Chapter 14: Hashtag Flashback FriDate.

191 7 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 14: Hashtag Flashback FriDate.

7:25 PM.

            "Hi Garz! Wow, ganda. Infairness, bagay pa rin sa 'yo ah," ani Rex sabay yakap at halik sa pisngi sa dalaga.

            Ang suot niya ang tinutukoy ng kaibigan. Kadarating lang nito kasama si Andy para tulungan sa kanyang surpresa na may theme na #FlashBackFriDate.

            Yumakap din sa kanya si Andy. "Good luck Garz. Kahit anong mangyari, tandaan mo, PauNeil pa rin kami. Right, bro?" Saka sila nag-fist bumps ni Rex.

            Pumunta na ang dalawa sa kanilang pwesto para i-tono ang gitara nilang dala. Habang pina-practice ang isa nilang #FlashbackThemeSong ay binigyan ni Gary ang dalawa ng kunting maiinom. Kawawa naman kasi ang mga ito. Iniwan ang party para sa kanya imbes na nagpapakasaya sila sa The Pub.

            "Thanks Garz. Relax ka lang, dadating 'yon."

10:30 PM.

            Nararamdaman na ni Gary ang kaba. Hinahalukay na rin ang tiyan niya ng kung anong mga organismo na lalong nagpapanerbiyos sa kanya. Nasa ayos pa naman sina Andy at Rex. Hindi pa naman lasing, awa ng Diyos. Buti na lang at SanMig light lang ang binigay niya kaya kahit nakakailang bote na ay okay pa rin ang mga ito.

            Alam niyang sinusulyap-sulyapan siya ng dalawa dahil hindi talaga siya mapakali. Thirty minutes late na si Joan. Kaya kahit na labag sa loob niya. Kahit na pinagbawalan siya ng gang, paulit-ulit niya itong tinext.

            'Saan ka na Escort?', 'Please come', 'Choose me', 'Sana ako ang piliin mo' 'Happy Birthday!", 'Fishpond. Pls."

            Pero kahit isa, kahit blangko. Kahit pagtanggi. Wala siyang reply na natanggap.

            Nang mapatingala siya sa langit, mas lalo siyang kinabahan. Walang bituin na sumisilip kahit isa man lang. Nagbabadya na rin ang mga ulap na kahit madilim, alam mong ulan ang hatid sa sangkalupaan.

            Please Lord, wag ngayon, piping pakiusap niya. Please.

            Kapag umulan, masisira lahat ng pinaghirapan nila. Lahat mawawalan ng saysay. Sandali pa niyang tinitigan ang kadiliman ng langit hanggang sa napansin niyang may kumislap.

            Yes!

            May isang bituin na sumilip. Isa na sinundan ng isa, at isa, at isa pa hanggang sa dumami na at nagsimulang umaliwalas ang kalangitan.

            "Thank you, Lord!" usal niya.

            Hinanap niya ang numero ni Joan sa cellphone na kanyang hawak. Isusugal niya ang natitirang battery masiguro lang na siya ang sisiputin ni Joan. Nakakatatlong dial na siya at nawawalan na siya ng pag-asa. Puro out of coverage ang tawag niya.

            "The number you have dialed is unattended. Please try your call—" Pinatay na niya ang tawag bago pa ulitin ng agent ang pinagsasasabi nito. Nag-dial siya ulit at nangakong mumurahin ang babaeng agent nang biglang mag-ring ang cellphone ni Joan.

            Nabuhayan siya ng loob. Pero namatay din naman agad.

            "Ugh! Shit!" Sinipa niya ang isang ligaw na bato sa tabi niya. Tumalsik ito sa pond kaya nagkagulo ang mga isda. Nakuha niya rin ang atensiyon nina Rex at Andy.

Love RematchWhere stories live. Discover now