Chapter 8: Dateless.

231 6 4
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

 Chapter 8: Dateless.

            "O, akala ko ba magtatagal pa 'yong mga 'yon?" ani June na inakalang dumating na ang mga babae at ang mga ito ang sanhi ng kalabog na kanilang narinig. "Sino yan?" pasigaw niyang tanong.

            Walang sumagot.

            Kaya naman, tinungo na ni Rex ang pinto ng kusina. Nang mabuksan niya ito, 

            "O, kanina ka pa ba diyan? Ikaw lang ba mag-isa baby?" Niyuko ni Rex ang batang Gary na nakatayo at pupungas-pungas na tumango sa kanya.

            "Rex sino'ng kausap mo diyan?" Hindi na rin napigilang lumapit ni Joan. "Baby, andiyan ka pala. Come." Kinarga niya ang anak. Mula sa kung saan ay bigla namang sumulpot si Sherry.

            "Baby Gary, tara na?" tanong ni Sherry. "Joan, Rex, isasama ko lang si Gary Rose. Pupuntahan namin ang iba. Hindi kasi natuloy ang lakad nila ni Gee, eh."

            Pagkatapos magpaalam ni Sherry, nagmadali na silang umalis. Nangungulit na kasi ang bata, kesyo gusto na daw nitong makita ang kanyang Mommy Gary.

            Balik kusina naman ang mga naiwan, at syempre balik kwentuhan din.

            "So, where were we again?" Pag-uumpisa ni Rex na wala pa rin sa kalahati sa mani na binabalatan niya. "Ah! so, Joan, are you saying na hindi mo na mahal si Gary? As in limot na, sagad sa buto?"

            "O-oo," kibit balikat niyang sagot.

            "Wehh?" Nag-chorus ang lahat maliban sa bestfriend nitong si June.

            "Tss. O'nga. Kulit eh."

            "Sinong niloko mo, Joan Leoneil Rosales? Kung isang linggo ka pa lang namin kilala, you can positively convince us that you really are into Honey Gee and that you like her. No sweat." Iwinagayway pa ng natatawang si Carlos ang kamay na may hawak na kutsilyo. "The bad news is, we knew you too well bro'. Enough to say that you're yet over Gary."

            Sinang-ayunan naman ito ni Andy na inakbayan ang kaibigan. "Carlos is damn right bro'. Sampung taon kang nawala at nagtago, hell yeah. Pero sa girls lang bro' hindi sa'min."

            Lingid sa kaalaman ng mga babae sa gang, alam ng boys ang mga nangyari sa kaibigan sa nakaraang sampung taon. Intact ang naging samahan ng mga ito kahit na nagkahiwa-hiwalay sila matapos ang graduation nung high school.

            Ang hindi nila alam, ganun din ang ginawa ng girls. Halos ni-isolate ni Gary ang sarili sa mga kaibigang lalaki para lang maiwasan si Joan. Hindi naman kasi maiiwasang mabanggit ang binata paminsan-minsan kaya magkakaroon at magkakaroon siya ng access of information tungkol sa binata, at natatakot siya doon. Naging madali naman ito sa tulong ng internet at cellphone.

            Natawa lang si Joan sa tinuran ng dal'wang kaibigan. "You knew me too well huh? Yeah, whatever."

            Natingga naman lahat ng niluluto nila dahil sa kwentuhan. Kung makapang-asar ang mga ito sa tuwing may girls talk din ang girls, yun pala, hindi din pahuhuli ang boys tuwing boys talk.

            "Sa totoo lang, sobra-sobra ang saya ko nung maging okay na kami ni Muse. Kahit pa'no unti-unting nagbabalik yung dati." Unaware, Joan was already grinning from ear to ear, acting like a sixteen year old teen who just saw her crush smiled back at him. "And yeah, I love her. I still do."

Love Rematchजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें