Chapter 18: The Cross Party.

216 4 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

 Chapter 18: The Cross Party.

            "Paano ba 'yan guys? Last two days na natin dito bukas. Ano'ng plano niyo?" tanong ni Carlos. Nakaakbay ito sa girlfriend habang namamasyal sila sa isang eco-park na bahagi pa rin ng resort.

            Tatlong araw na ang nagdaan pero wala pa ring espesyal na nangyayari sa PauNeil.

Wala silang makitang pagkakataon. Laging nakadikit kay Joan si Gee na para bang binabantayan nito ang binata. Sa mga araw na 'yon, si Rick naman ang nasa tabi ni Gary. Ito ang nagpapatingkad sa malamlam niyang mga araw.

            "Oo, nga ano? Ang bilis ng araw," sang-ayon ni Sherry. "Ano'ng gusto niyong gawin guys? Wala na rin akong maisip, eh. Halos lahat nagawa na natin."

            "Do you guys want something exciting and thrilling?" Kelvin asked with his wicked grin.

            "Sure!!!" the rest chorused.

            "Ano na namang kalokohan 'yan, Kelvin?" angil kaagad ni June. Alam niya kasi ang takbo ng utak nito. Nasa loob na sila ng isang maliit na kainan kung saan mga pinoy kakanin at delicacies ang inihahain.

            "Ano'ng kalokohan ang sinasabi mo bro? Nagsu-suggest lang naman sana 'ko. Pag pumayag kayo, eh di okay."

            "Sige nga... Ano'ng naiisip mong gawin?" tanong naman ni Rex bago tuluyang sumubo ng pichi-pichi.

            "Eh, di pa-party tayo!" Ngising-ngisi ang loko.

            Tumahimik ang lahat.

            "What the hell, Kelvin? Saang banda ang exciting at may thrill sa sinabi mo?" angil ni Jess.

            "Teka lang, hindi pa 'ko tapos... Tatawagin natin siyang Cross Party."

            "What's that? Can you please go direct to the point? Explain," it was Andy scratching the back of his head impatiently.

            "Ang iinit naman ng mga ulo niyo! Ito na, ito na. Ang sinasabi ko, mag-o-organize tayo ng party. Kaya natin siya tatawaging Cross Party kasi nga lahat ng a-attend ay magko-cross dress," paliwanag nito.

            "What!?" sabay-sabay na sigaw ng boys. Natapon pa nga ni Andy ang bibingka niya sa plato. Si Rex naman ay natabig ang mangkok na may lamang ginat-an. Taliwas naman ang reaksiyon ng mga girls na nagningningan ang mga mata.

            "That would be cool guys!" excited na turan ni Shane, napapitik pa ito sa hangin. "Nice one Kelvz!" Nag-apir ang dalawa.

            "Ibig sabihin, magiging That's my Tomboy tayong girls at magiging Super Sirena kayong mga boys?" natatawang tanong ni Muffin.

            "No way!!!" sabay-sabay na reklamo ng mga lalaki ngunit binalewala lang ito ni Muffin.

            "Oh my gosh, Rex! Magiging Dyesebel ka for one night!

            "Shut up, Mamon!" asik ni Rex bago binalingan si Kelvin. "Takte ka talaga Kelvin... Malala ka na talaga!"

            "Com'on guys! Wala namang mawawala. Masaya 'to. Tsaka, lahat naman tayo magco-cross dress. Hindi naman ibig sabihing mag-go-gown tayo. Hindi naman formal party 'yon. Night out lang, chill-chill, ganun... Casual attire will do. Yun nga lang, required sa boys ang heels. 3 inches above."

Love RematchWhere stories live. Discover now