Chapter 30.2: Good luck, Goodbye.

206 7 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 30.2: Good luck, Goodbye.

Bihis na bihis na si Gary alas singko pa lang ng hapon. 7:00PM ang dinner ng buong gang sa Diner's Choice. Sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. Para siyang walang sawang kinikiliti ng mga paruparo sa tiyan niya. Ang mga paruparong muling nabuhay matapos ang matagal-tagal ding pagluluksa. Sa sobrang gaan ng pakiramdam niya ay para siyang nakalutang. Hindi rin mawala-wala ang ngiti sa mga labi niya.

Naalala niya ang mga nangyari dalawang araw na ang nakararaan.

*****

"Alam mo bang sa John the Baptist Church ang kasal ng dalawa?" tanong sa kanya ng pinsan na si June.

Sa sobrang pagtataka, inisa-isa niyang tingnan ang gang. Pawang nakangiti talaga ang mga ito. Hindi naman siguro siya ginu-goodtime ng mga ito, di ba?

"Wha- what do you mean?" she asked.

Nilapitan siya ni Geraldine at inipit ang mga buhok niyang nakatabon sa mukha niya. "Couz, maling simbahan ang pinuntahan mo," nakangiwi nitong sabi. "Nalampasan niyo na ang simbahan. St. John Parish Church na itong pinuntahan mo."

Hindi niya malaman ang magiging reaksiyon. Gusto niyang matawa pero hindi niya magawa. Dobleng katangahan pa yata ang nagawa niya. Nagkamali siya ng napuntahang simbahan? Kahit pala naabutan niya ay wala pa rin siyang magagawa. Pasado alas kwatro na. Ibig sabihin, tapos na rin ang kasal sa isa pang simbahan.

Pero bakit mga nakangiti ang gang? Natatawa ba ito sa pagkakamali niya? O may maganda silang ibabalita?

Unconsiously, hinihigit na ni Gary ang tshirt ng pinsang si June kaya naman alam na ng mga kaibigan niya ang ibig sabihin niyon.

"Bash, don't worry hindi pa rin natuloy ang kasal!" masiglang anunsiyo ni Muffin.

Sa narinig ay tumigil yata sa pagtibok ang puso niya. Para siyang nabingi.

'Hindi natuloy ang kasal!' 'Hindi natuloy ang kasal! 'Hindi natuloy ang kasal!' Iyon lang ang kanyang naririnig. Paulit-ulit. Paikot-ikot sa utak niya. Wala siyang masabi. At hindi na rin nagpaawat ang mga luha niya.

"Hoy, Rick! Sinadya mong ilampas ng simbahan 'tong si Gary 'no?" kunwaring galit na tanong ni Jess. "Ikaw huh, hindi porke't boto rin ako sa 'yo para kay Gary- Ouch! Rain!" Pinaikot lang ni Jess ang mga mata nang makita ang reaksiyon ng iba sa gang sa sinabi niya. "Gosh guys! Alam niyo 'yong joke?" Umiling ito.

"Sorry. Nakalimutan kong dalawa pala ang simbahan dito. Parehas pang may John. Eh, ito ang alam kong may ikaka-"

"Tama na, guys. Pare, wala kang kasalanan." Sa wakas ay natuwid din ang dila niya. "Paano ba- A- Ano'ng nangyari? Paanong hindi natuloy? Si Gee? Ano ba-"

Inakbayan siya ni Rex at ginulo ang buhok niyang gulo na rin. "Isa-isa lang, Garz. Hindi dumating sa simbahan si Honey Gee," umpisa nito. "Mommy niya lang ang pumunta para sabihin sa lahat na hindi matutuloy ang kasal. Maybe, it was a last minute decision. Bihis na bihis na ang mommy niya, eh. Kung paano o bakit nagbago ang isip ni Gee, 'yon ang hindi namin alam."

Bago pa makapag-react ang dalaga, sumingit na si Carlos. "Com'on guys, ang importante hindi natuloy ang kasal. Tara na at kumain. Nalipasan na tayo ng gutom. Garz, okay na. Wag ka nang umiyak diyan...tara at lilibre mo pa kami."

*****

Simula nung araw na 'yon, hindi pa niya nakikita si Joan. Two days without his presence. Dalawang araw pa lang, pero pakiramdam niya ay isang dekada na naman ang nawala. Pagkatapos ng mga nangyari sa kanila, gustong-gusto na niya itong makita. Mayakap at mahagkan. Sa loob ng dalawang araw, isang text lang ang natanggap niya mula rito.

Love RematchWo Geschichten leben. Entdecke jetzt