Chapter 12.2: You Knew?

193 6 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

 Chapter 12.2: You Knew?

            "Congrats! Nice game!" Iyan ang palitan ng salita na maririnig mula sa mga naglaro nung mag-assemble na sila sa magkabilang panig ng net para magkamayan pagkatapos ng laro.

            Excited at overwhelmed pa rin ang girls na patuloy ang kwentuhan sa ilalim ng isang malaking payong. Kanya-kanya silang punas ng pawis, paypay, hawi ng buhok, at lagok ng tubig.

            "Hi, girls!" bati ng apat na nag-gagwapuhang nilalang na lumapit sa kanila. Sandaling napanganga ang girls at natigil sa mga ginagawa. Aba! Mukhang mga modelo ng Bench at Penshoppe ang mga ginoong lumapit sa kanila.

            Nagkatinginan silang apat— Gary, Jessielyn, Muffin, at Geraldine. Nauna na kasi ang iba sa kanila sa Diner's at dapat ay susunod na sila kaagad.

            "Hello, there boys!" bati ni Jess.

            Buti na lang at sanay si Jess sa mga ganitong mukha kaya una itong nakabawi.

            "Uhmn... Yes?" For the record, ay speechless yata ang taklesang si Muffin.

            "We just came here to personally congratulate you all. Nice game! We've been watching since the first set," anang gwapo na kamukha ni Jericho Rosales. Maputi nga lang ito at mas soft ang features. "By the way, I'm Nicko. Nicko Mateo. And these are my friends," sabay turo nito sa tatlo pang gwapo.

            Ngumiti ang mga ito, saka nag-extend ng mga kamay at saka sila nagkapalitan ng mga pangalan.

            "Ang galing niyong maglaro. Mga volleyball players ba talaga kayo?" tanong nung Jemar. Gwapo, sun-kissed skin, at halatang malinamnam sa mata ang mga pandesal na nasa ilalim ng sando nitong itim.

            "Uhmn, by the way, pwede ba namin kayong maimbitahang mag-lunch? Diyan lang naman sa Diner's," pahabol nitong tanong.

            "We're actually heading there. Our friends are waiting for us. If you guys want, you can join us—" saglit na natigilan si Muffin nang pandilatan ito ni Gary, pero pinandilatan lang siya nito pabalik.

            "—okay lang naman 'yon girls di ba?"

            Napaawang na lang ang bibig ni Gary nang sabay na tumango sina Jess at Geraldine.

            "Sure! Ipapakilala namin kayo sa gang," utas ni Geraldine. "Tsaka, okay din 'yon, the more the merrier."

            "Talaga? Sige ba!"

            Habangdaan papuntang Diner's, masayang nag-uusap-usap ang lahat. Lahat nagsasalita maliban kay Gary. As usual, hindi pa rin talaga siya kumportable sa mga lalaking kailan lang niya nakilala. Pangiti-ngiti, minsan tatawa, o di kaya'y tatango at nakikinig lang ang ginagawa niya.

            "I used to play volleyball when I was in high school. Pero natigil ako no'ng second year college," kwento ni Muffin sa kausap na si Nicko.

            Kausap din ni Jess yung Jemar. "Talaga? Wow! Congrats! Sana maimbitahan mo 'ko minsan sa isa sa mga events mo. May panglalaki ba sa clothing line mo?" anito. Mukhang naikwento na ni Jess ang tungkol sa clothing line niya. Palibhasa, parehong model ang dalawa kaya parehas ang line of interests.

            Naririnig din ni Gary si Geraldine at yung Mike. Ewan kung coincidence lang din ito dahil isa din itong teacher. "Wow, Mike! Galing mo naman. But why did you choose Harvard over Massachusetts for your M.D? Ano'ng mga naging basis mo?" tanong ni Geraldine.

Love RematchWhere stories live. Discover now