XXIV: Align of Forever

1.8K 142 24
                                    

MALAKI ang ngiti ni Alyce habang nakikipaglaro sa mga bata sa park. Ilang beses nitong hinipan ang hawak na bote ng bubbles. Her smile widens every time she makes a big bubble. He couldn't hide his smile. Muli niyang kinunan ito ng stolen photos gamit ng camera niyang hawak.

Actually, madami na siyang stolen photos nito. All of those shows a genuine smile that she might not be aware she has. He scanned those photos. He love the happiness in Alyce's eyes and smile – totoong-totooo.

"Pagod na ako!"

Naiangat niya ang mukha kay Alyce. Hinihingal na nakaupo na ito sa tabi niya. Itinaas niya ang camera at kinunan ito ng picture.

"Darwin!" sita nito. Tinakpan nito ang mukha ng isang kamay. "Ang lapit masyado," nakabusangot pa nitong dagdag.

Natawa siya. "Maganda nga 'yon, walang filter, lahat natural."

"Kahit na!" Ibinaba nito ang kamay. Napalitan ng ngiti ang kaninang inis nitong mukha. "Nakakapagod, pero ang saya."

"Mukhang mahilig ka sa mga bata."

"I do," nakangiti pa ring sagot nito. "Kaya nga, gustong-gusto kong magturo sa academy dahil sa mga bata. Nakakainggit nga sila e. When they want something, they take risks kahit na masaktan man sila. Iba 'yong self trust and confidence nila – ang hirap sirain. And you know the best thing about their hearts? 'Yong hindi sila marunong magtanim ng galit. Iiyak lang sila pero tatahan at ngingiti ulit."

"Habang tumatanda," pagpapatuloy pa nito. "Nawawala na sa'tin ang self-trust, madalas na tayong mag-doubt sa sariling kakayanan. Ang dami nang problema. Prone to depression at halos puro negative thoughts na ang naiipon natin. Bakit kaya gano'n kami tumanda, Darwin? May explanation ba 'yon?"

"Kapag bata ka, wala ka namang iniisip na responsibility, okay lang kahit anong gawin mo, normal 'yon. Pero kapag tumanda na ang isang tao, dumadami ang mga nalalaman niya sa mundo, bumibigat ang responsibilidad niya. There is always a battle between the heart and mind. Kung magiging selfish ka ba o hindi? Kung happiness ba o reyalidad ang uunahin at ihuhuli mo?"

"Tama ka."

"When people lose hope, I often give them signs. I want them to always remember the love they feel towards themselves when they were just kids. The innocent and unconditional love that could never falter. Alam mo kung ano 'yon?"

"Ano?"

"Kapag mahal mo kasi ang sarili mo, makakaya mo lahat. Parang pagmamahal in a romantic way. You put trust to that relationship despite all that inevitable struggles and temptation that awaits. Kung meron ka noon sa sarili mo. Iiyak ka lang at magpapahinga sa tuwing nawawalan ka ng pag-asa, pero hinding-hindi ka susuko. Tatayo ka ulit at lalaban."

Sabay silang napatingin ni Alyce sa harap nang marinig ang sigaw ng mga bata. May batang lalaki na nadapa at halos humandusay na sa damohan. Mukhang naghahabolan ang mga ito kanina.

"Tatayo o iiyak?" tanong niya kay Alyce.

"Iiyak, pagagalitan ng nanay, pero maiinggit at maglalaro pa rin."

Natawa siya. Lumapit na ang nanay ng bata dahil umiiyak na ito. Tinulungan itong patayuin ng ina nito. Rinig niya ang mahinahong sermon ng nanay nito rito. Tumigil ito sa pag-iyak at napatingin sa mga batang naglalaro.

Mayamaya pa ay iniwan nito ang nanay at naglarong muli.

"Galing, nahulaan mo," baling niya rito.

Natawa ito. Inihilig ni Alyce ang ulo sa balikat niya saka ipikinikit ang mga mata. "Feeling ko kapag, nagkaanak tayo, isa siya sa mga positibong bata sa mundo." Nanatili ang ngiti sa mukha nito. "Kasi ang tatay niya ang pinakapositibong taong nakilala ko."

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon