Chapter 25: Parting Time.

148 5 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

 Chapter 25: Parting Time.

            Tatlong araw nang hindi nagpaparamdam si Gary kay Joan simula no'ng araw na dapat sana ay may dinner date sila na hindi natuloy.

            Nung araw na 'yon, sinundo ni Joan si Gary sa bahay ni Geraldine. Pero pagdating niya, "Kanina ko pa nga hinihintay 'yon eh. Nagtext pa nga sa 'kin na paalis na daw siya ng PHC at papunta na rito. Pero hanggang ngayon, wala pa rin." Pinatuloy siya ng kaibigan at napagpasyahan nilang hintayin kasama si Carlos. Iniisip niyang nalowbat ito kaya't naputol ang tawag niya.

            Hanggang sa tatlong oras na pala silang naghihintay. Ginapangan na siya ng kaba. Nagpaalam siya sa dalawa para hanapin si Gary.

            "Joan, please call me kapag nahanap mo siya." Tinanguan niya naman si Geraldine. Nag-aalala rin ito.

            He tried calling her phone and texted her for the nth time. Pero wala siyang napala. Naka-off ang cellphone nito. Low battery? Ewan. Baka. Inisa-isa rin niyang tawagan ang gang, baka isa sa kanila ang kasama nito. Wala pa rin. Bumalik siya sa PHC, pero ang sabi ng guard, maaga daw itong umalis.

            Tumulong na rin ang gang sa paghahanap. Aligaga na rin sina Anna at Muffin na halos kalmutin siya nang malamang nawawala ang kanilang Basha. Kung saan-saan na siya napunta. Sa Pizza Hut, sa pad nito, sa police station, at sa mga malapit na ospital— na pinaka ayaw niyang puntahan— pero wala pa rin.

>>>>>>>>>>>> 

            Ilang araw ang dumaan. Kausap niya sina Rex at Kelvin sa The Pub, para personal na makibalita. Nagsisimula na rin kasi siyang makaramdam na parang may iba. Na parang hindi nawawala ang Muse niya. Nagtatago? Kanino? Sa kanya? Pero, bakit naman?

            "Bro, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung saan-saan ko na siya hinanap. Rex, baka naman may alam si Muffin. I have this hunch—" napatigil siya at tinitigan ang beer na hawak niya. "Bro, pinagtataguan ba ako ni Gary?"

            Nagkatinginan ang dalawa.

            "Rex, sabihin mo na. Hindi malulutas 'to kung hindi sila mag-uusap. Isipin mo na lang kung sac'yo nangyayari 'to." si Kelvin.

            Bumuntong hininga si Rex bago nagsalita. "Bro, sorry kung hindi namin nasabi agad. Kagabi lang din kasi namin nalaman."

>>>>>>>>>>>> 

            Samantala, kumpleto ang girls sa bahay ni Jessielyn maliban kay Shane na nasa Puerto Princessa at kay Sherry na bumalik na ng Oman.

            "Garz naman, kailan mo balak kausapin si Joan? My God. Awang-awa na ako sa tao kahit na nabwi-bwisit ako at the same time," ani Jess na kinukutinting ang hawak niyang throw pillow. Nasa sala sila at nanunood ng TV na hindi rin naman nila naiintindihan dahil sa problema nila kay Gary.

            "Take your time, Bash. Malalaman mo naman 'yan kung kailan handa ka na talagang kausapin siya, eh," sabat ni Anna. "Ang ipinagtataka ko lang, bakit kailangang sabihan ka pa ni Gee? Well... O'nga naman. Pero bakit ikaw muna? Halata namang walang alam si Joan, eh."

            Wala pa ring imik si Gary na nakatulala sa monitor ng TV at nakasalampak sa isang malaking bean bag. Si Lorraine, tahimik na nakikinig habang kinakalikot ang camera na minsang hiniram ni Gary. Nakatayo lang si Geraldine sa tapat ng isang malaking bintana at tinitingnan ang pagbagsak ng ulan.

Love RematchWhere stories live. Discover now