Chapter 2: We're Friends Right?

358 14 5
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

 Chapter 2: We're Friends Right?

 

            Ala una na ng madaling araw pero hindi parin dinadalaw ng antok si Joan. Iniisip pa rin niya ang babaeng kauna-unahan niyang minahal. Ang babaeng dahilan kung bakit ang laki ng pinagbago niya sa sarili.

            Last time they met was their high school graduation day. Naaalala pa niya kung gaano niya kagustong lapitan si Gary para personal na mag-congratulate. Bukod kasi sa may nakuha itong awards ay baka matagalan pa bago ang sunod nilang pagkikita. Syempre, kanya-kanyang choice of schools and courses for their college. At gustong-gusto niya ring makalimot. Highschool lang naman sila at mga bata pa. There's a lot more to happen during college, siguradong madali niyang malilimutan ang lahat. Lahat-lahat.

                                 

*****

            "Jo' hindi mo ba siya lalapitan para batiin man lang?" si Lorraine. Childhood friend niya.

Ngumiti lang siya sabay sabing, "Hindi na Rain. Mukhang masaya naman na siya eh," sagot niya habang tinititigan niyang tumawa si Gary sa di kalayuan kasama ang iba nilang kaibigan at kakilala. "Pakisabi nalang sa kanyang 'Congrats'," saka nilapitan ang Mama niya para ayain nang umuwi. Ang hindi niya alam, pagkatalikod niya ay saka naman ang pagdako ng tingin ni Gary sa kanya.

            Pagkatapos ng graduation ceremony ay maaga siyang umalis. Hindi na rin siya umattend sa mga party ng barkada nila na alam niyang makikita niya ang dalaga.

            Masyado kasi siyang nasaktan sa nangyari sa kanila the week after their prom. Alam niyang may kasalanan siya, na malaki ang kinalaman niya kung ano ang naging katapusan ng kanilang istorya. Pero mas nasaktan siya nang hindi manlang siya nagkaroon ng pagkakataong magpaliwanag. Dagdagan pa na nakikita niya ang dalaga na parang wala lang dito lahat ng mga nangyari. Ni hindi man lang niya ito nakitang nalungkot kahit sandali o nakitaan ng katiting na panghihinayang.

            Sa isip niya, kung sabagay, siya lang naman kasi ang nagmahal sa dalaga. Unrequited love ika nga.

*****

            Tumayo siya sa kama at kinuha ang isang metal box na may passcode ang lock at saka dinampot ang isang kapirasong papel. Yun ang papel na sagot ni Gary sa kanya doon sa kanyang 'give up message' na habang buhay na yata niyang pagsisisihan kung bakit niya pa nagawa. Binuklat niya ang pagkakatupi ng maliit na papel at muling binasa.

            "Letting go of someone really special is really hard. It may also be the most stupid decision you can make. But if you feel that you have given your best but still nothing happens, it's either you LET GO and set yourself free or HOLD ON and hope for the best to come. Mas madali naman sigurong bumitaw kesa umasa diba? P.S. Sabi sa'yo eh, mahirap maghintay. Nakakapagod."

 

            Napabuntong hininga siya bago tinupi muli ang papel at itinabi. Kinuha niya ang gitarang nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto and then started strumming. Out of nowhere, nakita niya muli ang sarili na tinutugtog na naman ang kantang 'yon. Kung pang ilang beses na? Hindi na niya alam.

>>>>>>>>>>>> 

♫ ♪ I'll never go far away from you...

 

 Even the sky will tell you

 

Love RematchWhere stories live. Discover now