Chapter 24: Officially Official.

182 5 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 24: Officially Official.

*****

            Tahimik na nagsasayaw sina Rick at Gary sa saliw ng isang nakabibighani, mahina, at matamis sa pandinig na musika. Pangalawang palit na ng tugtog iyon pero hindi pa rin mahanap ni Rick ang lakas ng loob na magsalita. Maski si Roy na nakamasid di kalayuan sa kanila ay hindi malaman kung inaasar o pinagtatawanan o sinusuportahan ang kaibigan. Mukha itong nagsa-sign language dahil sa kasesenyas sa kanya na magsalita na.

            Maya-maya pa...

            "Pare, galit ka ba?" kasabay niyon ay ang pagpalit ng pangatlong tugtog at ang pagpapalit nila ng kanilang posisyon.

            Ngayon, ang dalawang kamay ng dalaga ay nakakapit na sa leeg ng binata. Ang dalawang kamay ni Rick ay parehong humahapit sa beywang ng dalaga. Patuloy lang sila sa pagsabay sa musika. Si Gary, sa ibang direksiyon nakatingin.

            "Sorry kung nabigla kita. Ayoko kasing nakikita kang nasasaktan sa paulit-ulit na dahilan. Gusto kitang alagaan, Margarette."

            There it goes. Rick calling her by her real name is an indication that he's more than serious by the moment. He was looking intently at her face, but she kept looking away, anywhere but him. He held her face.

            "Margarette, look at me."

            "Ayoko," may nginig sa pagkakasabi niyon ni Gary.

            Muli, sinubukan ni Rick na hulihin ang tingin ng dalaga. "Margarette..."

            "No! Please..." Napayakap si Gary kay Rick para lang maiwasan ang tingin ng binata. Patuloy pa rin sila sa pagsasayaw.

            "Pare, alam mo naman 'di ba? Alam mo naman na simula noon hanggang ngayon, siya pa rin. Siya lang," ani Gary sa mahinang tinig. Gusto niyang maiyak. Masasaktan na naman niya ang kaibigan.

            "Alam ko naman 'yon, eh. Ang totoo niyan, nagbabaka-sakali lang ako. Baka sa pagkakataong 'to, pagbigyan mo na 'ko. Sorry, Margarette. Mahal lang talaga kita, eh. Hindi ko mapigilan." Tumawa siya ng pagak. Basted na naman siya. Sa parehong babae pa rin.

            "Wag kang mag-alala... Ayos lang ako."

            "Sorry, Rick. Sorry kung hindi ko kayang suklian ng sapat ang pagmamahal na binibigay mo sa 'kin. Sorry kung—"

            "Sshhh..." He hushed her to quiet.

            Ilalayo niya sana ng bahagya ang mukha ni Gary pero hinigpitan lang lalo nito ang kapit sa polo niya. Hindi niya mapigilan ang mangiti.

            "Bakit ba ayaw mo 'kong tingnan, ha? Natatakot ka bang baka ma-inlove ka sa 'kin?" biro niya sa dalaga. Pero imbes na sagutin ang kanyang biro, ay isang tanong ang binato nito.

            "Nasasaktan ba kita ngayon, Pare?"

            Patlang.

            Isang minuto ang lumipas bago muling nagsalita si Gary. Hindi pa rin sinagot ni Rick ang kanyang tanong. Sa pagkakataong 'yon, kumalas na si Gary sa yakap. Diretso niyang tiningnan sa mata ang binata.

            "Ayokong nakikita kang nasasaktan. Mahal din kita, Pare."

            Iyung pakiramdam no'ng bata ka na binilhan ka ng nanay mo ng bagong sapatos. Nasurpresa ka. Tumalon ka sa tuwa. Nagtitili sa saya't lahat. Pero nang isukat mo, hindi pala kasya sa 'yo? Iyon 'yon eh.

Love RematchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon