XXVI: Without You

1.8K 163 15
                                    

ONE YEAR had passed.

Pero para sa kanya, tila isang buwan lang lumipas sa sobrang bagal ng oras. Araw-araw pa rin niyang nami-miss si Darwin. Wala siyang mapaglabasan ng lungkot dahil walang nakakaalala sa asawa niya. Even Allysa couldn't remember her best friend.

Nang gabing naglaho na nang tuluyan si Darwin kasamang naglaho ang mga alaalala ng mga malalapit na tao sa buhay nito. Ang lumang bookstore nila Strar at Keeper ay sarado na at hanggang ngayon bakante pa rin. Pati mukha nito sa mga pictures ay nawala rin. Maliban na lamang sa painting na bigay ni Keeper at drawings ng mukha nito.

She kept all of those in her room.

Para kahit papaano ay nakikita niya pa rin ito. Minsan, kinakausap niya ang painting at umiiyak siya. Nangako siyang magiging okay lang siya kahit wala ito. Hindi naman talaga ito nawala, alam niyang nasa paligid niya lang si Darwin.

Pero bakit ganoon?

Bakit hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kanya?

She sighed. Hawak-hawak niya sa kamay ang pocket watch na bigay sa kanya ni Darwin. Sa isang taon na lumipas ni hindi man lang umandar ang orasan na 'yon. Nangangahulugan lang na hanggang ngayon ay hindi parin siya nito dinadalaw.

"Titig ka na naman diyan."

Naitangala niya ang ulo sa nagsalita – it was Allysa. Inilapag nito ang isang iced coffee sa harap niya bago tuluyang naupo sa katapat na silya. Sa tuwing malungkot siya ay tumatambay siya ng Dolce Fate. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya na nasasanay na walang makulit na Darwin na bigla na lang umuupo sa katapat na upuan ng mesa niya para asarin at kulitin na naman siya.

Those moments are what she misses of him most.

Mapait siyang napangiti.

"Sino ba talaga may-ari niyan?"

"My husband."

"Asawa mong 'di naman nag-e-exist."

She squinted her eyes at her. "Grabe siya, inaano ba kita?"

"Kasi ayaw mo namang magkwento. Ayaw mo ring makipag-date. Wala ka rin naman pinapakilalang lalaki." Kinuha nito ang pink niyang journal. Akmang aagawan niya 'yon nang mabuklat na 'yon ni Allysa. Nahulog mula sa page ang isang nakatuping papel. "Ano 'to?"

Allysa unfolded the paper. Tila natigilan ito sa nakita. Ilang segundo itong nakatitig sa papel. Ang kaninang kunot-noo ay napalitan ng kakaibang lungkot sa mga mata.

"Sino 'to?" ipinakita nito ang sketch na larawan ni Darwin.

"Asawa ko." Kinuha niya mula rito ang drawing.

"Bakit ganoon?" Nangalumbaba ito sa mesa. "Bakit feeling ko kilala ko siya?"

"Baka nga kilala mo siya."

"E bakit 'di ko siya maalala?"

She simply shrug her shoulder. Kinuha niya mula rito ang notebook. Pero si Allysa, mukhang malayo na ang tingin at may malalim na iniisip.

"Al," pukaw niya rito.

"Hmm?"

"Mawe-weirduhan ka ba sa'kin kapag umiyak ako sa harap mo nang walang dahilan?"

"Oo."

Natawa siya. "Sabi ko nga."

"Ang weird mo Alyce. Kinakabahan na ako sa'yo." Tumayo si Allysa. "Aalis muna ako, magkita na lang tayo mamaya sa practice. Huwag kang mali-late, lagi ka na lang late."

This, finally, their dream piano duet, mangyayari na talaga. Bumalik na siya pagtugtog at ilang beses na rin siyang nag-perform on stage. Thanks to her husband's support and love, natutoto ulit siyang maniwala sa sarili at mahalin ang pagtutugtog.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon