Chapter 30: The Chasing.

191 6 2
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 30: The Chasing.

                            

11:15PM

            Tama ang sabi ni Rose sa gang. Nasa Yellow Park pa rin si Gary. Pero hindi na ito nakapang-jogging. Nasa ilalim ito ng isang puno. Nakapikit habang gumagalaw-galaw ang ulo nito na mukhang sumasabay sa beat ng music na nagmumula sa ipod nitong nakapalsak sa kanyang tenga.

            Sa tabi nito ay may isang box ng Yellow Cab pizza, isang litrong tubig, isang grande size ng Frappe, isang malaking supot ng assorted chips, at sa isang kamay ay hawak ang librong Dragon on a Pedestal ni Piers Anthony. Kung titingnan ay parang wala itong kaproble-problema. Pero alam ng mga kaibigan niya, taliwas dito ang nararamdaman ng dalaga.

            Because the moment she open her eyes, it will tell you the thoughts of her heart she doesn't have the courage to utter.

            "Wow! Just wow, Paula Margarette. Mabaliw-baliw kami kahahanap sa 'yo, andito ka lang pala at nagfo-foodtrip. Hindi ka man lang nag-imbita," sarkastikong turan ni Muffin na kinuha ang Frappe ng dalaga saka ininuman.

            Napadilat si Gary sa narinig. "Guys? O, bakit niyo— Rose?" Nanlaki ang mata nito at tinanggal ang earphone. "Bakit andito kayong lahat? Tsaka, bakit magkakasama kayo?" sunod-sunod niyang tanong.

            "Huwag ka nang maraming tanong. Sumama ka na sa amin at may pipigilan ka pang kasal." Dinukwat ni Carlos si Gary patayo pero pumiglas ito.

            "Teka— Carlos! Bitiwan mo 'ko. Girls, napag-usapan na natin 'to di ba? Akala ko ba naiintindihan niyo 'ko. Bash!"

            "If you're worried about the child, don't be. Hindi si Joan ang tatay nung bata," ani Muffin.

            Sari-saring emosyon ang naramdaman ni Gary nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Pag-asa, kaba, gulat, saya— lahat. Sabay-sabay na dumapo sa puso niya.

            "Wha— What do you mean? How? I- I mean- Are you sure?" kinakabahang tanong niya. Sa pagkakataong 'yon, nagsalita na rin si Rose.

            "Gary, I think we shared the same fate. Si Bee, ay si Honey Gee," anito.

            "What!?"

            "Yeah. Nagkatotoo pala yung dasal ko," tumawa ito pero natigil din nang makitang seryoso pa rin ang mga kaibigan ni Gary. "Uhmn, sige na Gary. Puntahan mo na siya. Para kahit isa man lang sa 'tin sumaya.

>>>>>>>>>>>> 

            Mabuti na lang at service van ng school niya ang ginamit ni Carlos sa paghatid kay Geraldine kaya kahit paano'y kasya silang pito. Hindi na sumama pa si Rose. Ayon dito, laban na ito ni Gary. Isa pa ay kailangan na nitong bumalik sa probinsiya. Alam naman daw ni Gee kung saan siya hahanapin sakaling ma-realized nito ang halaga niya.

            "Time check, 2:25PM. Oh my. Carlos, bilisan mo pa. Baka hindi tayo umabot," ani Jess na hindi mapigilang mataranta.

            "Ito na nga, eh. Kapag tayo nahuli ng MMDA o ng LTO, naku! Kung bakit naman kasi ang layo ng bahay nung Rose na 'yon," reklamo nito.

            Seryoso, mabilis, pero maingat pa rin ang pagpapatakbo ni Carlos. Lahat may kanya-kanyang ginagawa. Hindi naman mapakali sa kinauupuan si Gary. Abut-abot ang kanyang panalangin. Sana maabutan niya ang kasal. Sana hindi pa ito nagsisimula kapag dumating siya. Ngayon niya nararamdaman ang sobrang pagsisisi at pagiging tanga niya para ipagtulakang ikasal si Joan kay Gee.

Love RematchHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin