XV. End Is Here

1.8K 137 38
                                    

"KUYA!"

Gulat ang unang rumihistro sa mukha ni Darwin nang pumasok sa Dolce Fate ang isang matangkad na lalaki. Pati siya, natuon ang atensyon sa kakarating lang. Naibuga naman ni Strar ang iniinom na juice at napatuwid ng tayo si Keeper sa likod ng counter. Pati ang mga customers nang mga oras na 'yon ay napatingin sa direksyon nila. 

Who wouldn't? The guy looks like a male version of Snow White.

Itim na itim ang buhok nito at sobrang puti. He has a beautiful deep set of light brown eyes. Makapal ang kilay, matangos ang ilong at may mapupulang labi. His face was void with any emotion but he look so at ease. He's wearing a casual look. Naka itim na jeans, itim na t shirt underneath his black jacket. Even his rubber shoes is black. May itim rin itong wrist watch sa left hand nito.

What stunned her, is how well and regally he carry himself. Hindi intimidating ang presence nito pero hindi mo rin talagang gugustuhing lumapit. It's as if, there is something in him that you don't want to mess with.

Nonetheless, he was literally beautiful.

"End," sa wakas ay tawag ni Keeper rito.

"O bakit parang nakakita naman yata kayo ng multo?"

"Anong ginagawa mo dito kuya?"

Kuya? As in, older brother ni Darwin? Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. They're actually a complete contrast of each other. Para kasing araw si Darwin at gabi naman si End.

"Can't I visit my brother?"

"Hindi ba busy ka? Ba't may panahon kang bisitahin ako?"

Nagitla siya nang ibaling ni End ang mukha sa kanya. Napatuwid siya ng tayo. Ewan ba, 'yong mga mata kasi ng kuya ni Darwin nakakakaba. It was weird to feel like, she was facing a grim reaper at sinasabi nito sa kanya na, oras niya na. Ang tingin kasi nito, parang kukunin ka na.

"Alyce, right?"

"Y-You know me?"

"I know everyone. And I've heard so much about you."

Napalunok siya. He seem like he knew her so well. Tila ba tinitignan nito ang kaluluwa niya at hindi ang mukha niya. She didn't like the odd feeling he was making her feel. Pero hindi niya ugali ang magpa-intimidate.

"Really? I hope not everything is bad."

Ngumiti lang ito. A kind of smile that discreetly says something about her but he chose not to share.

"Anong meron bakit bumaba ka?" basag ni Strar. "Ilang araw ka rito Kuya End?"

"Just a couple of days, maybe? Gusto ko lang bisitahin 'tong kapatid kong 'di na umuuwi sa amin. Masyado nang nawiwili dito."

"May business ako rito, huwag mo akong gambalain. Nanahimik ang tao e." Parang batang pagmamaktol pa nito. "Bumalik ka na lang sa atin. Doon ka sa mga patay."

Related ba sa patay ang trabaho ng kuya ni Darwin? 

Natawa lang ang kuya nito. "Ito naman, selos agad."

Pinigilan niya ang matawa. Pati sa mga kapatid nito, ay sakit din pala ito ng ulo. Mukhang 'di yata masaya si Darwin na makita ang kuya nito. Para itong nagtatampong bata.

Mag-e-excuse na muna siya para makapag-bonding ang magkapatid.

"Darwin," interrupt niya, "Keeper, Strar, aalis na muna ako. I have to meet someone pala. Balik na lang ako mamaya."

"Sino naman?" kunot-noong tanong ni Darwin.

"Someone you don't know."

"I know everyone."

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon