Chapter 11.2 : Worries and Insecurities.

211 6 0
                                    

Love Rematch

 © Nipster Anne

Chapter 11.2 : Worries and Insecurities.

            "O, ayan na yang ice pack na hinihingi niyo," ani Jessielyn habang nilalapag ang ang isang tray na may lamang yelo. "Pasalamat nga yung babae mo na hindi siya ang nasapak ni Gary. Kung nagkataon, huh, she will seek the help of the expert to fix her broken nose. Buti na lang, makapal ang mukha mo kaya 'yan lang ang inabot mo. Hay, sakit siguro ng kamay ni Gary ngayon."

            Wala pa ring imik si Joan. Katatapos lang maglitanya ng gang sa kanya tungkol na naman sa mga pinaggagagawa niya. Nasa isang cottage sila malapit sa kanilang suite kung saan sina June at Jess na lang ang natira para samahan siya.

            "Umalis ka na nga kung wala ka ng ibang sasabihin," ani June kay Jess.

            "Buti pa nga. Hmnp! Parehas talaga kayong sira! Palibhasa, magbestfriend kayo kaya parehas ang takbo ng utak niyo."

            Nang maiwan sina June at Joan, matagal muna bago may nagsalita. Tulad ng sinabi ni Jessielyn, bestfriend ni June si Joan kaya't alam niya kung anon'ng nangyayari kay Joan kahit na hindi ito kasalukuyang nagsasabi. On the other hand, Gary is June's cousin. Gary, Sherry, and Geraldine are the sisters he never had. At alam niya kung kailan sila pro-protektahan.

            "Joan naman kasi. Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Sa inyo? I thought you still love her. No. I thought you're still in love with her."

            Tiningnan lang siya ng kaibigan. Hawak nito sa isang pisngi ang ice pack ngunit wala pa rin itong imik.

            "Look bro. You are my bestfriend here. And Gary is my cousin. I just can't sit back doing nothing seeing you both caught in this fucked up situation. At ang malupit? Kayo rin lang naman din ang may gawa. Ano pa bang problema? Mahal mo siya, mahal ka niya—"

            "Mahal nga ba?" Joan asked lifelessly. "Mahal ko ang pinsan mo bro' walang duda. Alam niyo yun. Pero maski ako hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon, nagdadalawang isip pa rin ako. Ngayon pa na siya na mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit kami. Yes, she does things I never thought she could. But the thing is," nag-iwas ng tingin si Joan. "I am still afraid, June. Bigtime. She's doing these things that torture me to my sleep. She's being too sweet and caring and jealous, and... courting, eh?" Joan's face drew a suppressed grin.

            "Do you want to know how I felt the moment she said she's gonna go pursuing me? Boy. It felt so surreal I could practically run through the whole resort yelling with so much joy, 'Finally! The girl I cared for a long time is ready to cross our self-imposed boundaries!', but I never did. Why?" Joan paused.

            He looked at his bestfriend who was already joined by the rest of the boys in the gang.

            "I guess I was too shocked to even react, 'Really? Are you kidding me?'" He sighed.

            The boys just remained silent and listening as Joan continued. It was one of the rare things that could happen on Earth— Joan talking without them forcing.

            "God knows how I really wanted to ask why. But damn! I just don't have yet the courage again that was long lost in me and you guys knew it."

            "Sa lahat ng tao, kayo ang mas nakakaalam na pagdating kay Gary," umigkas ang balikat niya. "Wala eh. Kryptonite ko talaga siya. Tipong kaya kung magkaroon ng girlfriend sa isang usapan lang, pero pagdating sa kanya, ang torpe-torpe ko. Kayang-kaya kong magbiro sa lahat ng tao, pero pagdating sa kanya, wala na. Gustong-gusto ko siyang tanungin kung mahal niya nga ba ako kaya niya ginagawa ang lahat ng 'to. Kaya lang natatakot ako. Natatakot ako sa maririnig kong sagot mula sa kanya. Natatakot ako na baka by impulse lang pala kaya niya nagawa at nasabi ang mga bagay na iyon."

Love RematchTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang