XX. Could I Love You Any More?

1.9K 133 34
                                    

HINDI sigurado si Alyce pero mag-iisang minuto na yatang nakatitig si Darwin sa kanya. Mauubos na niya ang isang sliced apple na ito mismo ang nag-slice para sa kanya.

Palagi itong nasa ospital, laging nakabantay sa kanya. Iba na nga ang tingin sa kanila ni Allysa. Hindi lang talaga niya sinasabayan ang panunukso ng kakambal. Sabagay mukhang wala naman na itong ginagawa sa buhay.

"May sasabihin ka ba sa'kin Darwin?" basag na tanong na niya.

"Ilang araw ko nang pinag-iisipan 'to. Sana ay okay lang talaga sa'yo. Hindi ko naman talaga intensyon na paasahin ka. Pero kung tanggap mo na ang sitwasyon natin. Siguro dapat pagbigyan ko na lang ang sarili ko."

"Pagbigyan na?"

"Pagbigyan ang sarili kong mahalin ka."

Natigilan siya. Hindi siya makapagsalita. Kahit alam niya ang totoong sitwasyon. Nakaramdam pa rin siya ng tuwa at kilig. Hindi niya naman kasi mabosesan rito na napipilitan lang ito sa nararamdaman.

Honestly, he sounded hopelessly in love. He sounded like he was confessing to her. At ang cute pa nito dahil bahagyang nahihiya pa at namumula ang mga pisngi. He was really in love with her. It's no doubt. Kaya lamang, 'yong concept ng love na meron si Darwin, para niya itong ginayuma. May expiration date. Kung kailan? Hindi niya alam.

Pero sa ngayon, hindi na muna niya iisipin 'yon. I-enjoy niya ang kung anong mayroon silang dalawa ngayon. Saka na niya iisipin ang ending ng lahat.

Hindi niya mapigilan ang matawa. "Mukha 'tong ewan. Hindi ako sanay na ganyan ka, alam mo ba? Sarap mong i-roll at gawing lumpia."

"Seryoso ako," may inis na sagot nito.

"Alam ko, mukha nga e. Ramdam ko naman."

"This is new to me. Buong buhay ko, nanonood lang ako sa kung paano nagmamahal ang isang tao. Alam ko lahat ng pros and cons ng pagmamahal. Kung bakit may nasasaktan at kung bakit sumasaya ang taong in love."

"You're like a living love manual book, Darwin."

"Okay lang ba talaga sa'yo 'to?"

Ramdam pa rin niya ang pagiging uneasy nito sa sitwasyon nilang dalawa. Na-a-appreciate niya na ayaw talaga nitong saktan siya.

Ngumiti siya rito. "I'm fine, Darwin. Gusto ko lang maging masaya kahit na limitado lang ang mayroon tayo. Mas mabuti na rin 'to kaysa wala talaga. At least, kung masaktan man ako. Alam ko na totoo ang pagmamahal mo sa'kin bago mawala ang pagmamahal na nararamdaman mo ngayon."

"I hate it when you say that. Feeling ko, ang sama-sama kong nilalang."

Natawa siya. "Huwag ka ngang nega. Ikaw na napakapositibo sa buhay. Hindi mo naman ginusto 'to. Saka, gusto talaga kita. Mas magiging masaya ako kung pagbibigyan mo ako sa hiling ko na 'to sa'yo. Ayokong may pagsisihan Darwin."

"Alyce?"

"Ilang araw? Buwan? O taon lang ba mayroon tayo?"

"Hindi ko pa alam."

Napanguso siya. "So dapat pala, sulitin ko hanggang sa nandito ka pa sa tabi ko."

"Ano bang gusto mong gawin natin?"

"Hindi ko pa alam. Pero gusto ko, gawin natin 'yong usual na ginagawa ng mga magkasintahan. Ayokong mag-to-do-list, para kasing hindi 'yon exciting. Mas maganda 'yong spontaneous lang tayo para masaya. Ano sa tingin mo?"

"Baka ending niyan, wala tayong magawa."

Napasimangot siya. "Oo nga, 'no?"

"Ako na ang bahala."

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon