Chapter 5: I Missed You Too.

352 9 2
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 5: I Missed You Too.

 

          Parang mga batang nag unahan sa pagpili ng kwarto ang magkakaibigan. Nakatikim pa ng isang batok si Carlos dahil inaya nito si Geraldine na doon na sila sa isang marital room mag occupy. Anim na malalaking kwarto ang bumubuo sa suite nila. Lima dito ay may tig tatatlong single bed kada kwarto.

            Sa Diner's Choice sila nag-lunch kaya naman busog na busog ang lahat. Palibhasa'y libre kaya eat all you can ang ganap nila lalo na ang mga lalaki. Catching up din ang nangyari habang kumakain. Kung saan-saan napupunta ang kanilang usapan. From remembering their most favorite and hatest past profs' to projects to their time to time bloopers.

            "Muff' remember the time nung super crush mo pa si Ryan Gaden?" Jess asked, who didn't even bother hiding her enthusiasm. "Nung nakatambay tayo sa sari-sari store ni Aling Goyang, then Ryan came looking oh-so-gwapo. Then nilibre niya tayo ng—" Jessielyn stopped in mid-sentence dahil sa biglang pagsabat ni June.

            "—Creams. Yung green, peanut butter flavor. Tss. Ano bang meron sa biskwit na 'yon at hanggang ngayon kinikilig pa rin kayo? Eh, tig-tres lang yata 'yon noon eh," anito na nakatingin sa mga kaibigang lalaki na tila humihingi ng kakampi.

            "Com'on June, you forgot something very important," pagkampi naman ni Rex. "How dare you forget to mention the Ice Candy?" saka naghagalpakan sa tawa ang mga ito.

            "Tseh! Palibhasa wala kayong sweet hormones diyan sa mga pores niyo!" asik ni Jess.

            For ten years, ngayon lang ulit nabuo ang gang. Nagkaroon na rin sila ng get together, ilang beses na nga din iyon, pero ni minsan hindi sila nakumpleto. Although, may Facebook at Skype, outdated pa rin si Gary sa impormasyon sa iba niyang kaibigan. Lalong-lalo na kay Joan na pilit niyang iniwasan.

>>>>>>>>>>>> 

            "Ang cool naman ng gang! I can't believe that despite the success we have achieved, wala pa ring nag-aasawa sa 'tin," Sherry exclaimed isang araw habang nagpe-prepare ng dessert nila kasama si Lorraine at Shane.

            "O'nga noh. Pero sayang, excited pa naman akong maging ninang!" sabi naman ni Rain na nauna nang sumubo ng ice cream.

            Nagkatinginan sina Anna, Muffin, at Gary na sabay ding napatingin kay Joan. Si Joan na kasalukuyang nakikipagkulitan noon kina Carlos at June—ay biglang natahimik at napadako ang tingin sa tatlo. Imposible namang narinig sila nito dahil malayo ang pwesto nila sa isa't isa. Agad din naman itong nag-iwas ng tingin at sinubukang ibaling ang atensiyon sa mga kakulitan. Gayun paman, kapansin-pansin na naging unsteady ito lalo pa nang pinagpatuloy ng girls ang usapan nila over the mouth watering ice cream in fruit salad ang coffee crumble flavor.

            "Kaya kayo Geraldine— Hoy Carlos! Kelan ka magpro-propose sa pinsan namin?—" tawag ni Sherry. "—pag-usapan niyo na 'yan. Hindi na kayo bumabata. 'bah! Four years is quite long na ah. To think na sobrang pasaway niyang boyfriend mo noon," she finished.

            "Ewan ko ba diyan sa tao na 'yan! Siya lang naman ang hinihintay ko. Alangan naman ako pa mag-aaya sa kanya. Pero, okay lang. Hindi naman ako nagmamadali eh," kibit balikat na sagot ni Geraldine.

            "Don't worry Ge', four years! Hello!" madiing sabi naman ni Jessielyn. "Apat na taong strong and tough ang relationship niyo. I'm sure kayo na niyan sa huli. Nag iipon pa siguro si Carlos."

Love RematchWhere stories live. Discover now