V. You're My Precious Moment

3.2K 210 45
                                    

MABILIS na nakita ni Alyce si Darwin na nakaupo sa pinakalikod at tagong bahagi ng coffee shop na 'yon. Her mouth twitched. Ano na naman kaya ang trip ng 'sang 'to at sa ibang coffee shop pa ito nakipagkita? Mula sa pink niyang hand bag ay inalabas niya ang sunglasses niya at isinuot 'yon. She flipped her hair and walked closer to his direction.

Inilapag niya ang hand bag sa itaas ng mesa na siyang nagpa-angat sa busy na busy na si Darwin na may kung anong ginagawa sa cell phone nito. Naupo siya sa bakanteng silya sa harap nito.

"May café ka naman bakit sa ibang coffee shop mo pa ako pinapunta?" basag niya.

"Ba't naka sunglasses ka?" kunot-noong tanong ni Darwin sa kanya na hindi sinasagot ang una niyang tanong. Suddenly a mischievous smile slowly curved on his handsome face. "Am I too hot for you, Alyce?"

Napamaang siya pero hindi niya pinahalata. "Hindi, mukha kang sore eyes."

Natawa lang ito sa kanya sabay abot ng itim na messenger bag nito sa tabi. Inilabas nito ang sariling sunglasses at isinuot 'yon sa mga mata.

"What's with the sunglasses?" this time ay tanong niya.

"Mukha ka ring sore eyes."

Hindi na niya napigilan ang matawa. "Ewan ko sa'yo. Anyway," umayos siya ng upo. "What's with the call and meet up?" Kahit kailan, ang weird ng taong 'to.

"May gift ako sa'yo."

Tinaasan niya ulit ito ng isang kilay. "Birthday ko ba?"

"Kailangan bang birthday mo bago kita bigyan ng regalo?" pabalang na sagot nito.

"We are not close."

"Isang table lang pagitan natin hindi pa ba tayo close nun?" mula sa bag nito ay inilapag nito ang dalawang movie tickets. "Isang beses ko lang 'tong sasabihin kaya makinig ka nang maigi ET."

Hindi niya alam kung bakit unti-unting lumalakas ang kabog ng puso niya. Hindi niya makita ang emosyon sa mga mata nito dahil nga sa suot nitong sunglasses. Hindi niya tuloy mahulaan kung ano ang susunod na sasabihin nito.

"Huwag kang mabibigla. I know this is a bit fast. Pero ET –"

"Ano nga?"

Kinakabahan ako, ha?! Would he ask me for a date?

"Ano kasi..." inalis nito ang suot na sunglasses at tinignan siya ng direkta sa mga mata. "Libre ka ba ngayon?"

"Yayain mo akong manood ng sine kasama mo?"

"Yayain sana kitang bilhan mo kami ng pop corn at nung ka date ko sa sine mamaya. Naiwan ko kasi wallet ko –"

Marahas na inalis niya ang sunglasses sa mata at binato ng tissue si Darwin. "Gago! Gagawin mo pa akong third wheel." Tumayo siya at hinaklit ang bag saka niya tinalikuran si Darwin. Augh! Nakakainis! Nag-effort ako para lang sa wala.

"ET ko," napasinghap siya nang mabilis na maabutan siya nito at inakbayan sa balikat. Napatingin muna siya sa kamay nito na nakadantay sa isang balikat niya bago niya naingat ang mukha kay Darwin.

Bumaba ang tingin nito sa kanya kaya nagtama ang mga mata nila. Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito.

"Samahan mo muna ako. Bored na ako sa buhay. Manood tayo ng sine." He squeezed her shoulder and lead her to the exit door. "My treat."

"W-Wait! A-Akala ko ba may ka date ka ngayon?"

"Oo nga,"

"Ayoko sumama!"

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon