XXV: Paalam

1.9K 177 69
                                    

"WAIT," pigil ni Alyce kay Darwin. "Sa gitna na lang kaya? Mukhang mas maganda kung sa gitna e. Or pwede ring sa right. Bagay rin sa left."

Marahas na bumuntonghininga ulit si Darwin.

"Ikaw na lang kaya magsabit nito!" Lingon nito sa kanya.

Nakasampa sa step ladder si Darwin. Isinasabit nito ang regalong wedding painting ni Keeper sa kanila. Naisabit na rin doon ang ilang framed sketches na nakuha nila sa orphanage at family photos kasama ang mga malalapit na kaibigan.

Hands on her waist, she squinted her eyes at her husband. "Nagri-reklamo ka na ba, ha?"

"Hindi po."

Ibinalik nito ang atensyon sa isinasabit na painting. It was a close up portrait of them in the church. Nakaharap sila sa isa't isa at parehong naningningkit ang mga mata sa saya at ngiti. Magkadikit ang mga index finger nila. Humanga talaga siya kay Keeper. She didn't expect na mahusay pa lang mag-drawing at magpinta si Keeper.

Ang regalo naman ni Strar ay isang transparent jars of stars daw. Nasa kwarto nila, umiilaw sa dilim ang mga maliit na bato sa loob ng jar na tila ba lumulutang sa loob. 'Yon na rin ang ginagamit nilang lamp shade.

"Ayos na po?" Lingon ulit ni Darwin sa kanya.

Maayos nang naka-display sa gitna ang painting na 'yon. Napangiti siya. Ang ganda nun tignan sa mga mata.

"Ayos na!" She gave him a thumbs up.

Bumaba na ito mula sa step ladder. "Hay sa wakas, natapos din tayo."

"Halika, lapit ka sa'kin, para makita mo nang mas maayos."

Tumabi ito sa kanya at inakbayan siya sa balikat. Pareho na silang nakatingin sa wall of framed memories nila sa sala na halos mapuno na nang mga picture frames, framed drawings at paintings.

"Maganda nga."

Hinarap niya ito pero mukhang kanina pa ito nakatingin sa kanya. She give him a warm smile.

"Maganda 'di ba?"

He nodded and smiled.

"Maganda," he paused. "Maganda nga ang asawa ko."

"Sus! Kanina, asar na asar ka na sa'kin, ngayon ang sweet mo na, ah?"

Hinapit siya nito payakap sa katawan nito. "Eh kasi, 'di ko matiis ang maganda kong asawa." She wrap her arms on his waist. "Ano pa bang hindi natin naayos sa bahay? Bed sheets? Curtains? Pillows? Furnitures?"

Natawa siya. "Grabe naman ang furnitures. Okay pa naman ang mga gamit dito."

Mas maaliwalas na ang bahay kumpara noong silang dalawa ni Manang Arma. Masarap nang tirhan. Sa isang katulad niya na hindi napipirmi sa Pilipinas. Ngayon niya lang naramdaman na may bahay nga siya at may pamilyang uuwian.

Masarap sa pakiramdam na walang iniisip na galit at inggit sa puso.

Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito at pumikit. "Tapos ko na 'yong kanta na binubuo ko," basag niya pagkatapos ng ilang segundo.

"Pwede ko ba 'yong marinig?"

Tumango siya. "One of these days."

"Alyce,"

"Hmm?"

"Please, don't let me go."

Iminulat niya ang mga mata at tiningala ito. Bumukas ang lungkot sa abo nitong mga mata. Madalas nang abo ang mga mata nito. Siguro dahil, malapit na ang Destiny's Night. Pinaalala na nito sa kanya kung ano nga ba talaga ang totoong katauhan ni Darwin. Na magka-iba ang kanilang mga mundo.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon