Chapter 15.2: I was Jealous.

175 7 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

 Chapter 15.2: I was Jealous.

            "How's Margarette?" seryosong tanong ni June matapos asikasuhin ng girls ang pinsan.

            "Medyo okay na. Bumaba na ang lagnat niya, kailangan lang i-monitor. She's doozing off right now." Sumalampak sa couch si Sherry katabi ni June. "May sinat na pala kanina, nagpaulan pa. Hay! Pasaway talaga!"

            "She's dead tired guys. Physically and emotionally," sabi ni Geraldine habang minamasahe ang sentido.

            Sabay-sabay silang napalingon sa pintuan nang bigla itong bumukas. It was Joan, looking so lost, guilty, and confused. Walang umimik sa kanilang lahat. Sa sobrang dami ng mga gustong sabihin ni Joan, ngayon pa siya trinaydor ng dila niya. Hindi siya makapagsalita.

            After a while, "Where is she?" Joan asked to no one in particular.

            "Guys, akyat na 'ko. It's been a long day. Inaantok na 'ko," Anna said and left. Muffin followed her immediately.

            "Ako rin guys. Bukas na tayo mag-usap. Iche-check ko pa mamaya si Gary," ani Sherry.

            "Girls, wait. I'm sorry. I— I didn't know."

            Pero hindi nagpapigil ang girls at nag-akyatan lahat. And so he was left with the boys. Inihanda na rin niya ang sarili na anumang oras ay may isang kamao na dadapo sa kanyang pisngi. Lahat tahimik at seryoso lalo na si June— bestfriend niya at pinsan ni Gary. Sa sobrang tahimik, tunog ng orasan lang ang naririnig sa buong suite.

            "Uhmn, bro' I'll just make some shot of espresso. Mukhang kailangan nating lahat." Tumayo na si Carlos at tinungo ang kusina. Bahagya pa niyang tinapik sa balikat si Joan nang mapadaan ito sa kanya.

            "June—" Joan started hesitantly. "Guys, I'm sorry. I really didn't know. And please, answer me. Where is she? How is she?"

            "....."

            "Guys, please." Nagsusumamo na siya.

            "....."

            Mayamaya, hindi rin nakatiis ang boys maliban kay June na nanatiling tahimik.

            "Hay naku, Joan Leoneil," ani Carlos na may dalang kape para sa kanilang lima. "Kung bakit naman kasi hindi mo man lang binuksan yung regalo niya sa 'yo!? Eh, halos isaksak ko na 'yon sa baga mo kapipilit na buksan mo na. Tangina mo bro, sarap mong pektusan sa bumbunan ngayon! Ito kape, nang marelax-relax ka naman." Inabot nito kay Joan ang isang tasa ng kape.

            "Bro, naman... Ano bang nasa isip mo at para kang babae na nag-inarte? Don't tell me it was all about her physical absence in your very day having no text and call greetings at all?" Kelvin asked eyeing him eagle like.

            He nodded, hesitantly.

            Naiiling namang sumabat si Rex. "Gago ka talaga, Joan. Babae si Gary. Alam mo naman ang mga babae pagka may ganitong mga okasyon. They'd act as if they remember nothing, when truth is they were really scheming of throwing a surprise."

            "It's not just that," sabi niya kaya napatingin sa kanya ang lahat, pati si June. "I— I mean— I was... Argh!" Napahilamos siya ng mukha. Hirap siyang sabihin ang huling salita.

Love RematchWhere stories live. Discover now