Chapter 11: Correction, Hindi Pa.

191 8 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 11: Correction, Hindi Pa.

            Magkatabi at seryosong nag-uusap sa hammock sina Gary at Rick nang dumalaw ang binata sa gang. Naikwento ni Gary sa kaibigan ang lahat. Mula sa hindi niya inakalang panliligaw hanggang sa mga pagpapa-pansin, at pangde-deadma ni Joan sa kanya. Lahat-lahat sinabi niya. Wala siyang itinira.

            "Pare, what should I do? This is so not me. Akalain mong nagawa ko lahat ng 'yon? Only to be set aside and be left out. Sugat-sugat na ang—"

            "—pride mo," putol ni Rick sa nagsi-sentimiyento na si Gary. "Alam mo, Pare, tama ka eh. This is so not you— swallowing your precious pride, dahil sa isang rematch na pinakaaasam mo. But, oddly enough, it's still you."

            Nangunot ang noo ng dalaga. Naguluhan siya sa sinabi ni Rick. Hindi siya, pero siya pa rin? Huh?

            "Listen, Pare. Ang kilala kong Gary, gagawin lahat kesahodang tama o mali, just so long na gusto niya. Pag ayaw, ayaw niya. End of the story. Gets mo?" dagdag ni Rick nang makita ang confuse na reaksiyon ng dalaga.

            Unti-unti, nawala ang kunot niya sa noo at nagliwanag ang kanyang mukha. Tama si Rick. Siya kasi 'yong tipong hindi mo na mapipilit mabago ang isip kapag nakapagdesisyon na tungkol sa isang bagay. At dahil pinapahalagahan niya ang kanyang pride, hinding-hindi na magbabago ang isang naunang desisyon, tama man o mali, at kahit alam niyang malaki ang posibilidad na masasaktan siya.

            "Thanks, Pare. Hay, tama ka. Ako pa rin 'to hanggat kilala ko pa ang sarili ko," ani Gary habang nag-iinat ng kamay.

            Pinisil ni Rick ang ilong niya at hinila palapit. "Halika nga dito." Niyakap nito si Gary. "Lagi mo 'tong tatandaan ah. Kapag kailangan mo ng kausap, magsabi ka lang. Okay?"

            Tumango siya at niyakap pabalik si Rick.

            "Wag kang mag-alala, mahal ka nun," bulong ni Rick. Kahit ang totoo, gustong-gusto niyang sabihing, Huwag kang mag-alala. Mahal kita. Kung ako na lang sana, eh.

>>>>>>>>>>>> 

            Samantala, kitang-kita mula sa kitchen ng suite ang eksena ng dalawa sa hammock dahil sa isang malaking fiber glass na bintana. Sakto kasing tambay na naman ang girls sa kusina, gumagawa ng Jaded Buko at Peanut Butter Cookies. Kasama ng mga ito sina Carlos at Kelvin habang ang apat na iba ay nagkayayaang mag-basketball.

            "OhMyGeeee!" Pigil na pigil ang tili ni Jess habang pinapanuod na magkayakap sina Rick at Gary. "Rick is so sweet talaga. Hindi pa rin siya nagbabago," anito habang sisilip-silip sa bintana.

            "Oo nga ano? Bagay rin pala ang dalawang 'yan? Naku, sa mga ikinikilos pa naman ni Joan ngayon, sorry guys, pero baka maging Team PauRick na ako," untag naman ni Sherry habang sinisimot ang peanut butter sa daliri niya.

            "Grabe ka naman, Sherry Lou!" Mahinang hinampas ni Rain si Sherry. "Kahit bagay rin ang dalawang yan, Team PauNeil pa rin ako. Solid 'to no."

            Hindi na nila namalayan na nagkukumpulan at nagsisiksikan na pala sila sa parteng iyon ng kusina. Nagsisiksikan habang sumisilip at nagbibigay ng kanya-kanyang komento.

            "Bakit kaya hindi siya mabigyan ng chance ni Margarette? Ang pogi-pogi niya naman. Mabait at sweet pa!"

            "Trust us, Shane. Ilang beses na rin naming pinamukha kay Gary 'yan, isinampal pa— but to no avail," sabi naman ni Muffin.

Love RematchWhere stories live. Discover now