Chapter 20: Their Last Talk, Before.

179 6 0
                                    

Love Rematch 

© Nipster Anne

Chapter 20: Their Last Talk, Before.

            Sa loob ng sasakyan ni Joan, ligayang-ligaya ang pakiramdam ni Gary. Una, sa wakas ay nakasakay na siya sa kotse nito. Pangalawa, first time niyang makasama ito sa isang sasakyan. Pangatlo at higit sa lahat, wala si Gee.

            "Mukhang napagkatuwaan na naman tayo ng gang, ah!" aniya habang nakatingin sa kalsada.

            Tumango naman si Joan. "Oo, nga eh. Buti na lang." Binulong lang nito ang huling sinabi.

            "Ano'ng sabi mo?" tanong niya kahit narinig naman niya talaga.

            "Wala. Sabi ko mahal kita," sagot nito habang nakangisi at sinusulyap-sulyapan siya sa rear view mirror.

            Natigilan siya at nag-init ang kanyang mukha. Pero hindi niya pa rin maiwasang maguluhan. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil hayagan na niyang naririnig ang dahilan kung bakit nanghingi siya ng rematch, o malulungkot kasi kahit ganun, hindi pa rin pwedeng maging sila. Minabuti niyang hindi sumagot.

            Maya-maya...

            "Paano mo nalamang andun pa 'ko?" tumingin siya kay Joan. "Tsaka, si Gee?"

            Sandali siyang nilingon ng binata bago tinuon ang atensiyon sa kalsada. "Si Andy ang nagsabay kay Gee. Hindi ko nga alam kung paano niya nagawa. Basta nalaman ko na lang na nakaalis na sila." Tumigil ito nang makitang pula na ang traffic light. "Tinext ako ni Jess. May naiwan daw ako sa labas ng suite. Magsisisi daw ako kapag hindi ko binalikan." Natawa ito sa huling sinabi.

            "Loko talaga ang mga 'yon. Alam mo bang naka-pwesto na 'ko sa kotse ni Muffin bago nila sinabing may naiwan daw ako sa kwarto? Ako naman si uto-uto, binalikan ko agad. Kung hindi nga lang importante 'yon, eh iniwan ko na lang sana 'yon," pagkukwento niya.

            "Bakit, ano daw ba yung naiwan mo?"

            "Yung tshirt mo—"

            Kumalabog ang puso niya sa narinig niyang kanyang tinuran. Nakita niya sa rear view mirror kung paano kumislap ang mga mata nito sa narinig. Nakaramdam siya ng hiya.

            "—uhmn, syempre ibabalik ko pa sa 'yo 'yon ano! Hindi ko pa— Bakit ka tumatawa?" mataray niyang tanong.

            "Wala," nakangiting sagot nito. "Nag-abala ka pang balikan 'yon. Eh, marami naman akong ganun."

            "Kung hindi ko binalikan 'yon, eh di sana hindi tayo magkasama ngayon!" wala na naman sa sariling sambit niya.

            Ugh! Nakagat niya ang ibabang labi niya at napangiwi. Dinutdot pa niya ang sariling noo. Wala na. Hindi na talaga siya ang dating Gary. Kasi kung ganoon, hinding-hindi siya makapagbibitaw ng mga salitang kagaya ng pinagsasasabi niya.

            Kung noon lang ang ngayon, maghahalo lang balat sa tinalupan pero hinding-hindi niya hahayaang magmukhang naghahabol at nagmamakaawa sa atensiyon ng iba ang kanyang sarili. Kahit sabihin pang mahalaga ang taong iyon sa kanya.

            Mula sa pula, ay naging berde na ulit ang traffic light. Nagsimulang umusad sa pagmamaneho si Joan. Gary felt the urge to talk, but when he looked at him, she was nailed inplace, gawking that pair of raven eyes. Bigla-bigla, nagsimulang dumagsa ang ala-ala nang huli nilang pag-uusap, ten years ago.

Love RematchWhere stories live. Discover now