Chapter 1

2.2K 50 4
                                    

Chloe's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang sunod sunod na katok sa pintuan ko.

Fuck!

Ang aga aga pa! Hindi ba alam ng taong kumakatok kung anong oras na ako nakatulog kanina?

Si mommy naman kasi! Kung ano ano ang sinasabi!

Like me? Titira sa probinsya? No way!

Anong gagawin ko dun? Magtatanim?

Ang magandang chloe ay hindi nababagay sa nga ganung klaseng lugar.

Ang gusto kong lugar ay 'yong, cozy, expensive and glamour. Just like me.

"Chloe gising na! May pasok pa tayo!" Mas lalo yata akong nairita ng marinig ko ang boses ni Kiesha.

Ano na naman bang trip nito sa buhay?

"I don't want to go in school kiesha." I said when I open my door, my brows furrowed while looking at her.

"Pero first day of school pa naman ngayo—" Her words was cut off when I close my door.

Nakakairita ang bunganga niya! Mas lalong nakakairita ang pagmumukha niya!

At paki ko naman kung first day of school? Sobrang puyat na puyat ako ngayon dahil sa sinabi ni mommy sa akin kagabi. Hindi ako makatulog! Goodness! I just can't believed it!

Like hello? She wanted me to live in province? Kahit lumuhod sila sa harapan ko ay hinding hindi ako titira dun!

Akmang babalik na sana ako sa pagtulog ng may kumatok na naman sa pintuan ko. This time mas malakas, tangina!

"ANO BA KIESHA?! HINDI NGA AKO PAPASOK! BINGI KABA O SADYANG TANGA KA LANG TALAGA?" I hissed in annoyance.

Bwesit talaga ang babaeng 'yon, ang drama drama na nga napaka tanga pa.

"Baby I'm not kiesha. I'm your kuya traven. Bumangon ka na diyan kung ayaw mong ma sermonan na naman ni mommy."

Fuck!

At talagang naghanap pa ng back up si kiesha!

Bwesit!

I ruffled my hair in frustration, kahit antok na antok pa ako ay wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni traven. Ayoko naman na si mommy ang pumasok dito at baka kung ano ano na naman ang sabihin nun sa'kin!

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng uniporme ay bumaba na ako, napairap ako ng makita ko silang lahat na nagtatawanan sa dinning area.

Edi wow!

Kayo na happy family!

Duh! Like I care. Mag sama sama silang lahat!

Nang makita nila ako ay bigla silang tumahimik lahat.

Edi sheng!

"Chloe come here. Kain kana." Naka ngiting giit ni kiesha.

This is what I hate about her! She's too kind! Sa inasta nito ay parang wala lang nangyari kagabi, when in fact dapat nga magalit siya sa'kin kasi pinagsalitaan ko siya ng kung ano ano.

Napaka bait ni Kiesha pero hindi ko alam kung bakit nakakairita ang pagkatao niya.

"No thanks! Doon na lang ako kakain sa cafeteria, nakakahiya naman baka maistorbo ko pa kayo." I smiled fakely and I was about to leave when my mom shouted.

"BASTOS KANG BATA KA!" Matalim ang tingin nito sa'kin, ang dibdib nito ay taas baba dahil sa galit niya. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin ay sigurado akong kanina pa ako nakabulagta dito.

90 Days With Him Where stories live. Discover now