone at itinabi na nang tuluyan ang ear phones. "Mangungulit ka na naman."

Nasa Dolce Fate siya, wala siyang magawa sa bahay, at lalo't lalo nang wala siyang trabaho. She's officially taking a break of everything. Gusto niya munang ipahinga ang sarili. She doesn't want to pressure herself.

"Ano nga 'yong pinapakinggan mo?"

"It's a classical music. Baka 'di mo ma appreciate."

"Judgmental ka talaga. 'Di mo pa nga sinasabi sa'ken. C'mon, share to me the good message."

"Je Te Veux," sagot niya.

"Nagmumura ka ba?"

She rolled her eyes at him. "It's a French word, Je Te Veux, means I want you."

"You want me?"

"The meaning of Je Te Veux."

Natawa lang ito. I hate this guy's effortless charm. Nanggigigil siya sa pagiging effortless nito pagdating sa mga conversation. Tila ba sanay na sanay itong makipag-usap at makipagkulitan and she was sure, Darwin's not putting any malice in his over friendly gestures and enthusiastic conversation.

Tumango-tango ito. "Je te veux," at saka ngumiti ulit.

"Anyway," iniligpit na niya ang mga gamit. "I have to go."

"Wait, saan ka pupunta?"

"Maghahanap ng gagawin. Bakit?"

"Gusto mo ng kasama?"

Kumunot ang noo niya rito. "'Di ka ba busy?"

"I have my staff here, medyo bored na rin ako." Tumayo si Darwin at hinawakan siya sa pupulsuhan. "Let's do something productive today."





"ITO na ba ang pinagmamalaki mong productive activity, Darwin?" tulak-tulak ni Alyce ang malaking push cart habang nag-iikot sila sa mga shelves ng mga goods sa isang grocery store. Halos mapuno na nito ang laman ng cart ng mga food at non-food goods. "Ang gawin akong taga tulak ng push cart?"

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon