Chapter 13.2: Choose Me.

201 6 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 13.2: Choose Me.

            The Pub.

            ♫ ♪ Happy Birthday, Joan. Happy Birthday, Joan. Happy Birthday. Happy Birthday. Happy Birthday Joan. ♫ ♪

            Masayang kumakanta ng birthday song ang gang. 7:00 PM nang mag-umpisa sila sa mismong bar ni Rex. Bukod sa kaibigan nila ang may ari, high end bar ito kaya kahit dumadami ang tao ay may privacy pa rin ang barkada.

            "Com'on Joan make a wish," ani Jessielyn na may bitbit na cake. Iyon na ang ikalawang cake na pinahihipan nila kay Joan. "Say it out loud, ah?"

            Natawa na lang si Joan sa tinuran ng kaibigan, lalo na nang barahin na naman ito ng kanyang bestfriend.

            "Pati ba naman birthday wish hindi mo palalampasin?" asik ni June.

            "Para curious lang, eh! Tsaka ba't ka nagagalit? Ikaw ba ang hihiling? Wish mo ba 'yon? Palibhasa PMS ka araw-araw! Hmnp!"

            "O, tama na 'yan guys," saway ni Joan. "Jess, can I keep my wish to myself for the mean time? Saka ko na lang sasabihin pag nagkatotoo na. Okay ba 'yon?"

            "Wala namang kaso sa 'kin 'yon, eh. Itong PMS mong bestfriend lang naman kasi! Madali naman akong kausap—"

            "Anong ako—"

            "June! Jess!"

            Natahimik naman ang dalawa nang sawayin na ni Shane. Kaya lang nagpatuloy ang irapan at tahimik na pag-aaway ng mga ito lalo na at magkatabi sila ng pwesto.

            Matapos mahipan ni Joan ang cake, naghiyawan ang lahat. Sa wakas ay officialy open na ang birthday bash nila for Joan.

            "O'rayt! Party, party na tayo! Wooohh!"

            "Thank you, guys. Masaya ako at kasama ko kayo ngayon." Kahit wala siya. Bwisit! Saan kasi 'yon nagpunta?

            "You're welcome bro, pakasaya ka na may surprise pa kami sa 'yo."

                          

            Lumipas ang dalawang oras. Naghihintay pa rin si Joan na darating ang dalaga kahit masama ang loob niya rito. Lalo lang niyang nararamdaman ang absence nito dahil pati ang gang ay sinasadyang hindi banggitin ang pangalan ni Gary. Umaarte ang mga ito na parang walang kulang. Na kumpleto pa rin sila kahit alam nilang may hinahanap siya.

            Dumami na rin ang mga nakiki-party sa kanila. May mga newly met, old acquaintance, at yung iba kakilala niya. Sa tuwing nalalaman nila na birthday ni Joan, ay inaabutan siya ng inumin na hindi rin naman nito tinatanggihan. Mayamaya, pinili niyang mapag-isa muna sa isang tabi.

            Masakit pa rin ang puso niya. Gusto niyang magalit kay Gary. Bukod sa katotohanang natiis nitong hindi magparamdam sa kanya, dinagdagan pa ito ng isa pang pangyayari. He fished out his phone from the inside pocket of his jacket. He quickly scanned the text message that made him the crankiest man celebrating his birthday.

            My Muse: Pare, nakauwi ka na ba? Miss na kita eh... J Call me if you read this, ah? Have something important to ask you. Pls. Pls. Luv u Pare! TC! :*

Love RematchWhere stories live. Discover now