Chapter 22.2: Sana Walang Magbago.

160 4 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 22.2: Sana Walang Magbago.

            "Andito na tayo, Pare." Pinagbuksan siya ni Rick ng pinto ng kotse. Bumaba naman si Gary at inayos ang suot na bahagyang nagusot sa pagkakaupo. Dahil kilala si Rick ng security team ng bistro, mabilis silang nakapasok.

            "Pare, ang laki nang pinagbago ng Bistro Otso, ah. Ang tagal na rin mula nung huling punta ko rito," ani Gary habang iginagala ang paningin.

            "Alfred!" tawag ni Roy pagkakita sa kanila. "Dito."

            Dinala sila ni Roy sa isang VIP section sa ikalawang palapag kung saan kitang-kita ang kabuuan ng bistro. Mula sa entrance, sa dance floor na puno ng mga nagsasayawan, sa mga bartenders na nilalaro ang mga inumin, hanggang sa DJs na busy'ng busy sa pagkalikot sa kanilang tugtugin.

            Umupo sila sa isang couch na kulay ube at agad na sumenyas si Roy sa isa sa mga waiters. "The usual, Mark, para sa 'min ni Alfred. Gary?"

            "Ahhh..." Napakagat-labi na lang siya habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawang nag-ga-gwapuhang kaibigan.

            Roy just chuckled. "Okay, Mark, scotch ang—"

            "Roy!" Rick called in a warning voice.

            "Sabi ko nga. Isang lemon margarita para sa kanya," saka kumindat kay Gary.

            "Noted sir," anang waiter bago umalis.

            "So, kumusta na kayo?" makahulugang tanong ni Roy nang makaalis ang waiter. Nakatingin ito kay Rick. Sinamaan naman ito ng tingin ng huli.

            "I mean, Gary— yes, you. Kumusta? How's life? Naks! Namiss kita ah... Mas lalo ka yatang gumaganda. Payakap nga."

            Pinagbigyan naman ito ng dalaga. "Ikaw talaga, Roy. Hindi ka na nagbago. Boleeeero ka pa rin," aniya habang niyayakap ito. Si Roy ang isa sa mga barkadang tunay ni Rick. At dahil kay Rick, nakilala at naging magkaibigan sila nito. Simpatiko-gwapo ang bansag dito. Pero hindi ito ang tipo ng gwapong nagbibilang ng girlfriends. Wagas ito kung magmahal.

>>>>>>>>>>>> 

                     

            Mabilis talagang umandar ang oras sa tuwing nag-eenjoy ka sa mga kasama o ginagawa mo. Alas sais y medya nung huling sulyap ni Gary sa relo niya. Ngayon, pasado alas nwebe na. Namumula na rin si Rick dahil sa mga nainom. Pero alam niyang hindi pa naman ito lasing. Pipigilan naman niya ito kung sakali dahil magmamaneho pa ito pauwi.

            Naiwan silang dalawa ni Rick sa lamesa nila nung saglit na umalis si Roy. Marami kasi itong kakilala sa bistro kaya't hindi ito mapirme sa kanila.

            "Pare, ayos ka lang ba?" tanong ni Gary sa binata. Kanina niya pa kasi napapansing hindi ito mapakali sa pwesto nito. Kung pagpawisan ito ay ga-mongo na tila ba kinakabahan. Idagdag pa ang napapadalas na palihim na pagsulyap at pagtitig nito sa kanya, na sinusubukan niyang hindi pansinin para hindi siya mailang.

            Kinabahan siya bigla. Alam niya ang mga tinging iyon. Hindi sa pagiging asumera pero parang alam na niya ang ibig sabihin ng mga sulyap na iyon ni Rick.

            Oh, no! Not again... she thought.

            Hinawakan nito ang isa niyang kamay. "Pare, wag kang magagalit sa 'kin ah?" nahihiyang sabi nito. Hindi mawari kung ngingiti o tititig sa kanya.

Love RematchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon