Chapter 29: The Missing Gary.

243 9 5
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 29: The Missing Gary.

            Alas singko pa lang ng umaga ay gising na gising na ang diwa ni Gary. Wala pang tatlong oras ang tulog niya. Gulong-gulo ang utak niya sa kaiisip kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin. Inumaga na siya ay nagtatalo pa rin ang utak at puso niya.

            Bukas, Muse. Alas tres ng hapon ang kasal. Kapag nagbago ang isip mo, puntahan mo 'ko. Isigaw mo lang ang pangalan ko at sabay nating haharapin ang mundo.

            Paulit-ulit na naglalaro ang linyang iyan ni Joan bago sila nagkahiwalay nung nagdaang gabi. Alam ng Diyos kung gaano niya kagustong hindi matuloy ang kasal. Pero pinapatay naman siya ng konsensiya sa tuwing naiisip niya ang batang dinadala ni Gee.

            Nasa ganoong estado siya nang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang screen bago ito sinagot.

            "Hello, Elaine?" aniya.

            "Maam Gary, pasensiya na po kayo sa istorbo—" Nakarinig siya ng pagbulong na parang may nagdidikta at nag-eenganyo kay Elaine para magpatuloy. Alam niyang ang dalawa pang kasambahay iyon.

            "Okay lang. Bakit? May kailangan ka?"

            "Gusto po kasi kayong kausapin ni Gary Rose— Ay mali po! Ang totoo po niyan, kami lang po talaga ang tumawag sa inyo. Lagi po kasing umiiyak. Naaawa na po kami. Ayaw namang makinig sa 'min. Tsaka, hindi rin niya po kinakausap ang daddy niya. Nagtatampo yata. Ma'am, baka naman po pwede niyo siyang kausapin? Kahit sa cellphone lang. Siguradong makikinig 'yon sa inyo."

            Hindi siya agad nakapagsalita. Apektado rin kaya ang bata dahil hindi na siya ang magiging mommy nito kung sakali?

            "Ma'am?" ani Elaine nung tumahimik ang linya niya.

            "Sige, Elaine. Susubukan ko siyang kausapin," aniya. Nakarinig siya ng mga yabag at pagbukas ng pinto. Dinig niya ring kinausap nito ang bata at kung paano ito sumigaw ng 'Really, Ate Elaine?'

            "Hello! Mommy Gary?" anang bata pagkahawak ng telepono. Na-miss niya bigla ang paslit. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya nagustuhan nito.

            "Hi! Baby, good morning. How are you? I miss you..." para siyang maiiyak nung sinabi niya iyon. "Ang aga mo namang nagising baby."

            Pero hindi pinansin ng bata ang huli niyang sinabi. "I miss you, too, Mommy! Mommy, please...talk to Daddy. Let you be his bride and not Tita Gee, please. Please Mommy, marry Daddy," sabi ng bata na para lang nagpapabili ng Barbie doll.

            Hindi makapaniwala si Gary sa kanyang naririnig mula sa bata. Inutusan kaya ito ni Joan para sabihin ang mga 'yon?

            "Once, I asked Daddy if why is he going to marry Tita Gee. Daddy said nothing, but he cried hard. He told me he loves you so much and that even when he marries Tita Gee, you will still be my Mommy Gary, his first love. Mommy Gary, don't you love my Daddy?" inosenteng tanong nito.

            Mahal ko siya, baby. Mahal na mahal ko ang Daddy mo.

            Napalunok siya at napahawak ng mahigpit sa telepono. "One day, baby, maiintindihan mo rin. Sa ngayon, magpapakabait ka lagi, okay? Lagi mong tatandaan, love ka ni Mommy Gary." Kayo ng Daddy mo.

Love RematchWhere stories live. Discover now