Chapter 26: Reasons and Lies

171 6 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 26: Reasons and Lies

            "Leoneil? Leoneil?" Pinihit na ni Leona ang pintuan ng kwarto ng anak nang hindi siya nito pinagbubuksan. Nang maramdamang bukas ay tuluyan na siyang pumasok. Tumambad sa paningin niya ang gulo-gulo nitong kwarto.

            Nagkalat ang mga bote ng beer, wrapper ng chichirya, nakatiwarik na gitara, wala sa ayos na mga damit, at ang kapansin-pansin sa lahat, ang mga nagkalat na larawan nila ni Gary. Iyon yung mga larawan sa video na ginawa ni Rain noong birthday niya.

            Nang nilapitan niya ang anak, halata lahat ng pagbabago sa itsura nito. Kahit tulog ay klaro pa rin ang mabibigat na bagahe nito sa mata, humpak na pisngi, at ang patubo nitong bigote. Pinahid niya ang mga luhang nitong malapit nang matuyo. Nahihirapan siyang makita ang anak sa ganoong kalagayaan. Nasasaktan na naman ito. Sa parehong dahilan— pagibig. Sa parehong babae— si Gary.

            Nagising si Joan nang haplusin ng ina ang buhok niya. Bigla ay niyakap niya ito at tahimik na umiyak. Walang ingay na maririnig pero hindi maikubli ng nagsasayaw niyang mga balikat. Sinubukan siyang patahanin ng ina.

            "Ma, hindi ko kaya, Ma. Mahal na mahal ko talaga siya. Hindi ko kayang mawala siya ulit. Ma, hindi si Gee, Ma."

            "Sshh. Alam ko naman 'yon, eh. Pero anak, ito ang tama. Ito ang dapat na gawin. Buntis si Gee at kailangang panagutan mo siya at ang magiging anak niyo," mahinahon na sabi ng ginang. Pinipilit ipaintindi sa anak ang sitwasyon nito.

            Hindi na nagsalita si Joan, nakayakap lang ito sa Mama niya habang patuloy ang paghikbi.

            "Bumaba ka na. Saluhan mo si Gary Rose sa breakfast. Matagal na kayong hindi nagsasabay sa pagkain."

            Tumango lang siya at naghanda na pababa.

            "Good morning, baby." Hinalikan ni Joan sa pisngi ang anak, pero sumimangot lang ito at hindi siya pinansin. Nalaman kasi nitong naghiwalay sila ni Gary dahil narinig nito ang chismisan ng mga kasambahay nila. Tuloy ay nagtampo ito sa kanya.

            "Baby, wag ka namang magalit kay Daddy. Hindi na nga ako pinapansin ni Mommy Gary, eh. Pati ba naman ikaw?"

            Nagpatuloy lang sa pagkain ang bata.

            "Baby."

            "....."

            "Love naman ni Daddy si Mommy, eh. O, sige. Promise ko sa 'yo. Babawiin ko ang Mommy Gary mo." And it did it. It piqued her attention.

            "Talaga, Daddy? Pakakasalan mo si Mommy and not Tita Gee?"

            "Yes, baby. Magpapakasal kami ni Mommy," parang siguradong-sigurado siya sa sinabi. Napangiwi siya nang marealize iyon. He must have gone crazy for saying that.

            Kung ako lang, baby, wala namang problema.

 

>>>>>>>>>>>> 

            Simula no'ng nangyari sa bahay ni Jess, araw-araw nang nakakatanggap ng kung anu-ano si Gary mula kay Joan. Bulaklak, chocolates, pizza, libro, minsan carrot cake, at kung anu-ano pa. Kung hindi sa PHC ay sa pad niya dumidiretso ang isang regalo. Lahat may kasamang card. Either mag-so-sorry o sasabihin lang nito kung gaano siya kamahal nito. Tulad na lang ng araw na iyon.

Love RematchWhere stories live. Discover now