Chapter 1. Gary Who?

499 16 4
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 1: Gary Who?

            "Joan!?" blurted by the two voices behind Gary. "Oh my gosh! Ikaw nga. Woah! Look at you. Grabe, 'di ka na talaga nakuntento sa kagwapuhan mo noon, ah! Talagang sinagad mo ngayon," Muffin shrieked as she launches herself into him. Sa kanilang magkakaibigan, si Muffin ang isa sa kanilang energy booster. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamove-on sa high school sweetheart nitong si Rex kahit na nakailang palit na ito ng boyfriend.

            Joan smiled while returning Muffin's hug. "Syempre naman, Mamon. Kamusta ka na? Mukhang perky pa rin tayo ah!" Nag apir ang dalawa. "Hi! Anna. Naks! Cute pa rin." Gigil nitong pinisil ang ilong ng dalaga, ginulo ang buhok at saka marahang niyakap. "Kamusta naman ang pinakacute na babae sa buong—?"

            Naputol ang sinasabi ni Joan nang hampasin ni Anna ang kamay nitong ayaw tigilan ang buhok ng dalaga. "Ano ba Joan, not my hair!" Inayos ni Anna ang buhok niyang bahagyang nagulo bago sinagot ang naputol nitong tanong. "Eto, sabi mo nga cute pa rin. Pero mind you, single ako ngayon with a capital 'S', BUT happy."

            Lihim namang natawa si Gary sa sinabi ni Anna. Kung makapagsalita kasi ito ay akala mo namang nagkaboyfriend na.

            Tulad noon, libreng-libre pa rin ang tatlo sa mga ganyang biruan. Parang walang nagbago. Parang kailan lang. Hindi tuloy maiwasan ni Gary ang mainggit, humiling na sana nagbibiruan sila kasama siya.

            "My gulay, Joan Leoneil, saan ka ba nagtago' at sampung taon kang MIA?" tanong ni Muffin, saka nagpatuloy sila sa kwentuhan.

>>>>>>>>>>>> 

            Meantime, naupo na lang muli ang parehong Gary habang pinanunood ang kumustahan ng tatlong tao sa harap nila. Mukha kasing nakalimutan ng mga ito na may dalawa pang nag-e-exist sa kanilang paligid.

            Dumako ang tingin ni Gary kay Joan. Tama nga si Muffin, mas gwapo ito ngayon. Hindi na tulad nung haiskul sila na laging clean cut ang buhok nito. Dahil ngayon, medyo kailangan na nitong makipagkamustahan sa gunting. Mahaba na at magulo ang buhok nito na tila sinadya pang guluhin para mas mag mukhang cool. Matangos na ilong, mga matang kasing dilim ng gabi— na kapag tinitigan mo masasabi mong 'sana ikaw palagi ang bukas ko'. Idagdag mo pa sa close-up smile niya ang pantay-pantay nitong mga ngipin. And the lips— oh the lips, na parang nagsasabing 'kiss-me-I-know-I'm-hot' type.

            "Oh! By the way, you guys— uhmn. Nagkita na pala kayo," Muffin stuttered. Kinagat nito ang ibabang labi. Ni hindi malaman kung declarative o interrogative sentence ang sinabi.

            Halatang medyo naging awkward ang atmosphere kaya nagsalita na si Gary. "Yeah. Actually, halos sabay lang natin siyang nakita." She smiled at them trying to lighten up the mood. Napatingin naman ang dalawa pang dalaga sa bata with a 'who's-that-kid-beside-you' look in their faces.

            "Ahemn," napatikhim si Joan. "Girls meet—" Mukhang nahiya pa ito at saglit na yumuko, tila nag-iipon ng lakas. "—Gary Rose, my daughter." Then he turned to the kid. "Baby, meet your Tita Anna—" sabay turo dito. "—tita Muffin," tinuro din ito, and there was a two second pause. "—and your tita Gary."

            Their eyes met and they both looked away awkwardly. Lalo pa nung nagsalita ang batang Gary. "Wow!" anito na nagtatalon pa. "Tita Gary, parehas po tayo ng name."

            She smiled nervously. Pero mas nagulat siya sa sunod nitong sinabi.

            "Daddy, daddy first lo—"

Love RematchKde žijí příběhy. Začni objevovat