Chapter 7

1.3K 36 1
                                    

Chloe's POV

I wore a baby pink dress match with the gorgeous leather high heels. Hindi ko mapigilan na ngumiti ng makita ko ang itchura ko sa salamin. Ang ganda ko talaga. Napa tayo ako ng diretso at napahawak sa dibdib ko ng biglang pumasok ang walang hiyang si lopez sa kwarto ko.

"Gosh! Lopez. You scared the hell out of me! Don't you know how to knock?" Singhal ko sa kanya at inirapan siya.

"I know how to knock Perez. Actually, I did knock.  But you're busy enough to ignore me! You didn't even notice my presence, so I just enter." Sabi nito at umupo sa kama ko. Napayuko nalang ako ng tinignan niya ako.

"Saan ka pupunta? Ba't bihis na bihis ka yata?" Nakasimangot na tanong nito sa akin.

"I have a date with Kurt. How about you? Bakit naka bihis ka din?" Tanong ko sa kanya at tinignan siya. He wore a black v-neck t-shirt na may design na skull and a black fitted pants match with the leather brown shoes. Ang gwapo niya tignan sa suot niya.

"I also have a date with kie."
Nakangising sabi nito sa akin at lumabas na ng kwarto ko. Tsk! Like I care.

Nagpahid muna ako ng red lipstick bago bumaba. Pagbaba ko nagulat nalang ako dahil naka upo na pala si kurt sa sofa namin. Napaayos siya ng upo ng makita ako, kaya dahan dahan akong bumaba sa hagdan namin. Bababa na sana ako sa pinaka dulo ng hagdan ng matapilok ako.

"Ahhh" sigaw ko, napapikit nalang ako at hinintay ko nalang na bumagsak ako sa sahig kaso hanggang ngayon 'di parin ako bumagsak kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni kurt na naka suporta sa akin.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" Nag aalala niyang tanong sa akin at inalalayan niya akong umupo sa sofa.

"Yes, Thank you." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Napalingon naman ako sa tumatawa na si lopez malapit sa amin.
Nakahawak pa ito sa kanyang tiyan at lumuluha nadin itong tumatawa. Kaya binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin kaya napatahimik siya.

"Hey! Bryle let's go." Napalingon kami pareho ni kurt kay kiesha na masayang pumunta kay bryle at hinawakan ang braso nito para lumabas. Napahinto ito ng makita kami ni kurt.

"Kurt is that you?" Gulat na gulat na tanong nito kay kurt.

"Yes. Anyway, you're so pretty kiesha." Nakangiting sabi ni kurt kay kiesha. Napairap nalang ako at nag cross arm. Siya na naman, bwesit!

"Thank you" Nag blu-blush na sabi ni kiesha at yumuko pa. Ang arte ah, kainis. Gusto ko na naman siyang sabunutan. 

"Kurt? Let's go." Sabi ko kay kurt at hinila ang kamay niya.

"Wait!" sigaw ni kiesha at tumakbo sa amin ni kurt.

"What?" Naiinis na tanong ko kay kiesha at inirapan siya.

"Saan kayo pupunta?" Nakangiting tanong nito kay kurt.

"We'll have a friendly date. Ikaw saan punta niyo ni Bryle?" naka simangot na tanong ni kurt kay kiesha. Napa irap na naman ako, mukha yatang nanunuod ako ng drama. Kainis! At talagang may friendly date pa. Pwede namang date lang ah.

"Ah, May friendly date din kami eh. I think mas madami mas masaya. Kaya sabay sabay na tayo." Naka ngiting sabi ni kiesha at hinila si bryle.

At dahil kanina pa ako naiinis hindi ko na mapigilan na sigawan si kiesha kahit na nandiyan pa si kurt.

"What the hell kiesha! Anong sinasabi mo na sasama kayo? Mag di-date kayo diba? So ibig sabihin dalawa lang kayo. Hindi ito group date. Kaya wag ka ngang sumama sa amin. Panira lang kayo dun." Naiirita kong sigaw kay kiesha.

"I think tama si chloe. Mas maganda kung tayo lang dalawa ang mag di-date kie." Naka ngiting sabi ng epal na si lopez. Tsk! If I know, gusto niya lang masulo si kiesha.

"No! Tama si kiesha. Mas maganda kung sabay sabay nalang tayo." Singit na sabi ni kurt. Kaya wala na akong nagawa kundi umirap nalang kay kiesha. Bwesit! Panira naman eh.

Ng makarating kami sa mall dumiretso kami sa mamahaling restaurant at doon kumain. Katabi ko si kurt at magkaharap naman kami ni lopez.

"Hmmm. Your name is bryle right?" Tanong ni kurt kay lopez.

"Oo." Walang ganang sagot ni lopez kay kurt. Kaya sinipa ko naman ito sa ilalim ng table namin.

"Aray!" Reklamo nito at tumingin sa akin ng masama.

"Anong nangyari bryle?" Nag aalalang tanong ni kiesha kay lopez.

"Hehehe, wala naman kie. Nakagat lang yata ako ng LAMOK." Lopez said and he emphasize the word 'lamok'.

"Lamok? How come na may lamok dito?" Naguguluhan na tanong ni kurt.

"Ano ba? Wag niyo na ngang tanungin ang mga bagay na yan. For sure walang lamok dito!" Naiirita kong sabi. Totoo naman eh, pag aawayan pa ba nila ang lamok nayan? 

"Tama si chloe. Anyway, saan ka naka tira bryle? Anong business niyo?" Nakataas ang kilay ni kurt ng tanungin niya si lopez.

"Naka tira ako sa probinsiya dati, pero ngayon sa mansion na ako naka tira nila Mrs. Perez. Wala kaming business katulong lang ang nanay ko. Ano pang tatanungin mo kurt?" Diretsong sagot nito kay kurt at tinignan niya pa ito sa mata. Napatahimik nalang kami, walang sino man ang gustong mag salita.

"Wala na." Sagot ni kurt.

"Ako naman ang mag tatanong sayo kurt. Kaano ano mo si chloe at si kie?" Diretsong tanong nito kay kurt at tinignan niya ito sa mata. Mukha yatang nagulat si kurt sa tanong ni lopez kaya umayos ito ng upo. Nakita ko si kiesha na napaayos din ng upo habang ako nakasimangot.

"Ahm. Kailangan ba talagang sagutin ni kurt yan bryle?" Tanong ni kiesha kay lopez.

"Lopez, wag ka na ngang madaming tanong diyan. You're not investigator to ask that question to kurt." Ako na ang nagsalita dahil feeling ko ano mang oras ay mahihimatay ako kung sasagutin ni kurt ang mga tanong ni lopez. Ayokong bumalik na naman ang sakit. Sakit na binaon ko na sa limot!

"Ba't ba? Wala naman masama kung mag tanong ako kay kurt." Sabi nito at mas lalo niya pang tinignan si kurt sa mata.

"Chloe, kiesha. Its okay. Sasagutin ko ang mga tanong ni bryle." Sabi ni kurt at tinignan niya din sa mata si lopez.

"Chloe is my ex-girlfriend. 4 months naging kami. Kaso naki pag break siya sa akin dahil nalaman niya na ang tunay na mahal ko ay si kiesha. Yeah, I know that I'm a jerk. Totoo naman eh, 'di ko talaga minahal si chloe. Niligawan ko lang siya dahil gusto kong mapalapit kami ni kiesha. But when I saw chloe crying doon ko nalaman na mahal ko pala siya, pero alam kong huli nako. Nasaktan ko na siya." Sabi ni kurt.

Napatayo ako bigla at saka tumakbo sa comfort room. Pumasok ako sa pinaka dulo ng cubicle at saka umiyak ng umiyak doon. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko parin ang sakit. Ang sakit lang pala na marinig mo yan sa taong minahal mo noon. Nakakatawa diba? Sa loob ng 4 months na 'yon akala ko mahal niya ako pero 'yon pala si kiesha pala ang mahal niya. Niligawan niya lang ako dahil gusto niyang mapalapit sila ni kiesha.

"Chloe?" Rinig kong tawag ni kiesha sa akin. Kaya dali dali kong pinunasan ang luha ko at saka lumabas ng cubicle.

"Umiyak kaba?" Nag aalala niyang tanong sa akin.

"Ako iiyak? Never! Hindi ba pwedeng napuwing lang ako?" Sabi ko sa at saka nag hilamos ng mukha.

"Oh sige, bilisan mo at may pupuntahan pa tayong apat mamaya." Sabi niya at saka lumabas.

Napatingin ako sa salamin ng makita ang mukha ko. Chloe you're a strong person right? Then what the heck are you crying? Sabi ko sa sarili ko. Umayos muna ako ng tayo at  napangiti nalang ako, I need to be srtong!

Itutuloy...

Kiesha Perez see at the right side -------------------------------------------------------->

-----------------------------------------------------------
A/N

Read.Comment.Vote

Love, Ate Lay

90 Days With Him Where stories live. Discover now