Chapter 23: Torn in Between.

171 5 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

 Chapter 23: Torn in Between.

            "So, what is it this time?" tamad na tanong ni Andy kay Joan. "Alam mo bro, ibang klase ka rin eh, 'no? Sampung taon mong iniwasan si Margarette para makaiwas ka sa conflict. Nilahat mo naman ngayon!" Uminom ito mula sa beer in can na hawak.

            Bumuntong hininga naman si Joan. Dalawang linggo na siyang binabagabag ng konsensiya niya simula nang magising siya isang araw na magkatabi na sila ni Gee sa isang kama. Sa sobrang kalasingan, wala siyang matinong naaalala tungkol sa gabing iyon.

            Patung-patong na guilt na naman ang namamayani sa pagkatao niya. Para kay Gee, na hinayaan niya lahat ng nangyari. At lalo't higit para kay Gary. Pakiramdam niya pinagtaksilan niya ito ng pitong beses. Dahil doon, hindi muna siya nagpakita sa dalaga.

            Ni hindi niya alam kung paano sisimulang ipaliwanag ang tungkol sa dalawang linggo niyang hiningi gayung lampas isang buwan na siyang hindi nagpapakita. Miss na miss na niya ito.

            Nang tawagan siya ni Rex para sabihing nang-iimbita si Kelvin sa bahay nito ay hindi na siya tumanggi. Kailangan niya ng mahihingahan ngayon. Ulit.

            "Mga bro, may nangyari yata sa 'min ni Honey Gee," ani Joan sa hindi malamang ekspresyon. Nasamid ng beer sina Kelvin at Andy. Naglaglagan naman ang mga panga nina Rex at Carlos.

            "What the hell!?" bulalas ni Rex. "Anong 'yata' ang ibig mong sabihin?"

            "A— Ano kasi, haay! Pa'no ba 'to? Lasing na lasing ako nun... At wala akong maalala na may nangyari. Nagising na lang ako katabi ko na si Gee. Pero mga bro' pakiramdam ko wala talaga eh," nagsalubong ang mga kilay nito na tila ba pinipiga ang utak kaiisip sa gabing iyon.

            "Kayo— ikaw Kelvin, 'di ba nararamdaman naman natin 'yon kung meron talaga? Hangover lang kasi 'yong naramdaman ko, eh. Isa pa— Nevermind. Damn! Ano ba 'tong mga nangyayari?" Napayuko siya at napasabunot sa buhok.

            Hindi na niya sinabi pa na ang tanging naaalala niya ang ang pagbanggit nito sa pangalan niya at kung paano siya ginupo ng antok.

            "Tangina, Joan! Nakakabobo naman ang sinabi mo. Ano 'yon. Naghubad ka, naghubad siya tapos magkatabi lang kayong natulog?" inis na untag ni Carlos. "Paano 'yong two weeks issue niyo, naipaliwanag mo na ba kay Gary?"

            Nang umiling siya ay napa-facepalm na lang ang mga kaibigan niya. Kasabay niyon ay ang pagtunog ng doorbell. Mabilis namang tumayo si Kelvin para pagbuksan ang pinto.

            "O, darating ba si June?" Joan asked. Masasapak na yata siya this time. Pero bago pa may makasagot sa tanong niya, isang super sayan three sa galit ang lumapit sa kanya at sinurpresa siya ng isang isang daang porsyentong lakas ng sampal.

            SLAPPP!!!

            The furious Muffin did the honor. Pero hindi pa man siya nakakabawi ay isa pang sampal ang dumapo sa pisngi niya. It was Anna this time.

            "Whoaaa!!!"

            Mabilis namang umawat ang boys kaya't hindi na nakasampal sina Lorraine, Jess, at Geraldine. Kung hindi ay talagang magmumukha siyang palad maya-maya.

            Sapo ang pisngi, hinarap ni Joan ang girls na nagtataka. "What was that for?"

            Damn! 180 degrees yata ang pinihit ng gwapo niyang mukha.

Love RematchDove le storie prendono vita. Scoprilo ora