IX. Sweet Frenemies

2.1K 147 32
                                    

MABILIS na pinasibad ni Keeper ang sasakyan nang makita agad nito sila Darwin at Alyce sa back seat. Nasa harap ito ng manibela katabi ni Strar.

Darwin teleported from the building to the car. Nasa mga bisig niya ang walang malay na si Alyce. He had to put her asleep dahil alam niyang ku-question-nin na naman siya ni Alyce and he don't have time to explain his real identity.

He's annoyed and furious as hell. Kung 'di lang kasalanan pumatay at mag-isip ng masama sa ibang tao ay baka nagawa na niya. But he's mind is conditioned not to act on impulse when it comes to revenge and death dahil malalagot siya kay End.

"Bigay ko na ba?" mula sa rearview mirror sa harap ay nakita niya ang pag-ngiti ni Strar. Itinaas nito ang ilang CD cases na hawak nito. "I've always wanted to be a detective if I wasn't born to be a wish catcher."

Nalipat ang tingin niya kay Keeper. Itinaas nito ang isang kamay at nag-thumbs up.

"Talked with End, he said, it's okay. Lalabas rin naman ang totoo. Banas din siya sa isang 'yon. Kaya bahala na raw tayo."

"'Yon oh!" Naisuntok ni Strar ang isang kamao sa ere.

Alam niyang pakikialam na naman 'yon sa tadhana ng tao but End approved so why not make a sweet revenge... immediately?

One thing he have learned in the years of working in both heaven and earth, may mga bagay talaga na nangyayari 'di dahil sa 'yon ang itinadhana. A lot of times, its the level of pain and trauma they have given in other people's lives.

Sometimes, banas lang talaga ang heaven guardian sa taong 'yon at gusto ka na lang niyang patahimikin at malugmok sa bilangguan.

But there are  a lot of cases that they are task not to manipulate anything.

Those are life cases that should be done even if it would hurt the person involved.




KALAT na kalat na ang tungkol sa rape and sexual assault case ni Mr. Alvarez sa buong Pilipinas. So totoo pala talaga ang rumors patungkol rito. Binalak pa naman sana niyang kausapin ito para sana maging major sponsor ng gagawin niyang musical concert with a cause. Mabuti na lamang at naunang pumutok ang masamang balita tungkol rito bago nito nasagot ang in-email niyang proposal rito.

I was saved. Thank God. 

Natigilan naman si Alyce nang mapansin niyang may iilang babaeng estudyante na nagkukumpulan sa may gate ng academy. Mukhang kilig na kilig pa ang mga ito habang may kung sinong sinisilip.

Tinignan niya ang oras sa wrist watch niya. Tsk. Hindi na naman 'yon gumagana. Napaayos na niya 'yon pero nasisira pa rin. Mahalaga sa kanya 'yon dahil may sentimental value sa kanya ang relo na 'yon. 'Yon ang unang regalo niya sa sarili noong manalo siya sa first international piano competition niya noong 15 years old siya sa Germany.

Napabuntong-hininga siya. Mukhang 'di na talaga 'yon maaayos pa. Muli niyang inangat ang mukha sa daan. Nandoon pa rin ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa may gate. Pagsasabihan nga niyang magsi-uwi na dahil maaga pa ang mga pasok ng mga ito.

Papauwi na siya at mag-ta-taxi na lang dahil pinapaayos pa niya ang sariling kotse. Next week pa 'yon maayos. Magtitiis muna siya. Hanggang alas kwatro lang ang klase niya sa academy pero natagalan siya dahil may kino-coach pa siyang scholar na representative ng AAAM sa Australia next month.

Hay naku! Ang daming nasisira sa buhay ko. Minamalas na talaga ako nang sobra

Akmang lalapitan na niya ang mga estudyante nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Darwin mula sa kung saan.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon