Paula Margarette Castillio, has everything she wanted in life but love. She has her loving family, supportive friends, and her dream job. Kulang na lang ay isang lalaking kukumpleto sa existence niya sa lupa. Isang araw, habang naaaliw siya (for the record) sa isang batang hindi niya kilala, isang statement sa t-shirt ang sumampal sa kanyang pagmumukha. 'Love is like a game, ang unang ma-inlove talo.' And with that, memories flooded in making her remember everything about her first and last lost of the game. Everything about Joan Leoneil Rosales. "Baby, what's your name?" Tanong niya sa bata. Masigla naman itong sumagot. "Ako po? I was named after my dad's first love, Gary." Hindi niya mapangalanan ang naramdaman niya pagkarinig niya sa bata. Sa isip niya, ang swerte naman ng babaeng 'yon. Pati pangalan niya-- nakuha pang ipamana. Muntik na siyang matumba nang dumating ang tatay nung bata. Iisa ang sigaw ng mga paruparo sa tiyan niya at ng nagmamarakulyo niyang puso: 'IF LOVE IS REALLY A GAME, THEN I DEMAND FOR A REMATCH.' Pero paano 'yan? Wala pa nga, mukhang talo na siya. May anak na ito. Eh, asawa kaya? Hmnn... © 2013 NipsterAnne
41 parts