Chapter 15: Time Machine.

208 8 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 15: Time Machine.

Punong-puno ng tanong ang utak ni Joan nang maiwan siya mag-isa sa gazebo. Choose Gee? Hurt her? Wala siyang alam. Wala siyang maintindihan.

Then his attention was caught by that freakin' paper bag, which was actually the gift he received from Gary. It was Carlos who handed it to him earlier that day. He was damn excited to open the bag but just before he open it, he received the missent text message from Gary. He got pissed. Plus the mere absence of his Muse on his very day, he was all and jealous. So instead of opening the gift, he decided to set it aside until finally things and happenings flooded in making him to actually forget the gift.

Dahan-dahan niyang binuksan ang bag. Una niyang nakita ang maliit na kahon. Nang buksan niya ito- pen holder ang laman. Nabasag na ang isang bahagi nito na gawa sa salamin. Marahil ay dahil sa ilang beses itong naibalibag buong araw.

Pen holder? "Pen holder yung una kong regalo sa kanya sa sa first monthsary ng panliligaw ko. I know how much she loves writing," he whispered and smiled.

Pero hindi niya mawari kung bakit abut-abot ang kaba niya. Parang may iba pa siyang makikita.

Sunod niyang napansin ang maliit na card. Ang desinyo? Isang kupas na logo lang naman ng dati nilang eskwelahan- ang CGMNHS. Sino nga ba ang makapagsasabi na ang gang- ang mga tulad nila na medyo nakaaangat sa buhay- ay mas piniling sa isang public high school napiling mag-aral?

"Hashtag Flashback FriDate?" Binabasa niya ang malinaw na nakasulat sa ibabaw ng logo. And when he opened the card, isang malutong na mura na naman ang pinakawalan niya.

"Fuck!" Napasabunot siya sa sarili. "Shit! Joan ang gago mo! Ang gago-gago mo!"

The card says:

Happy Birthday, My Escort! :)

Fishpond, 10PM. Please.

Mas lalo siyang nagalit nang makita niya ang isa pang laman ng paper bag- ang kanyang high school uniform. Talk about flashbacks, eh?

He took a glance at his wrist watch and it tells 1:35 AM. He ran to his car and drove off to the fishpond as quickly as possible. He was cursing like hell knocking the steering wheel from time to time.

At nang makarating siya sa mismong lugar, he found no Gary but the vestiges of her surprise turned into a fiasco. Ang tanging maayos na lang ay ang mga ilaw sa mga puno malapit sa pwesto nila. Lumapit siya sa lamesang nakaset-up sa gitna.

Nakita niya ang pancit canton na lumalangoy na sa tubig ulan. "Ito yung paborito nating merienda noon. Sa canteen pa nga tayo nakikisuyo magpaluto nito, eh," bulong niya. He just can't help but smile kahit na naiinis siya sa sarili.

Sunod niyang nakita ang inihaw na isaw. Namumuti na ito na korteng pinakuluan na at wala na rin ang sauce na nakapalibot dito. "Ito yung isa sa paborito ko nung high school. Madalas mo 'kong pagbawalan noon na kumain nito sa barbecue-han malapit sa school. Sabi mo pa nga, 'Escort, hindi na 'ko magtataka kung isang araw may hepa-ABCD ka na! Tingnan mo nga, kakagat-sasawsaw-kakagat. Argh! Dapat solo-solo lang yung sauce, eh!' Kaya pinagsabihan mo si manong Fred. Ang resulta, nag-umento ng piso lahat ng paninda niya. Mas safe nga lang dahil bawal na ang sumawsaw sa lalagyan ng sauce niya. Bibigyan ka na ng sariling cup na lalagyan mo ng sarili mong sauce."

Bigla namang nag-flashback ang isa sa mga pangako niyang napako nang makita ang na-deformed na carrot cake sa lamesa. Tunaw na ang kandila. Nagsa-smudge na ang frostings at nabura na ang nakasulat sa ibabaw.

Love RematchWhere stories live. Discover now